34 - Team Permanent

635 9 2
                                    

Chapter 34

Team Permanent

Nasa kalagitnaan pa ako ng isang tunay na bangungot nang may biglang malakas na pwersa ang nagpabuka ng aking pinto at dali-daling tumungo sa aparador ko.

Something na parang namatayan pero hindi naman pala. Hmm… Masyadong daring ‘yung red, masyadong ovaltine ‘yung orange, madamo ‘yung green. Pants nga muna. Nasaan ba ‘yung maroon pants mo, bes?” tanong niya.

Todo halungkat siya sa closet ko at binuksan pa ‘yung kabila. Sabagay, room ko extends room niya, kung ano ang damit ko, damit niya na rin kaya wala ng bago sa akin ‘yung ganitong eksena.

I almost forgot, nasa kabila nga pala ‘yung pants mo.” Ilang halungkat pa niya at puno ng excitement niyang in-announce, “This—perfect!

Initsa niya ‘yung pants sa kama ko at isinara ‘yung isang aparador. Bumalik siya doon sa isa pa para ipagpatuloy ang paghahanap ng damit. E kung lahat naman ng kulay ay may comment siya, baka makapili siya?

Light color dapat, super light is white. Okay na ‘to.” Sabay fly away ng nerdy panda white tee ko sa aking mukha.

Mangheheram ka, bes?” tanong ko.

Pakiramdam ko, ang sosyal ng bangungot ko, may commercial kasi ng isang diyosa.

Gaga!” batok  niya sa akin. “Oo, mangheheram ako tapos babalik ulit ako sa Bora. Paheram nga ng swimsuit.

Nandoon sa dulo, sa may kanan,” itinuro ko sa kanya.

Siomai sharsfin naman o!” Pinadyak niya ang paa niya sabay sabunot sa sarli niyang buhok. “Bes, update-update din ng firmware ‘pag may time.

Nakanganga na ako sa mga sinasabi niya. Nababaliw na ata ‘tong si bes. Maghahanap lang ng swimsuit, dito pa tapos babalik din sa Bora, yamaners sa pamasahe o medyo shonga?

Katherine Santiago, Caroline’s best friend, available twenty-four, seven!” at tsaka ko lang nakuha ang lahat matapos niyang mag-bow sa harap ko pagkasabi non. “Congratz, Caroline Reyes! Na-gets mo rin. Ah, tita, pa-open po kaya ng Wifi, may natauhang mag-upgrade na android dito.

Naman e! Kainis ka.” I smiled realizing how beautiful she is inside and out. Ako na ata ang pinakamaswerteng PA ng isang diyosang itey.

Doon ka na mag-mega cry-cry sa banyo at nangangamoy ka na ‘te. Masyadong maalat ang singaw ng luha’t uhog mo diyan sa damit mo.” Hinatak niya ako k aya napatayo naman ako.

Kinuha ko ‘yung towel at underwears ko. Umupo naman siya doon sa upuan sa may harap ng study table. Dumekwatro pa siya at nag-cross arms pa, “Facunda, hindi pinaghihintay ang diyosa. Mag-milk bath ka na, nasa tabi ng banyo ang kokokrunch. Madali!

Si, senyora santibanyo…” seryoso kong sabi na may halong nakakalokong ngiti. Hinabol ako ng lumilipad na suklay ngunit nakalabas at naisara ko naman agad ‘yung pinto. I’m so flexible talaga.

Inaasahan kong sasabayan ako ng aking mga luha sa pagtulo ng tubig sa aking katawan pero mahirap pala mag-emote kung tabo technique ang peg mo sa bayo. Bakit ngayon pa kasi nasira ‘yung shower? Ang sarap mag-moment e.

Sa pagmasahe ko ng conditioner sa aking buhok ay naalala ko kung paano nga ba pinagtagpo ang mundo ng diyosa at ng Palamunin niyang Alalay. Hinampas niya ako ng plastic baseball bat noong mga nasa anim na taong gulang palang kami. Hindi ko raw kasi siya pinapansin. Bagong dating lang kasi sila noon sa lugar namin at tinitigan ko lang siya, ni hindi ko man lang kasi siya nginitian. Wala akong kamalay-malay na ‘yung taong sinaktan ako sa una naming pagkikita ay ngayo’y mahal na mahal ko na. Sa kanya ko nakuha ang nakapagbigay sa akin ng tunay na kahulugan ng pagkakaibigan.

Hearts UnlockedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon