Chapter Six -- I'm Missing You by Meja

331 13 4
                                    

CHAPTER 6 -- I'm Missing You by Meja

Mikay's POV

Limang araw na nakalipas since nung Acquaintance Party namin. Hanggang ngayon, di pa din nagpaparamdam si Jao. Hindi siya nagrereply sa mga text ko. Ni tawag, hindi niya sinasagot. Mangyayari na naman ba yung nangyari samin dati? Na nagkalayo kami? Huhu. Hindi ko din siya nakikita sa school. Limang araw na siyang absent.

"Kamusta na kayo ni Jao, anak?" Si Mama, nagpe-prepare ng breakfast ko. Ang bango ng amoy ng hotdogs na niluluto niya kaso mukhang wala akong gana kumain. Pero kailangan ko kasi may exam kami ngayon sa History.

"Di pa din po siya pumapasok, Mama." Matamlay na sabi ko. Sana pumasok na siya mamaya. Ang dami na niyang namiss na lessons, quizzes at exams. Baka mahirapan siya makahabol.

"Ganun ba? Hindi mo ba nacocontact si Jao?" Hayyy Mama, naka-ilang text at tawag na ko, walang response. :(

"Hindi po Ma. Magpapasama ako mamaya kay Dindi, pupuntahan namin siya sa bahay nila." Alam ko, ito lang yung tanging paraan para malaman ko kung ano nangyari kay Jao. Sana okay lang siya. Sana  ligtas siya. Lord, please let him be okay. Please, Lord.

"Osya, kumain ka na. May exam kayo mamaya diba? Dapat may laman ang tiyan mo." Sabi ni Mama. Nagpapasalamat talaga ako dahil nandito palagi si Mama sa tabi ko. Alam kong nahahalata niya yung pananamlay ko these past few days. Hindi niya lang ako tinatanong.

Pagtapos ko kumain, nagpaalam na ko kay Mama, humalik sa pisngi niya. She even told me goodluck on our exam. Nakakabawas ng katamlayan si Mama. Thankful ako dahil doon.

Pagdating ko ng school, hinanap ko kaagad si Dindi. Pero di ko siya makita. Hinayaan ko na lang na antayin ko siya, alam ko namang dadating siya kasi nga may exam kami ngayon. Nagbasa na lang ako ng notes ko sa History. Buti na lang maaga ako nakadating ng school para mag-review. Kaunti pa lang din mga classmates ko na nasa room.

After 35 minutes..

"Okay class. Good morning!" Bati ni Miss Merced sa amin. Ang kapal ng mga test papers na hawak niya. Mukhang doon ata kami magsasagot ah. Kinakabahan na ako.

"Good morning Miss." Bati naming lahat. Kakarating lang ni Dindi. Buti nakarating siya on time. Mamaya ko na lang siya kakausapin about kay Jao. Hayyyy. Kailangan mo mag-concentrate Mikay. May exam kayo ngayon. Para kay Jao, Mikay. Kaya mo yan.

"Ready to take the exam?" Tanong ni Miss Merced. Ang sigla ng ngiti niya sa amin. Pero hindi ako nahawaan ng mga ngiti niya sa labi. Napansin yun ni Dindi.

"Uyy, Mikay! Ayos ka lang? Ang tamlay mo na naman ah." Tanong ni Dindi.

"Mamaya, kekwento ko sayo." Sabi ko kay Dindi. Malapit na sa aisle namin si Miss Merced. Nakakahiya naman kapag nahuli kaming nagdadaldalan.

Natapos na yung exam namin. Nasagutan ko naman lahat ng tanong kasi nag-review talaga ko. Para kay Mama yun tsaka para din sa scholarship ko.

"Dindi, tara na. Kain na tayo." Niyaya ko na siya kumain. Nagugutom na ako. Besides, kailangan ko pa siya kausapin tungkol sa plano kong pagpunta sa bahay nila Jao. Sana lang pumayag siya. Wala na naman kami masyadong projects at assignments na gagawin e.

"Saglit lang, liligpitin ko lang 'to." Tinutukoy niya yung mga notebooks niya na nakakalat sa ilalim ng upuan niya. Kahit kailan talaga, napaka-ingat sa gamit ng kaibigan kong 'to.

Habang pababa kami ng building, nakasalubong namin si Gino.

"Hi Mikay! Hi Dindi." Bati niya. Kakadating niya lang ng school? Iba talaga kapag mayaman e. Pwede na lang magpa-late ng pasok.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This I Promise You (KathQuen FanFic Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon