Chapter 1: Decisions
Naggising akong may luha na sa'king mga mata at pisngi. Agad ko itong ipinagtaka at s'yaka sinumulang inalala ang aking panaginip. Ngunit simula ko pa lamang ito inaalala ay muli na akong pinangiliran ng luha.Bumalik nanaman ang lahat sa akin. Ang lahat ng mga memoryang binaon, ang mga lugar na tinakbuhan, at ang mga taong tinakasan, ay patuloy pa'din akong hinahabol sa aking mga panaginip.
Hanggang kelan ba ako magdudusa? Bakit ba kailangang pag daanan ko pa ito? Bakit kailangang ako lang? Bakit kailangang ako pa? Ako lang ba ang nag kamali? Ako lang ba talaga ang nagdudusa sa mali ko'ng naggawa? Ako lang ba ang nag dudusa ng dahil sa nakaraan? At kung bakit parang limot at wala lang sa kanila ang nangyari ga'yong ako ay hindi mapakali at hindi matahimik. Bakit ba ang sakit sakit pag naalala ang nakaraan? Ang nakaraang puro maling disisyon ang aking naggawa.
Gusto ko nang makawala sa parang aking munting kulungan.
Gusto ko na ang maging malaya,Hindi ang tumakas, Hindii ang lumayo, Hindi ang tumakbo,
Kung hindi, ang maging malaya.
Malaya sa nakaraan, malaya sa kasalukuyan.Natawa na lamang ako sa aking nararamdaman at naiisip ngayong heto nanaman ako, natulog ng may bigat sa kalooban at dibdib, gumising ng may luha na sa aking mga mata at pisngi.
Walang pinag bago Celine, ganyan ka pa din mula sa nakalipas na apat na taon.
Tuluyan akong bumangon at agad pumunta sa ref upang kumuha ng tubig na maiinom.
Pinagsamang iyak at paos kada gigising ang sumasalubong sa maganda kong umaga, nakakatawa. Ang mga pugto kong mga mata, at ang basag basag kong boses.
Nanghihina ako g dumeretso sa banyo upang maligo. Kailangan ko ito upang nang sa ga'yon ay mawala ang aking panghihina at simulan ang araw kong puro kalokohan lamang at may peke nanamang mga ngiti at tawa.
Nakakapagod pero mag papatuloy ako hanggang sa matapos at makamtam ko ang kalayaan at ang kapayapaang matagal ko nang inaasam asam.
Pag katapos kong maligo ay simpleng kasuotan lang ang napili kong suotin. Isang short at isang shirt na pwedeng ipang labas.
Balak ko ngayon sana lumabas at mag mall para manlang makapag relax relax. Ayaw kong dumating nanaman ako sa puntong mawala ako sa sarili ng dahil lang sa galit ko.
Agad kong kinuha ang telepono ko nang maisip ang kaibigan ko upang yayain siya nang sa ga'yon ay hindi lamang ako ang mag mukhang tangang nag m-mall.
"Hello Clarisse"
"Oh napatawag ka? Balita?"
"Tara"
"Saan?"
"Gala lang"
"Kotse?"
"Sa akin"
"Tss anong trip yan? Sandali antayin mo'ko sa labas"
Ilang minuto pa akong nag antay at nang makita ko si Clarisse na kakalabas lang ng bahay nila ay agad ko ding kinuha ang aking susi at tuluyan ng bumaba.
"Saan ka?" Tanong ng aking ama'ng nilampasan ko na sana.
Nilingon ko ito at nakita kong nakaupo siya sa sofa sa sala at mukhang maganda ang mood niya ngayon, tss e ano naman hindi ba? Kung gano'ng ako naman ang wala sa mood ngayon?
YOU ARE READING
The End Game
Mystery / Thrilleris the person who changed your life is also the one who is with you until the end? - 03 // 01 // 21