CHAPTER 11: The Cause of Jealousy

1.3K 21 3
                                    

[ C.H.A.P.T.E.R 11 ] The Cause of Jealousy

"Sa mga nakikita ko, nagseselos siya," sambit ni Kuuga habang nakatingin sa glass wall ng cake shop.

"Nagseselos?"

"Uhm-hmm. Maaaring may pinagseselosan si Shiki kaya siya nagkakaganon."

"Posible ngang nagseselos si Shiki, pero kanino?" tanong ni Miyamoto na kanina pa pala nakikinig sa dalawa. Inilagay niya ang dalang cake at red tea sa lamesa nila Sakura.

"Heh?!" gulat na sambit nila Kuuga.

"Ginulat mo naman kami, Miyamoto." - Sakura.

"Hehe! Pasensya na." 

"Pero paano natin malalaman kung sino ang pinagseselosan ni Shiki?"- Sakura.

"Alam ko na!" sigaw ni Miyamoto. Napatingin sa kanya sila Sakura at Kuuga na kanina lang ay kinakain ang strawberry cake.

"Alam mo na? Ang alin?" - Sakura.

"Diba, may shooting sila Rima ngayon?" - Miyamoto.

"Oo. Ano naman kinalaman noon?" - Kuuga.

"Pumunta kayo ngayon doon. Bisitahin niyo sila at baka makita niyo roon kung sino ang pinagseselosan ni Shiki."

"Ha? E anong sasabihin namin kapag tinanong kami ni Rima kung bakit bigla namin silang binisita?" - Sakura.

"Okay lang yan. Sabihin niyo gusto niyo silang makitang nagtatrabaho," nakangiting sambit ni Miyamoto.

Umalis sila Kuuga na may dalang cake para dalhin kila Rima.

-------------

Pagdating nila sa venue kung saan nagtatrabaho sila Shiki, nadatnan nilang kinukuhanan ito ng litrato. Namangha si Sakura dahil sa laki ng lugar.

Maya-maya pa'y may nakapansin sa kanila. Lumapit sa kanila ang isang babae at sila'y tinanong, "anong kailangan niyo?" 

Tumingin sila Kuuga sa direksyon ng babae.

"Mga kaibigan po kami nila Shiki at Rima. Gusto sana namin silang makita kung paano magtrabaho." - Kuuga.

"Ako nga pala si Sakura Hanazono at siya naman po si Kuuga Sakurai," pagpapakilala ni Sakura.

"Nice to meet you. Ako naman si Asari Kinamoto. Personal Assistant ako nila Rima at Shiki," nakangiting sambit ng babae.

"Nice to meet you, too. Kamusta naman po ang trabaho nila Rima?" - Sakura.

Tumingin muna ang babae kila Rima at Shiki bago tumugon.

"Ewan ko ba. Pero nitong mga nakaraang araw, may napapansin ako sa kanila." - Asari

"Napapansin? Ano pong napapansin niyo sa kanila?" - Kuuga

"Tuwing kukunan sila ng litrato, napapansin kong malamig sila sa isa't isa. Hindi na sila gaya nung date na parang magkakilalang-magkakilala sila."

-------------

Nagkaroon ng break time sila Rima at Shiki pagkatapos nilang makunan ng litrato. Nakita nilang kausap ng personal assistant nila na si Asari si Sakura at Kuuga kaya nilapitan nila ito.

"Sakura, Kuuga, anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Rima ng makalapit na sila.

"Hi, Rima. Hi, Shiki. Pasensiya na kung biglaan yung pagbisita namin a? Gusto sana namin kayong makita kung paano magtrabaho," nahihiyang paliwanag ni Sakura.

When Their Worlds Collide (Anime FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon