CHAPTER 58 : Complicated

791 5 0
                                    

[ C.H.A.P.T.E.R 58 ]  Complicated

"At panghuli, hindi na pwedeng tumulong o magbigay partisipasyon ang mga estudyanteng may blue card. Eto ay sila William Adam Yuji at Shou ng 2nd year Class C; Kuuga Sakurai, Kouma Yabu, Rima Touya at Shiki Senri ng 2nd year Class B."

Nagulat ang lahat sa huli nilang narinig. Sila William at Shou na kasalukuyang nagpipintura sa classroom nila ay napatigil sa kanilang ginagawa nang marinig nila ang kanilang pangalan. Napatingin naman sila Miyamoto at Sakura kila Rima, Kuuga at Kou.

Pagalit na inihagis ni Kuuga ang hawak-hawak na papel. "Bwisit na Torang 'yan!" Samantalang si Kou ay tahimik lang na nakatingin kay Miyamoto.

"Rima..." pag-aalala ni Sakura nang mapansin niya na napayuko ang kaibigan.

"Eto na ba 'yung sinasabi mong kapalit?" bulong sa sarili ni Miyamoto.

"Yun lamang. Maraming Salamat sa inyong pakikinig. Magandang araw sa inyong lahat," at nawala na ang boses ni Tora.

-------------------------------------------------------------------------------------------

Si Sawako naman na nasa staff room kasama si Tanada at si Mrs. Watari ay nagulat sa kanyang narinig. "Mrs. Watari, ta-talaga po bang may ganung rules?"

"Ha? Oo. Yung dalawang unang rules, taon-taon na 'yung pinapatupad pero 'yung pangatlo, ngayon lang," tugon ni Mrs. Watari.

"Ganun po ba? Mrs. Watari, pwede 'ko po bang malaman kung sino ang nagpapatupad ng mga rules na 'yon?"

"Oo naman. Ang Student Council President lang ng Cross Academy ang may karapatan magpatupad ng mga rules na ginagamit natin."

"Student Council President," pag-uulit pa ni Sawako.

-----------------------------------------------------------------------------------------

Binalikan na ng lahat ang kanya-kanya nilang gawain. Inako ng ibang mga kaklase nila Kazehaya ang trabaho nila Kou at Kuuga. Si Rima naman ay naupo muna sa isa sa mga bench. Ilang sandali lang ay dumating sa school garden sila William at Shou dahilan para mapatigil sa kanilang ginagawa ang mga babaeng kaklase nila Sawako.

"Kou, bakit hindi tayo pwedeng tumulong?" pagtatanong ni Shou nang lapitan niya ang kabanda.

"Hindi 'ko rin alam, Shou."

"Ganun na lang ba kataas ang tingin nila sa'tin?" inis na sambit ni William.

"Darling!" sigaw ni Sheillyne (refer to Chapter 45) sabay yakap kay William.

"Ikaw na naman!" gulat na si William.

"Bakit iniwanan mo 'ko, Darling?"

"Darling ka dyan!"

"Teka, nakita niyo ba si Hinata?" usisa ni Kazehaya nang lapitan niya sila Kou.

"Oo nga no. Kanina pa siya wala dito," pagtataka ni Kuuga.

Dahil sa mga sinabi nila Kazehaya, napatingin si Kou kay Miyamoto. Kaagad niya itong nilapitan at tinanong. "Miyamoto, may nangyari ba sa inyo ni Hinata?"

"Ha?" si Miyamoto na tila nabigla sa tanong ng binata. "Nangyari? Wa-wala naman. Ba't mo natanung?"

When Their Worlds Collide (Anime FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon