25 - Fear

726 13 2
                                    

Chapter 25

Fear

Sinubukan kong habulin ang kotse pero pagkalabas ko ng high way, hindi ko na nakita pa ang karwaheng kumidnap sa cinderella ko.

Sa nangyari, gusto kong saktan ko pa ang sarili sa katangahang ginawa ko. Parang isang matining na tunog ang tumama sa tenga ko nang maalala ko ang sinabi ni London sa akin. “Don’t do anything stupid and break her heart.” Paulit-ulit itong pumapasok sa tenga ko. At sa bawat pagpasok nito ay lalo ko lang nararamdaman ang sakit na idinulot ko sa taong pinakaayaw kong nasasaktan.

Ako ang dahilan kung bakit siya umiiyak. Ako ang marahil ang dahilan kung litong-lito man siya ngayon. Ako ang may kasalanan kung bakit nararamdaman niyang nabasag na naman muli ang kanyang puso. Pinangako kong ako ang magiging dahilan ng bawat ngiti niya pero ako rin mismo ang ugat sa sakit na nagpapalungkot sa kanya ngayon.

Gusto ko pang dagdagan ang sakit na nararaman ko. Gusto kong palalain pa ang parusang dapat ay tanggapin ko.

Kinuha ko ang phone ko habang nasa manibela ang kabilang kamay ko. Agad akong napabukas ng Facebook upang tiyakin kung tama nga ang iniisip ko.

Napalakas ang apak ko sa preno. Muntik ng tumama ang ulo ko sa manibela. Parang sampung kilo ang bigat ng kamay ko nung ibinaba ko ang phone sa katabing upuan. Tatlong beses kong isinuntok.

AAAHHH!! ANG TANGA MO DOMINICK!” Matinding sisi ang isinigaw ko sa sarili.

Iilang sasakyan ang dumaan sa gilid ng kotse ko, lahat sila nag-blur sa aking paningin marahil sa tubig na bumabalot sa aking mga mata.

Kasama niya si Andrew.

Kay Andrew siya sumama.

Kay Andrew at hindi sa’yo.

Patuloy na lumalakas ang konsensyang sumisisi sa mga katarantaduhang nagawa ko.

Mahal mo siya?

Pero kay Andrew siya sumama.

At hindi sa’yo.

Wala ka na Nick.

Wala ka na.

Palakas nang palakas ang boses na naririnig ko aking isipan. Paulit-ulit akong pinagsasabihan, pinagagalitan, binubulyawan.

Ang bobo mo Nick.

Hinayaan mong maging ganun na lang?

Natiis mong hindi sabihin sa kanya pero sa isang aksidenteng salita lang ng dad mo, bigla kang aamin?

Ano gusto mo patunayan?

Na mapapatawad ka pa ni Caroline sa likod ng itinatago mong anyo?

Huli akong binaha ng luha noong lumisan si mom. Pero ang pakiramdam na ito ngayon, walang kapantay dahil ako ang may kasalanan ng lahat. Kung nasasaktan si Caroline, mas lalo akong nasasaktan. Walang taong makakaintindi sa nararamdaman ko ngayon. Isa lang akong gago sa mata ng lahat. Gagong puro kasinungalingan ang idinulot sa mga taong nagmahal sa kanya.

Ito ang pinakakinakatukan kong araw.

The day when all her love for me fades away as it turns into hatred because of my single mistake.

Nakahanda agad ang hagdan pagpasok ko sa entrance ng hotel na tinutuluyan namin. nakalimutan kong may elevator nga pala. Nasa fourth floor na ako nung maalala ko.

And then fifth, “pare, pawis na pawis ka? Naghagdan ka lang? Magandang workout ‘yan kaso hindi bagay sa porma mo. Hays, saan ka ba bumibili ng damit—“ Hindi ko inintindi ang mga sinasabi niya dahil busy ako sa pag-ikot ng ulo ko kakatanaw kung narito ba siya.

Hearts UnlockedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon