Rule 7

64 2 0
                                    

Ann's Note:

Sorry kung medyo matagal ang update. Masyado lang po talaga akong busy sa school. 

Happy hearts day nga pala. ^^

Love love love. ♥

Here's chapter 7. Enjoy!


---

Psyche’s POV

Uh-oh. Looks like I’m in trouble.

“K-kuya.” I called my brother as I approached him. Sobra ang kabog ng dibdib ko habang papalapit sa kanya. His face was void of emotions. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Pero sigurado akong nakita niyang bumaba ako sa sasakyan ni Cloud.

“Follow me. You have to explain something.” Matigas na sabi ni kuya sabay talikod. Nakayukong sinundan ko na lamang siya pasakay sa elevator . I was silently cursing in my mind habang paakyat kami sa floor ng unit ko.

Kinakabahan man, pinilit kong hindi ipakita iyon ng bumukas na ang elevator. Senyales na nandito na kami sa floor ng unit ko. Binuksan na ni kuya ang pinto at agad na pumasok. 

He stopped at the living room and motioned me to sit down. Feeling ko tuloy para akong criminal na iniimbestigahan ng mga pulis.

“Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Bakit kayo magkasama ni Cloud? Boyfriend mo ba siya? Kailan pa? Bakit di mo sinabi sa akin?” natawa ako dahil humahangos siya pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon. Agad naman akong tumahimik ng makita kong nakakunot ang noo niya at seryoso pa din ang itsura.

“Isa-isa lang kuya. Mahina ang kalaban.” Sabi ko sa kanya habang natatawa pa rin. Pilit na pinapa seryoso ko naman ang itsura ko bago sumagot sa kanya.

“A-ahm. Ganito kasi kuya. Nagka salubong kami ni Cloud kanina sa school kaya ayun, inaya niya akong mamasyal. Syempre, kasi kaibigan mo siya kaya sumama ako. So ayun pinasyal niya ako. Sa sobrang enjoy namin hindi na namin namalayan ang oras kaya ngayon lang ako nakauwi.” I was crossing my fingers the whole time I was saying this to him. Ayoko sanang magsinungaling kay kuya pero mas mabuti na rin to.

Sana naman kagatin niya yung paliwanag ko. I was silently wishing that as I watched him contemplating what I’ve said to him.

“Siguraduhin mo lang Angela.” Seryoso pa din ang itsura ni kuya. Pero alam kong naniwala siya dun sa sinabi ko. Phew. Nakalusot. Sa ngayon.

“Oo naman kuya. Friends lang talaga kami.” Sabi ko sabay ngiti.

“I’ll go ahead now, it’s getting late. I just came here to check on you.” Tumayo na si kuya. Hinatid ko naman siya sa may pintuan. “Good night, little sis.” Hinalikan niya muna ako sa noo bago tuluyang umalis.

Nakahinga ako ng maluwag ng maisara ko na ang pinto. Phew. Muntik na.

Pasalampak akong nahiga sa kama pagkatapos kong mag shower. Maya maya ay tumunog ang phone ko. Tiningnan ko kung sino ang nag text and I was surprised.

-------------------------

From: HOT Boyfriend

Good night, Angela.

--------------------------

Oh, bago kayo mag react, FYI, siya po ang naglagay niyan sa contacts ko. Ewan ko pero napangiti ako kahit good night lang ang message ni Cloud. At kahit sa pagtulog ay dala dala ko pa rin ang ngiting ‘yon.

A week had passed at hindi ko man lang nakita ni anino ng ulap na iyon.

Don’t get me wrong. Hindi ko siya nami-miss. Sadyang boring lang talaga ang buhay ko at wala siya para maasar ko. At dahil nga boring at kakatapos lang ng exams, napagpasyahan kong gumala na lang. Mag-isa. 

Nandito ako sa mall ngayon para mag unwind mula sa stressful na exams. Ang hirap talaga pag graduating student ka na.  Napakadaming ka ewanan na kailangang ipasa.  

Napatigil ako sa pagpili ng mga damit nang may mahagip ang aking mga mata . May babaeng nakakapit na parang tuko sa isang lalaki habang namimili ng damit. Mukhang masayang masaya ang babae pero kabaliktaran naman ang sa kanyang kasama. And guess what? Si Cloud lang naman po ang walangyang lalaking sinasabi ko.

Hindi ko alam kung matatawa o maiinis dahil after one week ay nakita ko ang boyfriend ko. Iyon nga lang may bunos na tukong nakakapit.

Biglang nag init ang ulo ko ng akmang hahalikan nung tuko si Cloud. Hindi ko alam kung paano pero natagpuan ko na lamang ang sarili kong nasa harapan nilang dalawa. Halatang nagulat sila base na rin sa kanilang ekspresyon. Lalong lalo na si Cloud na akala mo nakakita ng multo sa sobrang gulat.

“BABE! I didn’t expect to see you here. I’m sorry kung nagtampo ako sayo pero hindi mo naman kailangang makipag date sa tuko para lang pagselosin ako. You know that it always works. I miss you.” Sabi ko sabay yakap kay Cloud.

“Excuse me? Who the hell are you, bitch?” nabaling ang pansin ko kay tuko ng magsalita siya. Tiningnan niya ako mula ulo hanngang paa at inirapan. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa inasta niya.

“Oh, I’m Psyche, Cloud’s girlfriend. And I already know that I’m a bitch so if you don’t mind kailangan na naming umalis ng babe ko kasi may date pa kami at tsaka baka kapag nagtagal pa kami dito may mapatay akong malanding tuko!” Nginitian ko muna siya ng ubod tamis bago naming siya talikuran.

Nang makalayo kami ay agad na binitawan ko si Cloud at sinamaan ng tingin. At ang gago, kung maka ngisi, wagas. Inis na inirapan ko siya at naglakad palayo.

“Hey, Angela! Wait up.” Hindi ko siya nilingon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad na parang wala lang.

“I said stop.” Mariin na utos niya kaya naman huminto ako pero hindi ko pa rin siya nililingon.

Nang maabutan niya ako ay pinaharap niya ako sa kanya. Hinawakan niya ang mukha ko at mariin na tumitig sa’kin.

“What you saw was nothing, okay? She’s just my childhood friend. Nothing more, nothing less.” I can feel his sincerity when he said those words.

“Childhood friend? Wow! Kung makalingkis nga sa’yo akala mo girlfriend eh tapos sasabihin mong childhood friend mo lang?” Hindi ko alam pero naiinis talaga ako.

“Okay, I admit I know that she has feelings for me. But I don’t like her the way I like you.”

Agad akong nag iwas ng tingin sa kanya when I felt my cheeks heat up. Tinaasan ko siya ng kilay ng marinig ko siyang tumawa.

“Anong tinatawa-tawa mo diyan?”

“You’re blushing, babe.” Nakangising saad niya at pakiramdam ko ay mas lalong nag init ang mga pisngi ko. Pinagdiinan niya pa talaga ang salitang “babe”.

“You’re just imagining things, jerk.” I said before I walked away.

Agad naman niya akong hinabol at inakbayan ako ng maabutan niya ako.

“Don’t worry babe, sa iyo lang ako nag-iimagine.” He said, winking at me.

“And oh!” huminto siya at tinaas ang hintuturo na parang may naalala. Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko and whispered something that made me blush even more.

You, blushing, turns me on.”     

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Breaking the RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon