CHAPTER 10 - Bracelet of Friendship

1 0 0
                                    


Nicha's POV.

Sa pagkakataong to natulala ako ng makita ko sya. Parang tumigil ang mundo ko. Naka slow mo sa paningin ko ang paglalakad ni Bright. My heart flutters and beats faster. Napaka porma nya kung maglalakad. Hindi ko namalayan na nandito na pala sya sa harapan ko at ngumiti sya sa harapan ko at sabay sabi ng "Good morning Nicha". Hindi ako nakagalaw sa kinaroroonan ko. Napakaganda talaga nang ngiti nitong taong to. Lalo na't makikita mo ang mga dimples nya.

Nang naalimasmasan na ako ay ngumiti rin ako sa kanya at binati rin sya ng good morning.

Sa pagkakataong to ay nandito na si Teacher Zoe. At pinadaan ko  si Bright sa Pinto at paglingon ko sa loob ng classroom ay nakatingin pala  sa amin si Bright na para bang galit ang mukha. Bumalik nalang ako sa upuan ko at nagsimula ng mag klase si Teacher Zoe.

Habang nagkaklase si teacher Zoe ay hindi ako maka focus sa kanya dahil palagi akong nakatingin kay Bright.

He is my ideal guy and I like him for what and who he is.
Napaka gwapo nyang tingnan habang naka focus sa pakikinig kay teacher Zoe. Ang tangos ng ilong nya habang nakatingin ako dito sa inuupuan ko.

Hindi ko alam na nakatingin pala sa akin si Bright
My eyes focus on the only eye that meet mine. Nagkatitigan lang kami ni Bright at this moment my heart flutters and beats faster again. Narinig ko mismo ang malaking kabog nito. Kaya hinawakan ko ang dibdib ko at hinimas-himas ito.

Ilang minuto ang nakalipas ay tapos na ang klase namin. Maagang di nissmiss ni Teacher Zoe ang klase kasi may urgent meeting siya kasama ang mga faculty at staff ng school.

Tiningnan ko ulit si Bright sa inuupuan nya at pagtingin ko ay wala na sya. Dali-dali akong lumabas ng room at hinanap sya kasi gusto kung ibigay sa kanya ang bracelet na binili ko.

Pumunta ako sa third floor upang puntahan ang music room dahil baka siguro ay nandoon sya.
Pagdating ko sa music room ay wala ning sino man ang nandon.

Dumiritso ako sa roof top ng school baka siguro ay nandon sya.

Sa pagkakataong to ay hindi nga ako nagkakamali nandito si Bright sa rooftop ng school kung saan nakatayo sya at tila may malalim na iniisip.

Lumapit ako sa kinaroroonan nya at lumingon sya sa akin dahil siguro ay nakita nya ako. Tumayo ako sa tabi nya at sabay naming nilanghap ang mga masasariwang hangin at pinagmamasdan ang mga magagandang tanawin na nakita namin pati narin ang buong school campus kung saan maraming mga estudyante ang naglalakad.
Maya-maya ay nagsalita na sya.

"Kay sariwa ng hangin ano?". tanong nya sa akin habang nakatingin sa mga nakakagandang tanawin na makikita.

" Oo nga napakasariwa. Kaya nga gusto ko dito ehh kasi parang mawawala ang mga pagod at problema pag nandito ako. Hindi lang dahil sa hangin kundi pati narin sa mga tanawin na makikita dito.
Napakaganda ano?" tanong ko  habang nakatingin ako sa kanya.

" Napakaganda nga".sagot nya habang nakatitig sa akin.

Biglang naging tahimik ang paligid sa aming dalawa. Tanging ang bugso lang nang hangin ang naririnig ko.
My eyes focus on the only eye that meet mine.

Sa pagkakataong to ay malakas na naman ang kabog ng dibdib ko. Habang patuloy na nakatitig sa akin si Bright. Napaka seryoso ng mukha nya ngayon.

Tiningnan ko ang mga mga masisingkit nyang mata, ang kanyang matangos na ilong at ang kanyang mga maninipis at mapupulang labi.

Nang naalimasmasan ako ay bigla kung binalik ang tingin ko sa magagandang tanawin na nakita namin.

Pagtingin ko pabalik kay Bright ay tumingin parin sya sakin.
"Dyos ko po, anong tingin yan Bright?" Bat nakatingin ka parin sa akin?".sabi ko sa sarili ko.

HEARTBEATS💓 ("ONGOING")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon