Chapter 3: Final Decisions
Lumipas ang dalawang araw na iwas pa'din ang tratuhan naming tatlo, at dalawang beses na'din akong palaging tumatambay sa labas at uuwing sikat na ang araw upang makaiwas, habang sila naman ay inaantay palagi akong umuwi sa bahay.Pero dahil wala akong maggawa ngayong araw ng miyerkules at tinatamad akong gumimik at mag walwal ay sa unang pag kakataon mula ng magkaron muli ng alitan sa paggitan namin ay tumambay lamang ako sa kanilang office habang pinagmamasdan ko si mommy at daddy na busy'ng busy sa work ngayon. Andito lamang ako para pag isipan ang mga sasabihin ko ulit mamayang gabi.
Tinitingnan ko ang bawat pag papalit ng reaksyon ng mga mukha nila sa kanilang ginagawa. Maging ang sugat ni daddy sa bandang tenga niya ay hindi nakatakas sa paningin ko at pinagmasdan ito.
Balak ko na ulit sana na mag paalam sakanila na itutuloy ko ang pag alis ko at ito ay malapit na, dahil ito ay sa araw ng linggo na. Alam kong maririnig ko nanaman ang pag tanggi, pag tutol at hindi pag payag nila, ay hindi pa din mababago nito ang desisyon ko.
Ngunit parang nakaramdam nanaman ako ng pag urong ko ngayon na sabihin sakanila dahil bigla akong nakaramdam ng gutom at nag pasyang ayain si Clarisse pumunta saglit sa pinakamalapit na store dito sa village namin para kumain lang habang pinag iisipan ko ang lahat ng plano ko ngayong gabi.
Pag kalabas ko ng office nila ay nakasalubong ko si Chester na nasa hagdan at pababa na ngayon at papalapit na sa akin. Pinag masdan ko ang kanyang mga mukha habang ito ay inaantay na tuluyang makalapit. "Ate Excited na ako!" Nakatitig lang ako ngayon sa kapatid ko upang makita lamang ang kanyang enggayo at galak na galak na mga mukha.
Kagabi ko pa ito pinag iisipan kung tutuloy ba ako o hindi, dahil talagang natatakot din ako sa pwede pang mangyari sa'min dun. Matagal na plano ko na ito ngunit parang pabago bago ang isip ko at kung minsan pa ay umaatras ako dahil hindi lang naman ako ang aalis ngunit maging pati na din ang kapatid at ang kaibigan ko.
Ipinaalam ko na ito sa kanila matagal tagal na at nauna pa nila itong malaman kesa sa mga magulang ko, sa tingin ko ay mag iisang buwan na mula nang maibunyag at malaman nila ito at ng planuhin ko ito.
At halos isang buwan na din akong hindi patulugin nang aking mga iniisip isama pa ang anim na taong hinahabol ako nito sa aking mga panaginip.
Nung una, si Clarisse na kaibigan ko ay nagulat at nag aalala sa'kin pero diko inaasahang sasamahan niya ako sa katangahan ko'ng ito.
Ayaw ko man ang mang damay ng iba sa kung ano man ang mangyari sakin dun, ay mas ayaw niya naman daw na kung ano 'man ang mangyari sa akin ng mag isa ako dun.
FLASHBACK
Pabalik balik ako sa paglalakad ngayon dito sa loob ng silid ko. Pinag iisipan ko kung tatawagan ko na ba ang kaibigan ko para ipaalam ang plano ko.
Shoud I tell her? Shocks! I don't know what to do! Oh god help me please! I am bit nervous right now!
Nag pasya akong maya maya ko muna ito pag kaabahalaan at mag basa-basa muna ako ng libro upang nang sa gayon ay kumalma ako.
Maya maya pa....
Naggising ako nang may biglang may nag ring sa gilid ko. Nakatulog na pala ako at nakatungo sa table ko habang ang phone ko ay walang humpay sa pag ring nito. Walang tinginang sa phone upang malaman kung sino ito dahil agad ko itong sinagot ng hikab hikab pa.
"Hello Celine?"
Ang kaibigan ko lang naman pala.
Oh shit ang kaibigan ko? Oh yeah! Ang kaibigan ko! Ang kaibigan ko lang pala! Tss, Oh! I forgot to tell her what my plan is, nang dahil sa sobrang antok ko. Sabihin ko na kaya?
YOU ARE READING
The End Game
Mystery / Thrilleris the person who changed your life is also the one who is with you until the end? - 03 // 01 // 21