Chapter 27
D.A.S.
“…Mr. Dominick Alcantara Salvador.” Alam na niya.
Panibagong tinik na naman ang bumaon sa aking dibdib. Gusto kong magsalita pero alam kong baka hindi maging maganda ang patunguhan ng emosyon ko.
“Son, go find Michelle. I’ll introduce you to everyone as a newly engaged couple. The media will surely crave for that.” And there he goes again. Haaay naman dad!! Sa harap pa talaga ni Caroline???! Isa pang strike at out ka na dad! Lagi na lang ganito, si dad lagi ang humaharang sa mga plano ko! “Ms. Reyes, I’m so glad pinaunlakan mo ang imbitasyon ko. Please don’t leave early. Magtatampo ako kapag umalis ka nang hindi man lang tayo nakapag-usap. Enjoy the party for a while. Let’s talk later.”
Tumango at ngumiti naman si Caroline sa kanya tsaka umalis si dad. So siya pala ang nag-invite sa kanya. At gaano sila ka-close para kausapin siya ng ganun ni dad.
“I’ll be back. Please don’t leave.” Kailangan ko ng maayos ito. Batid kong gusto na namang magpaanod ng mga luha niya sa sinabi ni dad tungkol kay Michelle. Sa tuwing dadating na lang si dad, bad news palagi ang sumasalubong sa akin patungo kay Cee. Bakit ba natataon na lang na ganun? Hindi kaya alam niya kung sino si Cee sa buhay ko?
“Ganun ka ba kamanhid Nick?” Nilalabanan niya ang luha niya kanina pero ngayon, pumatak na ang isa sa kanyang maskara. Sinaktan na naman kita. At lalong nasasaktan ang puso ko sa bawat pagkakamaling nagagawa ko sa kanya. “Well then, go find your Michelle. Huwag na huwag mo akong kakausapin hangga’t may isang libong daga pa rin diyan sa sementadong dibdib mo.”
Hintayin mo ako at babalik ako na may pusong kasing lambot ng mga ulap sa langit.
Umalis akong wala ni isang salita ang namutawi sa aking mga labi.
Hindi maalis sa isip ko na baka nga alam na ni dad kung anong mayroon sa amin. Baka sinusubukan niyang maging kontrabida sa amin upang paghiwalayin kami at matuloy ang arranged marriage ko kay Michelle. Ugh! Bakit ba ang lawak kong mag-isip??
“Dad?”
Ipinaliwanag niyang nakilala niya si Caroline noong huling balik niya sa Pilipinas which is last week. Marami siyang binanggit na magagandang katangian ni Cee na siya naman talagang katotohanan. Mukhang wala namang alam si dad sa aming dalawa. Sinabi kong kaibigan ko siya at hindi na ako nagbigay ng iba pang impormasyon. Sapat lang para paniwalaan niya upang hindi niya pagduduhan ang pakikitungo ko kay Cee. Iniiwasan kong baka makadagdag pa siya ng panibagong problema sa nangyayari.
Katulad ng sinabi ni dad, ipinakilala niya nga kami ni Michelle sa lahat as an engaged couple. Ngiti dito, ngiti doon.
“This will all be over tomorrow, right?” Kahit nakahawak ako sa bewang ni Michelle, ang mata ko ay nakatuon lamang sa prinsesa ko na siya namang umiwas ng tingin sa akin.
“You talked to her?” Ibinulong niya sa aking kanang tenga.
“She won’t talk to me. Dad interrupted us too.” Naiinis ako pero kailangang ngumiti sa walang tigil na pagkurap ng iba’t ibang flash ng mga camera. Isa sa mga ayaw ko sa buhay na ito ay ang mga media – nakakairita.
Matapos ‘yun, ipinakilala rin si Mr. Jimenez as our newest partner. Binanggit niyang may gusto pang dumikit sa kumpanya pero ikinatutuwa niya raw na finally nagkaroon ng interes sa business si kuya nang dahil kay Gideon. Kinongratulate niya ang Autohub Company at si kuya na binigyan niya agad ng mataas na posisyon – general manager.
BINABASA MO ANG
Hearts Unlocked
Teen FictionKILIG days are on your way. But how will you handle a storm of lies? Will you let go of the most honest thing that ever happened in your life? A decision from a broken heart shall be made. Mabilis na-turn off, mabilis ding na-turn on si Caroline sa...