Chapter One -- Sabihin Mo Na by Top Suzara

710 18 11
                                    

CHAPTER 1 – Sabihin Mo Na by Top Suzara

Mikay’s POV

Kasalukuyang hinahanap ko yung room ko. Feeling ko maliligaw ako dahil napakalawak pala ng Saint Elena University. Naglakad-lakad pa ko at naisipan ko nang magtanong sa ibang estudyante.

“Ahm. Miss. Saan ba makikita yung tinginan ng room at section dito?” Grabe, hindi ko alam kung anong tawag sa lugar na yun. Amp. Di ko inaasahang napakalawak ng university na to. Pero infairness, ang ganda ng paligid. I think, mag-eenjoy ako sa college life ko.

“Yung Registration Office ba hinahanap mo? Doon oh, derecho ka lang then turn left.” Haaaay. Salamat at malapit na lang pala ko doon. Ganito ba talaga ang Freshman? Sa bagay, dapat masanay na kong palagi akong mag-isa. Tsaka dapat ding kabisaduhin ko na yung iba’t ibang part ng campus para di ako maligaw.

“Salamat Miss, ah. Sige, alis na ko.”

Ngiti na lang ang naisagot nung babae saken. Di ko matantsa kung anong year niya na eh. Pero sana makita ko ulit siya one time.

“Hmm. Derecho then turn left. HAYUUUUUUN!” Ay! Ayan, napalakas tuloy boses ko. Nakakatawa ka naman, Mikay.

Hinding-hindi na ko maliligaw pagkaliko ko dahil isang malaking karatula ang nakalagay sa tapat ng office na yun.

Agad kong hinanap sa hanay ng letter S na apelyido ang pangalan ko. At hayun, nakita ko nga.

SANCHEZ, MIKAELLA D.

College of Languages and Linguistics

Bachelor of Arts in English (ABE)

Section: I-1A

Room and Building: Saint Therese Building Room 306

Sa Saint Therese Building pala. Eh san naman yun? Tokwa, dapat pala may map ka dito eh. Kawawa naman yung mga Freshmen na tulad ko. Maliligaw. Hmm. Hahanapin ko na nga lang. Tutal, maaga pa naman. Buti na lang pumasok ako ng maaga kundi malelate ako sa first class. Nakakatakot pa naman kung mahigpit yung Prof sa first subject. >.<

Go, Mikaella Sanchez! Simula pa lang to. Fight! Fight! Fight! =)))))))))

“Saint Bernadette to.” Sabay turo ko sa building na naadanan ko. “Eto naman, Saint Agnes.”

Paglagpas ng Saint Agnes, napatalon pa ko sa tuwa dahil Saint Therese na ang sumunod na building. Nanibago tuloy ako pagpasok dito dahil ibang-iba ito sa building namin noong high school pa lang ako.

“ABE I-1A?” Tanong ko sa mga estudyanteng nasa loob ng room 306.

Sa isip-isip ko, ano ba to? Nakakakaba naman. Onti pa lang ang estudyanteng nasa loob pero lahat sila nakatingin saken. Feeling ko, kakainin nila ko.

“Uuuuy! Remember me? Ako yung pinagtanungan mo kanina. Classmate pala tayo eh. Mantakin mo yun!” Wew. Nakakamangha naman. Di ko alam na first year din pala siya. Parang ang mature kasi ng itsura niya eh. Parang beauty queen. Pero atleast, may kakilala na ako agad. Di na ko masyado kakabahan.

“Hi, I’m Mikaella Sanchez. Pero Mikay na lang itawag mo saken.” Sabay ngiti ko ng pagkaluwang-luwang. Ganito talaga ko. Friendly. Hilig ko yung makipagkilala sa mga taong kakakita ko lang. Ang gaan sa pakiramdam.

“Ako naman si Dysney Marie Reyes. Dindi for short.” Wow. Ang cute naman ng pangalan niya. Bagay sa kanya kasi kasing-ganda niya yung mga character sa Dysney Channel.

This I Promise You (KathQuen FanFic Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon