Chapter 9: ♥ Ang Unang Harana ♥

75 2 8
                                    

Ok. Pinagpaplanuhan ko na toh ever since Chapter 7 pa. Eto kasing si Ms. Author {Anjelu} tinatagalan yung Chapter 8 kasi ayaw niyang magUD ako. Alam niya kasi yung kababalaghan na mangyayari dito eh. Pero that shall not stop me! NEVER! 

May malaking moment dito ang Caudrey. And yes, yan ang pinangalan ko sa loveteam nila Carlo at Audrey. 

Fan, Vote and Comment People!

~Ms. Author {Andrea}

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Carlo's P.O.V 

"CARLO?! ANO BEH?! SABI KO MAGBIHIS KA NA!" sigaw ni Natalie mula sa labas ng boys lavatory.

Nandito kasi kami sa second floor ng school. Nasa loob ako ng boys lavatory tapos nasa labas si Nat (syempre). Pinagbibihis niya na kasi ako. May surprise kasi kami sa barkads. More importantly, para kay Audrey KO. 

"Hoy! Mamaya ka na magdaydream tungkol sa Audrey MO. Tska purkit may surpresa ka sa kanya Audrey MO agad?" sermon nanaman ni Natalie. Etong babaeng to masyadong natataranta. 

"Sorry po! Eto na! Magbibihis na po!" sagot ko nang parang employee sa trabaho at nilabas yung casual clothes na dala ko. 

10 minutes later... 

"CARLO! Buksan mo na nga tong pinto! Kanina ka pa dyan! Malapit na tayu magsimula noh?" sigaw ni Natalie mula sa labas. Kabog na ng kabog yung pinto sa kakahampas ni Natalie sa pinto. 

"Tapos na! Sandali. Bubuksan ko na yung pinto" sagot ko at binuksan yung pinto. Nakacasual din si Natalie ngayon kasi syempre may part din siya sa surprise. Kaya nga sa kanya ako humingi ng tulong eh. 

"Ayos naman pala. Ok, lika na. Naghahanda na sila CJ dun sa baba. Alam mo na yung part mo diba?" dirediretsong sabi ni Natalie at halos kaladkarin na ako sa hagdan. 

"Oo naman. Ako pa diba?" pagmayabang ko nang nakangisi. Si Natalie naman ang ngumisi at pinakita saakin yung mga estudyante na nakapila sa school grounds at nagtataka kung bakit may banda na naghahanda sa stage. 

Napalunok ako. Ang daming estudyante. Pati teacher makikita yung performance ko. Lahat na! Ba't nga ba nung flag ceremony ko napili na magperform? Ako ewan ko! Automatic yata isip ko eh. Biglaan na lang na alam ano yung gusto. 

"So? Keribells ba?" tanong ni Natalie nang mukhang gusto na tumawa sa mukha ko. Halos magepic face na ako dito eh. 

"H-ha? O-oo naman. Lika na ba?" tanong ko habang inaayos yung buhok ko. Tumango lang si Natalie at hinila na ako papunta sa stage. 

"We got this?" tanong ni Natalie nang nasa baba na kami ng hagdan ng stage. 

"Yep. Lez do this" nilunok ko na lahat ng kaba ko at nagsimula na kami umaykat ng stage ni Natalie. Nakaupo si CJ, isa sa members ng school theatre group, sa isang armsless chair at nakasandal sa gilid yung guitar niya. 

Tumakbo na si Natalie sa electric piano niya dun sa opposite side ni Carlo. Extra lang yung piano para hindi ako kabahan. Medyo basic pa lang alam ni Natalie sa piano pero pinilit ko siya kasi ayoko na si CJ lang kasama ko. Pumunta na ako sa microphone at tumapat sa audience.

"Ummm...Excuse me? Ako nga pala si Carlo M. Santiago from 9-St. Dominic. May performance ako ngayon na dedicated para sa isang special girl ko out there" sabi ko nang medyo mabilis dahil kinakabahan. 

5 + 3 = I N F I N I T YTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon