Prologue
July 2012
Manila, PH
Ang ganda ng sikat ng araw ngayon. Sa kataasan nito ay napapataas na rin ang kilay ko. Hagardo Versoza na ang peg ng beauty ko rito sa gilid ng Pylon. Hindi naman ako makapagbukas ng payong dahil sardinas ang pagkakapila naming mga papasok sa sintang paaralan.
Kanina ko pa naman suot ang ID ko ngunit pinansin pa rin ako ni Lady Gaguard at pinatabi sa gilid.
Nakakasira ng umaga ha. Buti pa ‘yung ibang guard, salamat sa kanila at kadalasan ay sa lace lamang tumitingin. Kaso heto at minalas ako dahil siya ang naka-duty sa main gate. Noong minsang isang buwan siyang nadestino sa 6th floor ay halos magpapansit na kaming lahat dahil hayahay lamang ang pagpasok sa gate. Malimutan mo mang isuot ang iyong ID ay wala namang kaakibat na sermon. E kasama na kasi sa package niya ang panenermon, ‘no ID, free preaching’ sabi nga namin.
Ang kaklase kong si Hasmin ang nagpausong tawagin siya sa ganoong ngalan. Sa lahat ng lady guards dito, ang personality niya lang ang panigurong tatatak sa bawat iskolar ng bayan. Super strict niya kasi. Daig pa niya ang pinagsamang terror na prof at ang masusungit na magulang sa mundo. Minsan ng nag-preach ‘yan sa klase namin dahil lang sa naglalaro ang mga kaklase ko ng Yu-Gi-Oh, akala niya ay kung anong baraha na. Pakiramdam ko nga noon ay may pinagdadaanan si ate, ang dami niya kasing nasabi.
Pinaalis niya sa akin ang litrato ni Andrew Garfield na nakapatong sa ID ko. Inuto pa ako na mas maganda raw na mukha ko ang nakikita kaysa ang boyfriend ko. Tss! Ayaw ko talaga inihaharap ang ID ko lalo na’t nakafish-eye effect ito. Tsk.
Mabuti na lamang at may nagbura agad ng mantsa sa umaga ko. Natatanaw ko na kasi ang aking best friend, si Kate. Siya lang naman ang nagpauso na ilagay ang pictures ng celebrity crushes namin sa ID holder. Nakaupo siya doon sa gilid ng open court. Madalas ay doon ang hintayan namin bago pumasok sa klase, isang tambling lang kasi mula sa gate. Kakaiba nga lang ngayon at nakaharap siya sa open court. Mukhang may naglalaro na kahit mag-aalas otso pa lamang.
“Anong mayro’n?” May kahalong pagtataka kong tanong sa kanya. Humarap naman siya sa akin at napatayo.
“Oh my, bes! Ang ganda ng damit mo ngayon. Bakit ba alam mo kung kailan dapat pumorma?” Ha? Napatingin naman ako sa aking sarili. Usual clothes naman ang suot ko ngayon. Semi-fit black and gray striped long tee at black leggings tapos doll shoes. Ano’ng bago dito, parang wala naman? Halos every other week ko naman itong isinusuot.
Siya rin naman a, suot-suot niya ang paborito niyang three fourths na white and crimson tee katambal ang kanyang maong na pantalon. Ganito naman talaga madalas ang outfit namin since twice a week lang ang uniform sa college namin.
“You look stunning!” Hala, may ganun pang nalalaman? Siya nga itong kahit anong damit ang ipasuot mo, jeans, shorts, or dress, ay lilitaw pa rin ang kagandahan niya.
Simple lang ang bes ko pero she’s super maganda inside and out. Mahal na mahal ko ata ‘yan! Lugi nga lang ako kapag nagyayakapan kami. E paanong hindi, malaunan niyang natatamasa ang chubby size ko habang siya naman ay petite.
BINABASA MO ANG
Hearts Unlocked
Teen FictionKILIG days are on your way. But how will you handle a storm of lies? Will you let go of the most honest thing that ever happened in your life? A decision from a broken heart shall be made. Mabilis na-turn off, mabilis ding na-turn on si Caroline sa...