CHAPTER 65 : Surprises Part I

789 6 1
                                    

[ C.H.A.P.T.E.R 65 ]  Surprises Part I

“Sino ba…..” nagulat si Hinata nang makilala niya ang babae.

“Kilala mo ba ‘yun, Hinata?”

“Ha? Hi…hinde. Hindi ‘ko siya kilala.”

“Ee?!!” sigaw na naman ng isang babae.

Napatingin sila Hinata at Shiki sa sumigaw na babae.

“Rima?” pagkakakilanlan ni Hinata sa babae. Samantalang si Shiki ay malamlam lamang na nakatingin sa dalaga.

“A…anong ginagawa ng lalaking ‘yan, dito?!” gulat na tanong ng dalaga.

“Kase dito rin ako nag-aaral,” mahinhing tugon ni Shiki.

“Hindi ikaw ang tinatanong ‘ko. Si Hinata,” pagtataray ng dalaga. “Oy, Hinata! Ba’t kako nandito ‘yan??”

“Relax lang, Rima. Bakit ang sungit mo ngayon? Meron ka ba?” pagbibiro ni Hinata.

“Hi…na…ta!!!”

“Kase dito rin siya nag-aaral?”

“Ay bwisit!!!” maglalakad na sana paalis si Rima nang bigla siyang tinawag ni Shiki.

“Rima.”

Napatigil sa paglalakad ang dalaga. “Ano??” Hindi humaharap si Rima sa binata.

“Nandito ‘ko para sa’yo.”

Biglang namula ang pisngi ni Rima. “Si…sinungaling,” sambit niya sabay alis.

“Shiki, grabe ‘yung linyang mong ‘yun a. Kung ako si Rima, kinikilig na ‘ko ng sobra,” tatawa-tawang si Hinata.

“Tigilan mo nga ako,” pambabara ni Shiki sa kaibigan sabay upo sa bench para muling magbasa.

“Ang sungit ng dalawang magligaw na ‘to,” bulong pa ni Hinata.

------------------------------------------------------------------------------------------

“Kuuga, wala ka bang balak pumasok? Bakit ganyan ang suot mo?” usisa ni Kou nang sunduin niya ang kabanda sa bahay nito.

“Nasaan sila William at Shou?” pambabalewala ni Kuuga.

“May dinaanan lang sila saglit. Susunod na lang daw sila. Teka, hindi mo pa sinasagot ‘yung tanong ‘ko ah.”

“Ganun ba? Sige, pasok na ‘ko sa loob,” sabay lakad ni Kuuga papasok ng kanyang bahay.

“Oy! Teka lang, Kuuga. Hindi ka ba papasok?” pahabol ni Kou bago pa maisara ni Kuuga ang pinto.

Hindi sumagot ang binata. Iniwanan lang niyang nakabukas ang pinto para makapasok ang kaibigan.

Dire-diretso lang sa kusina si Kuuga. Binuksan niya ang ref at saka kinuha ang isang bote ng juice.

“May problema ba, Kuuga?” pagtatanong ni Kou na nakatayo malapit sa dining table.

When Their Worlds Collide (Anime FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon