Chapter 29: ♥ Nightlife In Batangas (TDSR PT.2) ♥

67 3 4
                                    

Nakakapressure naman. Hang out talaga? Edi hang out kung hang out. Kung gusto niyo hang in pa. Korni ko. Anyway, eto na ang kakaibang bongang UD ng buong bayan. Wala pang laman ang utak ko pero bahala na si Batman. Basta wag kayong inip. 

Fan, Vote and Comment

~Andi 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Natalie's P.O.V  

"BILISAN MO NGA DYAN, PAULINE! ANG TAGAL TAGAL MO NANG NASA CR!" sigaw ni Dianne. Kanina pa kasi nagiintay tong mga hindi pa nakakaligo kay Pauline. Swerte lang ako at nauna ako dito. 

Hehe ^.^ 

"SANDALI KAYA?! ANG KUKULET NINYO!" sigaw pabalik ni Pauline. Nagroll eyes ako at nilabas yung iPad ni Audrey para may pamaglaruan. 

4 pics 1 word. 

Nasa gitna ako ng paglalaro ng biglang may umupo sa tabi ko. Lumingon ako at nalaman na si Angelo pala tumabi saakin. Hindi ko na lang pinansin at bumalik sa paglalaro.

"Uy. Tignan mo naman yung loner mong ex dun oh" biro niya sabay nguso kay Gerald na nakaupo sa sofa bed habang nanonood ng kung anuman. 

"Dun ka nga. Epal ka din noh? Busy ako" sabi ko at tumaboy yung pagmumukha niya palayo. 

"Sus. Suplada ka talaga kahit kelan"  sabi ni Angelo at umalis na nga. Huminga ako ng malalim. 

Sa wakas. Peace and quiet kahit sandali man lang...

"PAULINEEEEEEEEE!" Jus ko po...

"Shattap nga! Ang iingay ninyo!" reklamo ko at pinulot kung ano man pinakamalapit saakin at binato sa direksyon nila. 

"ARAY!" sigaw ng boses ni Carlo. 

"Ano ba binato ko?" sabi ko sabay lingon sa likod. Nakita kong nakahawak sa ulo niya si Carlo at may kulay puti sa sahig. Teka...

Cellphone ko yun ah...

AHAHAHAAHA! 

"Sakit ba? iPhone yan!" tawa ko. Natawa naman yung mga kasama niya including Audrey. Nagroll eyes lang si Carlo at nagattempt na ibato saakin pero nasalo ko. 

"Bleh!" belat ko. Inirapan ako ni Carlo at umiwas na ng tingin. 

Humarap na ulit ako nung biglang may naramdaman ako sa tagiliran ko. Umusod ako ng konti at nagkita yung bag na inabot saakin ni Gerald kahapon. Sa sobrang antok ko kagabi tinanggap ko na lang at nagthank you pa. Wala talaga ako sa sarili nun. 

Hindi ko na masasauli toh kaya buksan ko na lang...

Kinuha ko at binuksan yung bag. Napatingin na lang ako kung ano yung nasa loob. Infairness cute ha. Pero ewan ko ba. Parang hindi ko pa handa tanggapin or gamitin toh. Hindi ko na nilabas sa bag at nilagay ulit sa tabi ko yung bag. 

"Oh ayan na! Mga atat" naiinis na sabi ni Pauline at lumabas na ng CR. 

"SALAMAT! SA WAKAS!" sigaw ng mga nakapila dun sa labas ng CR. 

"OA naman" comment ni Pauline at pumunta sa kama niya. 

Mabagal na dumaan yung hapon. Wala namang masyadong maraming nangyari. Tahimik lang. Kanya kanyang gawa. Buhay buhay. Nang sumapit na ang 5:00 P.M saka nagkagulo...

5 + 3 = I N F I N I T YTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon