Before ko po simulan,gusto ko lang pong sabihin na this is my first story and unang publish ko dito sa wattpad. Sana magustohan nyo po ;)
Ngayun, ang gabi bago ang pinakaaabangan ni Nue, ang kanyang debut na idadaos bukas. Pero bago ang lahat bigyan ko lang kayo ng introduction sa ating bida. Si Nue ay ang anak ng isang mayamang pamilya o nasa highest monarchy sa society. Pero kahit mayaman pinalaki sya ng kanyang mga magulang na hindi mapagmataas sa iba.
Nasa balcony sya habang pinagmamasdan ang mga bituin.
"Nue's pov"
Bukas na ng gabi. Excited na talaga ako. Sana maganda ang mga mangyayari bukas. (Napangiti bigla at nagblush)..hehehe..sana makarating si Sean (si Sean ay ang anak ng pinsan ng kanyang papa, in other word 2nd degree cousin nya ito, paalala wag muna mag.react taposin muna ang buong story :) hehe)... mas gaganda talaga ang event kung nandon sya bukas. Hindi na talaga ako makapaghintay. Ang tagal na rin noong last na nakita ko sya. Ano na kaya ang mukha nya ngayun? Nag.self wonder..
Nakita ni Lyn (mama ni Nue) si Nue sa balcony.
"Anak matulog ka na..mahaba pa ang araw bukas at ayoko stress ka tingnan. Debut mo na bukas. Malaki ka na Nue." Napangiti sabay hawak sa balikat ni Nue.
"Thanks sa lahat Ma mahal na mahal ko kayo ni papa." Sa saya ay binigyan nya ng hugs and kisses ang kanyang mama..
Kinuha ni Lyn sa kanyang bulsa ang maliit na box. "Nue, ito ang gift ko sa pinakaspecial kong anak." At ngumiti.
Binuksan agad ito ni Nue at napangiti sa kanyang nakita. "Wow."
"Nagustohan mo Nue?"
"Speechless ako ma sa sobrang ganda."
"Alam mo yan ang ibinibigay sa unang anak na babae sa ating Clan kapag nag.18 na.. binigay pa yan ng mama ko sa akin nung kasing.edad mo ako at ganun din sa kanya. Napakaspecial ng orasan nah yan sa ating lahi."
"Salamat talaga ma." Sasabog sa kasiyahan ang feeling na itong napakagandang bagay ay hindi lang basta2 meron ding history na sobra pa sa isang kayamanan at hindi matutumbasan ng pera.
○○○
Papasikat na ang araw at dumating na rin ang araw na ito May 26. Kasing ganda ng buwan na ito ang mga bulaklak sa hardin nah kumikinang habang tinatamaan ng napakagandang sikat ng araw.
"Lady Nue, bumangon na po kayo." Sabay katok, Tok-tok-tok.
"Yup, lalabas na." Sumigaw sya para marinig ang kanyang boses.
Habang sinusuklay ang kanyang buhok na halos nasa bewang na, tinitingnan nya ang kanyang sarili sa salamin. Nue, this is it, you are now a true lady. This is your day. Make everything a perfect event. After this day, hindi na ako just a teen pero a lady.
After ayusin ang sarili ay lumabas na sya sa kanyang napakalaking kwarto. Para itong isang bahay sa loob ng isang mansion.
Paglabas nya ay nakaabang na ang mga maid para sana tutulong sa kanya na ayusin ang kanyang sarili pero hindi na yun kailangan kasi si Nue na ang nag.ayos lahat at meron talaga syang talent sa pag.aayos ng sarili kasi ito ay perfect.
"Lady Nue, kanina pa po kami naghihintay para ayusan ka."
"Ok na po dory, I made my self already perfect."
"Yes, tama po kayo. Lalo kayung gumanda, naghihintay na po pala sila madame sa dining hall."
"Okay, thanks dory. Sakto kasi gutom na ako." At ngumiti.
---dinning hall--
Mapapawow ka talaga sa sobrang laki ng dining nila. Napakataas ng ceiling at merong mataas at gintong lamesa at upoan. Sa sobrang laki ng lamesa kasya ang 80 na tao. Wow talaga, hehe.
"Good morning ma. Good morning pa and to my little brother. Its a perfect day." Ngumiti at umupo.
"Yes, perfect talaga. I want this special day only for my beautiful daughter."
"Thanks pa. You are the best."
"Dory, pakihatid na ang special menu for Nue. To start this day more awesome."tinawag ang kanilang head maid na napakatagal na naninilbihan sa kanilang pamilya.
Sobrang sarap talaga ang pinahanda ni Lyn para sa agahan. At sa sobrang dami ng mga masasarap na menu. Parang pang.isang linggo na ulam na ito. Exag talaga marinig pero sa yaman nila parang ordinaryo lang yung handa. Eh, hindi pa nga nagsisimula ang party, grabe na sa agahan.
Ang debut ni Nue ay sa kanilang 5 star hotel idadaos. Syempre hindi lang yan ang pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Napakataas siguro ng listahan if enumerate ko pa lahat. Ang kanilang 'Magnificent Crown Suite Hotel' ay ang pinaka social sa buong bansa at rank 3 world wide. Sikat at pangmayaman talaga ito, talagang blessed ang kanilang family baka rin dahil sa bait ba naman nila kahit ganyan ang estado hindi parin sila mapagmataas. Maraming mga tao na salodo sa kanila. Kung ilalarawan sa labas ng hotel, ito ay walking distant sa dagat kaya sariwa talaga ang hangin. Maraming nagpupunta dito kahit torista dahil sa ganda ng lugar at nakakarelax talaga. Meron itong 208 na storey at 2 hectarya ang laki, kaya parang all in 1 na ito,meron lahat na libangan at maraming choices. Sa labas ng hotel ang pinakamalaking garden, maamoy mo ang mga bulaklak pagbaba mo palang sa sasakyan. At resort naman sa kabilang dako. Maraming mga nag.susurfing doon dahil perfect ang alon para dito. Sa pagpasuk mo palang sa hotel ay sasalubungin ka na ng mga mababait na trabahante na may pormal na suot. Lahat ng guess ng hotel na ito ay trinatratong special na panaohin. Bubungad agad sa'yo ang orchestra na nagpapatugtug ng mga nakakatanggal stress na instrumental music. Sa kanila namang kwarto sobrang classy talaga dahil hindi mo na gugustohin pang magcheck out, sobrang perfect talaga for relaxation ang elegant structure nito at paglabas mo sa balcony, kitang kita ang tanawin at its like a paradise. Bago ang lahat hindi na natin ifofocus ang story dito, i'll leave you the rest in your imagination ;) ...
-Nue's pov- (naghahanda para tonight)
"Wow, sobrang ganda mo lalo lady Nue, you are so perfect to be a princess tonight." Ang sabi ng isang hair stylist na nag.ayos sa kanya.
"Thanks, i want tonight to be perfect." With sweet smiling effect.
Ready na si Nue for her special debut. Suot nya ang signature gown ng isang napakasikat na designer. Para itong kumikinang sa ganda at nagreflect talaga sa maamong mukha ni Nue. Ang kanyang gown ay gawa na may totoong ginto with matching diamonds kaya ito ay kumiking habang lumalakad sya. May suot din sya na tiara kaya nagmuka talaga syang princesa.
"I'm proud to be a mother of this beautiful creature." Ang sabi ni Lyn pagkakita nya kang Nue na ready nah para bumaba sa hagdanan na may red carpet.
"Ma, thank you for making this day possible."
"Anything for my young lady. So ready na ba ang princess namin na bumaba?."
"Yes ma."
○○○
Sa celebration hall.
Naghintuan ang lahat sa kanilang mga ginagawa ng inanounce ni Phillip ( papa ni Nue) na bababa na ang kanyang princess sa stair na may red carpet.
'Wow at speechless.' yan lang ang maidedefine sa mga tao na naroon sa celebration hall.. NGANGA talaga. Nagmistula syang isang bituin sa gabi na ito.
Nagpalakpakan ang lahat at nagtayuan. Napaka.inggrande talaga ng gabing ito. Pero kahit perfect na ang lahat ay kulang pa rin para kang Nue. Hinahanap nya si Sean sa mga guess na dumalo.
Pinuntahan nya ang kanyang papa at tinanung kung darating ba sila.
" Ah, nakalimutan ko sabihin na cancelled ang kanilang flight ngayun kasi meron daw paparating na bagyo sa New york kaya hindi sila makakadalo. They'll find time to be here after storm passes. Let me excuse my lady, puntahan ko muna si Mr. Lee."
"ok.thanks pa" nalungkot talaga sya sa narinig. Kawawa naman ang princess walang prince.
Grabe talaga ang occasion na ito. Sobrang napakaraming tao ang dumalo. Napakalaki ng 8 layered cake ni Nue na may flower na design. Simple looks but really elegant.
Ang saya ng lahat ng biglang tumunog ang alarm. It means na may sunog at nasaan kaya ito?ano kaya ang mangyayari sa event na ito?magiging perfect pa ba ang gabi ni Nue?matatapos kaya ang celebration? saan kaya ang sunog banda?just turn this page and proceed to the next chapter (enjoy reading :-) ) and please leave some reactions or suggestion for the next chapter. Thanks.
BINABASA MO ANG
dark&light (taglish love story)
Novela JuvenilSometimes you need to loose what your dreaming for in order to let go of the pain of getting hurt again. You have to choose between your love and your life. It is never been so easy, the path all the way always makes you down. The people whom you lo...