Chapter 2

89 3 0
                                    

Chapter 2 : Transfer
Pag katapos ng gabing iyon ay hindi na kami nag pansinan pa ng mga magulang ko. Pati sa hapag ay wala kaming imik, alam kong medyo nag tataka na ngayon si Chester sa kanya kanya naming akto sa harap niya, kaya pinipilit ko talagang ngumiti sakanya para kahit papaano ay hindi na siya mag alala.

"Ate sabay na tayo sa pag pasok" Biglang sabi ni Ches nang makasalubong ako sa hagdan na nag mamadali.

Nakita ko naman ang pag lingon sakin ng aking ama, nilingon ko din ito at mabilis na nag iwas din agad ng tingin ng salubungin niya din ito.

"E nag mamadali ako e" Baling ko kay Ches na kinukuha na din ang mga gamit niya.

"Bakit ka nag mamadali?" Singit ni daddy sa usapan.

Bakit ba kailangan mo pang mag tanong ga'yong alam na alam mo naman kung ano, at saan, at kung bakit ako madaling madaling umalis.

Ayaw ko mang galangin siya ngayon dahil sa nangyari kagabi ay mas hindi ko naman kayang hindi galangin at hindi ako makitaan ng walang respeto sakanya sa harap ng kapatid ko.

"May inaasikaso lang dad sa school" Tss gusto kong matawa sa akto namin ngayon. Lalo na pag tinatawag ko na siyang dad.

"At ano naman iyon?" Salubong ang kilay na tanong niya. Tumungo at tumitig sa paanan ko upang ngumisi at ipinasok ang dalawang kamay sa pants ko at nilingon siya at tinititigan.

Nang makita ko pa lamang ang mga mata niya ay agad nag alab ang aking mga titig na ipinakita sakanya na siyang patagonh ikinagulat niya.

Bakit ba ang hilig mong mag kunwari, ang mag panggap?
Mag panggap na walang alam, mag panggap na parang walang nangyari, at nangyayari.

Siguro kung wala dito si Chester ay kanina pa ako nakaalis at hindi na kagaya ngayon ay pilit na sinasagot ang mga tanong niyang walang kwenta para sa akin.

"Presentation" Sabi ko at walang pasabing mabilisan nang lumabas at ramdam ko naman ang patakbo na sumunod sakin si Chester.

"San ka sasakay?" Tanong ko sakanya.

"Sayo nalang ate tinatamad akong mag drive ngayon e" Kusa niyang binuksan ang pinto ng kotse ko at pasalampak na umupo nang hindi inaantay ang aking pagpayag, kaya sumakay nalang din ako at nag simula na ako'ng mag maneho habang tinatahak ang school.

Hindi ko na inantay pa si Clarisse dahil may sarili naman siyang kotse at wala din naman siyang sinabing mag sabay kami ngayong araw sa iisang kotse.

"Thanks ate sunduin mo ako mamaya ha?" Sabi ni Ches na tinatanggal ang seat belt at kinuha ang kaniyang bag sa likod.

"Of course alangan namang pag lakadin kita hindi ba?" Biro ko.

"Hahahaha tss korni" Bumaba na siya sa kotse ko at lumipat at tumungo sa harap ko na ngayon ay nasa labas at ako naman ay nasa loob kaya agad kong ipinagtaka ang kilos niya. Kunoot noo akong nag bigay ng tingin na nag tatanong at agad din naman siyang ngumisi.

"Ah ate?"

"Oh?" Kunot noo pa'ding tanong ko.

"Nag mamadali ka ba?"

Nagulat ako sa tanong niya pero agad 'ding itinago ito at sumagot nalang. "Hmm medyo bakit?"

"Bakit? Bakit ka nag mamadali?" Kumalabog ang puso ko sa tanong niyang iyon. Parang ama ko ang kaharap ko ngayon kung mag tanong ngunit walang kaalam alam.

The End GameWhere stories live. Discover now