3 - Changing

1.9K 29 1
                                    

Chapter 3

Changing

Mga apat na buwan na rin sa amin si Nick. Ayos naman pala siyang kaibigan. Kahit na mukhang pa-sosyal ang dating niya sa amin dati, parang isa na rin siya sa amin ngayon. Wala siyang arte sa katawan. Nag-aalangan lang minsan tulad ng mga unang experience niya dahil sa amin.

Daig pa niya ang mukha ng pinakamaarteng babae sa mundo noong pinakain namin siya ng sisiw ng balut. Halos nga iluwa na niya. Naaawa raw siya dun sa sisiw. Naiintindihin naman namin na karamihan ng tao ayaw sa balut dahil sa sisiw pero kinain pa rin niya. Patunay lang na game siya sa mga trip namin. Sobrang saya namin noon dahil ‘yun ang unang uwi namin na super gabi na.

Naalala ko rin nung kumain kami ng street food, nanlibre pa ako nun matikman niya lang lahat. Pinaisa-isa ko talaga sa kanya: barbecue, isaw, betamax, adidas, atbp. Bukod sa pinagtatawanan namin siya, pilit na nag-iingles si ateng tindera at ipinapaliwanag anong parte ng manok o baboy ang mga iyon.

Sa studies naman, hindi namin akalaing ganun siya katalino. Naku, president’s lister lang naman siya nung first sem. Nakakamangha talaga. July na siya nagsimulang pumasok pero nakahabol agad siya sa amin. Minsan nga mas advance pa ang nalalaman niya sa amin. Kapag may exams kami, siya ang tutor namin. Nosebleed kung nosebleed. Mas naipapaliwanag niya raw kasi kapag English. Pinapa-translate na lang namin kay Matt kapag super lalim na ng mga salita niya.

Humigit dalawang daan lang ang masuswerteng nakakaupo sa dami ng pasahero ng LRT purple line tuwing umaga. Mula Santlan hanggang Pureza, kabilang ako sa libong nakatayo sa byaheng ito na patungong Recto. Dahilan kaya natulala na naman ako sa labas at nagmuni-muni habang nakahawak sa handrail.

Dahan-dahan kong kinuha ang pulang LRT magnetic card ko. Ipinasok sa maliit na puwang ng dalawang plastic na pasukan ng card. 58.00 Hinugot ko sa bunganga ng labasan ng card at tsaka itinulak ang isa sa tatlong malulusog na metal. Succes! Maitutulak ko lamang iyon kung uunahin kong kunin ang card ko.

Patusok kong isinilid muli ang stored magnetic card ko. May limang sakay pa akong natitira bago ako bumili ng bago. Maigi na itong stored value para hindi ako naatraso. Mahirap nang maging late sa mga kaibigan mong naghihintay sa’yo.

Nick?” Pagtataka ko. Kahit pa siya ang pinakamalapit sa school dahil nagdodorm siya, nag-tatricycle pa rin siya pagpasok.

Bakit andito ka?” Mga dalawang linggo na rin naming ginagawa ni Kate at kuya Dan ang paglalakad tuwing umaga at uwian. Nakakatipid kasi. At kailangan ata ni bes. Nag-usap naman kami ni kuya na kung anuman ang matitipid namin dito ay itutulong namin kay Kate.

Ayaw mo?” Madalas akong napapalunok kay Nick, hindi ko alam kung bakit. Minsan, iniisip ko na lang na dahil iyon sa kagwapuhan niya. Araw-araw ko naman siyang nakakasama pero ang sarap pa rin sa mata ng kagwapuhan at tindig niya. Plus ang factor na bigla-bigla na lang siyang bumabanat ng kung anu-ano nitong nagsimula ang second sem. “Magtitipid na rin ako simula ngayon.

Okay.

Mga what time sila dumadating?” Nag-improve na rin ang pananagalog niya. Mababaw nga lang, iniingles niya kapag hindi na kaya. Malimit na rin ang pag-slang at pagpapantig niya sa mga salita. Siya mismo ang nagsabi sa amin na sanayin siya sa Tagalog. Pinagbibigyan lang namin siyang mag-English kapag tinuturuan niya kami. Siyempre kami ang benifactors eh.

Parating na rin ang mga ‘yun.” Ang totoo, 15 minutes early ako ngayon. Ibinalik ko sa aking tenga ang mga earphones ko. Makikinig na lang ako dahil wala akong ideya kung anong topic ba ang magandang pag-usapan.

Hearts UnlockedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon