Dalawang taong ginusto ang isa't isa.
Ngunit,
Sa kahit na anong paraan.
Sa kahit na anong pilit.
Gustuhin man o hindi.
May kasiguraduhan man o wala.
Pag tagpuin man ng paulit ulit.
Hindi padin tayo mag tutugma
THE AND GAME
PROLOGUEKeep Running Away From You
Kakatapos lang ng meeting ko sa bagong project ko kay Engineer Francis Arevalo para sa pinapagawa niyang bahay. Pag kapasok ko ng office ko ay agad akong dumeretso sa table ko para mag relax relax muna.
Nakakapagod ang araw na 'to at gusto ko muna ang mag pahinga kahit ilang minuto o oras manlang, basta ba'y makapag pahinga ako.
Nakakastress kasi ang bahay na pinapagawa ni Engineer Arevalo dahil madami daw gusto ang misis niya kaya ayan ay sobrang tagal naming pinlano at pinag usapan kanina.
Pumikit ako habang iniisip ang bahay na pinapagawa sa'kin ni Engineer Arevalo nang pumasok ang madakdak ko'ng kaibigan para lang bwisitin ako.
Hay nako hindi talaga matatapos ang araw nito nang hindi ako binibwisit o ginugulo.
"Hi Celine how are you?" Sus kunwari pa na concern alam ko namang itatanong niya lang kung sino 'yung kasamang anak na lalake ni Engineer Arevalo kanina.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko na nakapikit pa din.
Hmm mukhang wala ata 'yung isang maarte ah? Asa'n naman kaya 'yon?
"Ano ka ba naman Celine! Ikaw na nga 'tong kinakamusta e!" Malungkot at pagalit niyang sabi kaya iminulat ko na ang mga mata ko para lamang makita ang mukha niya, ang mukha niyang nag tatampo tss. Akala mo naman susuyuin ko e 'no kung makanguso ng napakahaba.
"Wag ka ngang sumimangot d'yan, hindi bagay sa'yo. Tss, alam ko ang kailangan mo Clarisse kaya ka 'andito" Irap ko at kinuha ang papel na may drawing ng bahay ni Engineer Arevalo, gawa ito ng isa sa magaling ko'ng Arhitect na si Architect Russel Mallari. Siya ang kapartner ko sa lahat ng mga projects ko dahil boy bestfriend ko siya, at Architect siya
"Engineer Elidez naman" Lalo siyang nag pout, ulul kadiri.
"Deretsuhin mo nalang ako Clarisse" Utos ko, nag papahinga 'yung tao e.
"Engineer bitch, Engineer. Engineer Dizon" Magandang bigkas pa niya sa apelyido niya.
"Tinawag kitang Engineer 'di ba? Edi tawagin mo din akong Engineer! Galangin mo'ko hoy! Para saan pa at nag Engineer ako kung hindi mo naman isusunod sa pangalan ko!" Maingay na reklamo niya.
Ang sakit sa tenga 'di ko alam kung bakit 'andito 'to at wala sa palengke. Putak ng putak at ang arte arte nasa office lang naman kami. Napahilot nalang ako sa ulo ko habang siya ay nag wawala pa'din sa table ko grrr!
Fuck Clarisse you're too loud! My god!
"Oo na oo na! My god! Bulong ko pa habang hinihilot ang ulo ko.
YOU ARE READING
The End Game
Misteri / Thrilleris the person who changed your life is also the one who is with you until the end? - 03 // 01 // 21