Chapter 5
At Home
Kapapasok ko lang ng gate namin, hinahanap ko na sa bag ko ‘yung susi nang bigla akong napatingin sa pinto… “Bakit wala ‘yung kandado?” Mas nauna pang umalis sa akin kaninang umaga sila mama at papa, sabi nila sa akin gabi na sila uuwi. Ala-una pa lang ha? At wala pa naman ‘yung kotse.
May narinig akong kumalampag. Ayayay, wag naman sana!
Hinablot ko ‘yung yantok sa may garahe, at dahan-dahan akong dumaang nakayuko sa gilid ng bahay. Doon na lang ako dadaan sa may bintana ng kwarto ko. Wala naman kasing rehas ‘yung bintana ko, tsaka itataas ko lang.
“Tss.” Ayan, nakabukas na. Initsa ko ‘yung armas ko, este yantok sa kama ko. Iniwan ko muna ‘yung back pack ko sa labas. “Wooh…” Mahina kong sinabi, buti nagkasya ako, kailangan ko na talaga mag-diet.
Tinignan ko kung kumpleto pa ang gamit ko “laptop, check. Posters ng mga boyfriend ko… Ian, Zac, Shinee, at Naruto, complete.” Buti na lang kumpleto pa sila.
“Ok game.” Pangarap kong maging secret agent nung bata ako, ang cute siguro ng itsura ko ngayon kung bata pa ako kaso ang laki-laki ko na… Laki lang pala, hindi naman ako matangkad.
Slowly but surely akong lumabas ng kwarto ko. Nakasara ‘yung pinto sa entertainment room at wala namang tao sa banyo sa may kaliwa ko. Hawak-hawak ng dalawang flawless hands ko ang yantok. Mga ilang hakbang sa may kanan ko, kwarto na nila ma-pa, nakabukas ‘yung pinto nila. Look to the left, and look to right, “all clear.” Sabay takbo with my quiet footsteps. Ang cute ko talaga.
Papasok na ako sa kwarto nila. Konting bend ng ulo Caroline, silip-silip din. “Negative,” wala namang tao.
“HUY!”
“AY PALAKANG DAN-DE-DI-” Napapikit ako sa gulat at nabitawan ko ‘yung yantok nang may tumusok sa likod ko, hala, baril ba ‘to? Unti-unti kong binuksan ‘yung kanang mata ko, bahala na. “Do…” parang hindi naman baril, masyadong maliit.
“Dung?” Biro ng boses lalaki sa likod ko. Teka, tawa ba ‘yung naririnig ko? Humarap ako. Nung makita ko siya, matic, hinampas ko siya sa braso.“Pusang gala ka Dudung!” Si Daryl pala, epal. Sige lang, tawa pa.
“Kamusta little sister?” Ang so refreshing killer smile niya na unang nagpasagot ng “oo” sa best friend kong si Kate. Tama, nauna pang magka-boyfriend si Kate sa akin, 16 lang ‘yun nung naging sila nung April.
“Kung maka-little sister ka diyan akala mo naman kung anong tinangkad mo. Kapal. Tss.” Ang totoo, mas matangkad pa ata siya ngayon kesa nung huli ko siyang makita last year. Para ngang mas matangkad na siya kay Matt.
“Di nga?” At bigla ba namang kinurot ang rosy cheeks ko. Naku, kung hindi lang kita kinakapatid, grrrr. Bakit ba kasi ang tangkad mo at ‘di man lang kita mabatukan?
“Kaw talaga! ‘Wag mo na nga akong tatawaging Dudung. That was so 10 years ago…” With his gwapo-ever-puppy-face-look.
“Parang kailan lang may gatas pa tayo sa labi, tapos ngayon… Grabe naman ang tangkad mo na, ni hindi mo man lang ako binigyan kahit konti.” Naiimagine ko na ‘yung isasagot niya, “mag-heels ka kasi.” Tss.
“Ayaw ko nga! Eh kung binigyan kita, eh ‘di kayang-kaya mo na akong batukan. Ano ka sinuswerte?” Ang talino niya talaga, Summa Cum Laude ‘yan sa Ateneo de Manila. Kulang na lang magpick-up sticks ka sa dami ng uno niya.
“Nga pala, bakit ka andito? Sino nagbigay ng susi sa’yo?” Eh hindi pa nga dumadating sila mama.
“Para namang hindi mo ko kababata.” Aside from kinakapatid, kababata ko rin siya. Nasa iisang street lang ang bahay namin, ni Kate at ni Daryl sa Quezon City hanggang sa lumipat kami dito sa Marikina five years ago. “Siyempre, I called ninong, tinanong ko kung may hidden key sila somewhere outside the house. Ayun. Sabi ko gusto lang kita surpresahin.”
BINABASA MO ANG
Hearts Unlocked
Teen FictionKILIG days are on your way. But how will you handle a storm of lies? Will you let go of the most honest thing that ever happened in your life? A decision from a broken heart shall be made. Mabilis na-turn off, mabilis ding na-turn on si Caroline sa...