Chapter 4

42 3 6
                                    

Chapter 4: Package
Tuesday na ngayon at sa araw ng linggo ay aalis na kami. Balak namin muna mamili ngayon ng mga needs namin sa bahay sa Clemente. Inaantay ko na lamang si Clarisse na mag text sa'kin para makaalis na kami dito ni Chester sa bahay.

"Ches, nakabihis ka na ba?" Tanong ko sa labas ng pinto ng kwarto ni Chester.

"Oo ate pababa na ako saglit lang!" Sagot nito.

Hindi ko na siya inantay na makasabay ko sa pag baba dahil nag text na din si Clarisse na inaantay na lamang daw kami sa labas.

"Siguraduhin mong hindi mo uurungan ang papasukin mo" Salubong ng ama ko na hindi ako pinasadahan ng tingin habang siya ay nag kakape sa sofa pag kalabas ko galing kusina para kumuha ng toasted bread.

"Of course daddy" Sarkastikong sabi ko.

"Mauuna na kami" Paalam ko nang nakababa na si Chester.

"Mag iingat kayo" Ngumisi na lamang ako sa kanya at niyaya na si Ches na lumabas ng bahay.

Pag kalabas namin ng bahay ay may kausap na si Clarisse sa labas ng gate nila kaya agad namin itong pinuntahan ni Chester. Sinenyasan ko muna si Ches na mauna sa tapat ng pinto at doon kami antayin bago pumasok sa loob.

"Ano 'yan?" Tanong ko nang makita ang may katamtamang laking box na inabot ng lalakeng mukhang dilivery guy kay Clarisse.

"Delivery po 'to Maam, fill up nalang po kayo dito Maam" Baling niya ulit kay Clarisse pag katapos sagutin ang tanong ko.

"Weird" Bulong ni Clarisse at syaka sinimulang pumirma sa papel na ibinigay niya.

Habang pumipirma naman siya ay tiningnan ko sa box ang mga nakasulat at hinanap kung kanino at saan ito nanggaling.

To: My Friend

Eh??? Kelan pa nag karon ng bagong kaibigan ang bruhang ito?

From: Teigo

Eh?????

Hope you like it my surprise, my friend. And i hope to see you soon.

Eh????????

Basa ko sa nakasulat sa package at agad itong ipinagtaka. Taena ano may bagong kaibigan ang babaeng ito tss ba't 'di ko alam.

"Sige po Maam salamat po mauuna na po ako" Paalam ng delivery guy kaya agad akong lumingon kay Clarisse ng salubong ang kilay.

"Sinong Teigo?" Tanong ko sakanya.

"Weird nga e, nag add sakin 'yan kanina sa fb pero 'di ko kilala and then out of nowhere he asked my address and where the exact place I live pero 'di ko naman sinabi" Paliwanag niya na dumagdag sa kuryusidad ko.

"You mean?"

"Yes" Tungo niya.

"E paanong nangyaring alam niya ang exact address mo kung ganoong hindi mo naman sinabi?" Kunot noong tanong ko.

The End GameWhere stories live. Discover now