CHAPTER 30 : Rima's Handmade Gift

1K 12 0
                                    

[ C.H.A.P.T.E.R 30 ] Rima's Handmade Gift

*IGARASHI'S MANSION

"Master, mukhang nagagawa naman ni Ume Kurumizawa ang mga ipinapagawa niyo sa kanya," sambit ng babaeng nakatayo sa harap ng president's table.

"Mabuti naman. Hindi na ako makapaghintay sa mga susunod na mangyayari," tugon ng lalaki na nakaupo sa president' seat.

------------------------------------------------------------------------------------------

*IKINE'S RESIDENCE

"Waaah! Anong nangyari dito?!  ( O___________O ) " gulat na sambit ni Miyamoto ng makapasok na sila sa bahay.

Nadatnan nila ang bahay na sobrang gulo. Sobrang kalat sa kusina. Nakakalat sa sahig ang natapong harina. Nakatambak sa lamesa ang mga kagamitan para sa pagluluto ng cake.

"Nagbe-bake ba kayo ng cake? Tsaka, bakit parang naligo kayo ng harina?" tanong pa ni Miyamoto habang tinitignan ang kanyang ina.

"Nandito si Kuya Hinata! ( ^o^ )" sigaw ni Subaru habang tumatakbo papunta kay Hinata. Kasunod niya ang kanyang mga kapatid na sina Erika, Sato at Samba, at kagaya rin niya ay punong puno ng icing ang mukha.

"Oo eh. Kukunin ko sana yung harina mula sa taas ng cabinet, kasi nagkulang yung ginamit kong harina, nung inaabot ko na siya natapunan ako. ( ^__^ )" - Mrs. Ikine.

Kaagad binuhat ni Hinata si Subaru nang makalapit ito sa kanya sabay tingin kay Mrs. Ikine. "Magandang gabi, Mama. ( ^__^ )" 

"Magandang gabi din, Hinata. Pasensya ka na kung nadatnan mo na marumi ang bahay. ( ^_^ )"

"Wala pong kaso sa'kin 'yun. ( ^_^ )"

------------------------------------------------------------------------------------------

Bago sumakay ng MRT si Sakura ay bumili muna siya ng maiinum sa vending machine. Pagkabili niya ay umupo muna siya sa bench na katabi lang ng vending machine. Habang iniinum niya ang biniling orange juice, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kaagad niya itong kinuha mula sa kanyang bag.

"Eh? Bakit kaya nagtext si Rima?" pagtataka ni Sakura nang makita niya ang pangalan ni Rima sa screen. 

To: Sakura

Nasaan ka? Pwede ba tayong magkita tonight? Magmeet tayo sa harap ng MRT Station. Papunta na ko.

From: Rima

           12/14/2012

           07:05:20

"May problema kaya?" muling pagtataka ni Sakura. Kaagad niyang nireplayan ng "okay" si Rima.

-----------------------------------------------------------------------------------------

"Tuta?" sambit ni Sawako nang mapatigil siya sa paglalakad dahil nakakita siya ng isang tuta. Kaagad niya itong binuhat. "Nasaan ang nag-aalaga sayo? Nawawala ka ba?" Hinimas niya ang ulo ng tuta.

( A/n : Yung tuta po na nakita ni Sawako on the multimedia, okaay? ^^. )

Maya-maya pa ay may lumapit sa kanya na isang babae. Marami itong dala-dalang mga pinamili.

When Their Worlds Collide (Anime FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon