CHAPTER 8 - A moment to treasure💓

3 0 0
                                    

Bright's POV.

Good morning it's weekend already 🙂.
Kakagising ko lang ngayon.
Maaga akong gumising para magluto ng pang almusal. Tulog pa si Ante ng magising ako kaya dali-dali akong pumunta sa kusina at nagluto.

**"( Few minutes later)"**

Sa pagkakataong to ay tapos na akong magluto at naglinis na ako sa loob ng bahay.
Pagising ni ante ay pumunta sya sa kusina para magluto sana ng umagahan at sinabi ko sa kanya na tapos na. Natuwa si ante sa nalaman nya.

Sinabihan ako ni ante na mamaya na ako maglinis at kakain muna kami.

Nagsimula na kaming kumain ni Ante. Sa pagkakataong to ay tinanong nya ako kung okay lang ba ang first Day ko sa Lovelace High School. Tinanong ko sya na okay lang.

Pagkatapos naming kumain ay tinapos ko ang paglilinis ng bahay. Samatalang si Ante ay nauna sa Convenience Store at may asikasuhin ito.

Natapos ko ng linisin ang buong bahay at pagkatapos ay nandilig ako ng halaman.
Dali-dali ko itong diniligan dahil oras na para pupunta na ako sa convenience store.

(" few minutes later")

Sa pagkakataong to ay naliligo ako dahil pupunta na ako sa convenience store. Paglabas ko sa CR ay naka towel lang ako papasok ng kwarto ko.

Nahihiya ako kay ante dahil naka towel lang ako..wala akong damit. At dali dali akong pumasok sa kwarto ko.

Sa pagkakataong to ay nakatingin ako sa salamin habang nagbibihis. Isusuot ko na sana ang hinawakan kung damit at bigla akong huminto ng nakita ko ang suot kung kwentas na binigay sa akin ni mama 5 years ago.

Bigay daw to sa kanya ng ama ko noong nililigawan pa si Mama. Matagal na panahon na nyang hindi isinuot ang kwentas nato dahil galit sya sa ama ko noong iniiwan sya pero sa kabila ng lahat ay iniligpit lang nya to.

Kaya nang nasa tamang edad na ako ay ibinigay nya ito sa akin  to. Iniingat- ingatan ko tong bagay na to na iniingat- ingatan din ni Mama.

Napagtanto ko ngayon na kailangan ko ng tanggapin ang pagkawala ni Mama at simulan ang bago kung buhay kasama si Ante.

Sinusuot ko na ang damit ko at  dali-daling pumunta sa convenience store.

Nicha's POV.

Nandito ako ngayon sa tapat ng convenience store at sakay ako sa isang kotse upang hindi ako makita ni Bright.

Maaga akong umalis ng bahay at nagpaalam kay Dada na pupunta ako sa Mall upang bumili ng mga gamit ko kasama si Bill. Gusto ni Dada na samahan ako ni Bill kasi baka ano ang mangyari sa akin kung ako lang mag-isa.
Nagpaalam din ako sa kanya na ako nalang ang magmamaniho ng sasakyan doon nalang kami magkikita ni Bill sa Mall at buti nalang pumayag si Dada bastat mag-iingat lang ako sa pagmamaniho.

Pumunta ako dito bago ako pupuntang Mall para mag shopping.

Pagdating ko dito kanina ay hindi pa bukas ang convenience store. At maya-maya ay may dumating na babae at binuksan na ang convenience store.

Kaya hinintay kong dumating si Bright. Gusto ko syang makita. Ewan ko bat ko to ginawa. Basta ang alam ko ay masaya ako pag kasama ko sya.

Sa pagkakataong to ay may dumaan sa harap ng kotse ko at pagtingin ko si Bright ang nakita ko.

Nakita ko syang naglalakad papunta sa convenience store. Ewan ko ng makita ko sya ay biglang nag-iba na naman ang pakiramdam ko. My heart flutters and beats faster.

Naka focus ang buong atensyon ko kay Bright at sa pagkakataong to ay bigla syang huminto  sa paglalakad at tumingin sa kotse ko.

Nakikita nya kaya ako? at pagkatapos ay nagpatuloy sya sa paglalakad at pumasok sa convenience store.

HEARTBEATS💓 ("ONGOING")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon