Rule 5

135 4 0
                                    

Ann's note:

Pasensya na po kung medyo natagalan ang update. Medyo busy lang sa school works. 

Anyway, here's the fifth chapter. Enjoy. 

-----

Psyche’s POV

“ARGHH!  Peste!” Bumalikwas ako ng bangon at lumabas ng kwarto. Hindi pa rin tumitigil ang pagtunog ng doorbell ko. I was silently cursing the person behind that door. Hindi niya ba alam na sobrang aga pa at isa siyang malaking istorbo sa beauty sleep ko. Kung sino man siya, humanda siya sa akin. Nagpupuyos ang kalooban na tinungo ko ang pinto.

Pagbukas ko ng ay readyng ready na sana akong bulyawan ang kung sino mang ponsyo pilatong sumira sa tulog ko pero naumid ang dila ko ng makita ko kung sino. It’s no other than Cloud, looking fresh and ever so hot.  

“Hindi mo ba ako papasukin?” Nakangising tanong niya. I rolled my eyes at him at niluwagan ang pagbukas ko ng pinto. Agad naman siyang pumasok at nagdiretso sa kusina. Ngayon ko lang napansin na may dala pala siyang pagkain. Pinagmamasdan ko lang siya habang nag aayos siya ng pagkain.

“Are you seducing me?” Tanong niya na nag patigil sa pagpapantasya ko. Agad na kumunot ang noo  ko at buong pagtatakang tiningnan siya. Pinagsasasabi nito?

“What are you talking about?” Balik tanong ko sa kanya at saka nag cross arms. Aba!

Hindi niya ako sinagot, instead he roamed his eyes at my body. Sinundan ko naman ang tingin niya at nagulat ako dahil ngayon ko lang napansin na naka nighties lang ako. Hindi ko siguro napansin kanina dahil sa inis ko. Ramdan na ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko.  Agad akong umayos ng tayo at mabilis na naglakad papuntang kwarto ko.

Rinig na rinig ko ang tawa niya hanggang dito sa kwarto ko. Inis na sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking kamay at nagdiretso na sa banyo para maligo. I was doing my morning rituals ng maalala kong wala akong damit na dala kanina.Pagkatapos kong maligo ay hinablot ko ang twalya at binalot ang aking sarili.

“AAAAAHHHHH!” Napatili ako ng madatnan ko si Cloud na nakahiga sa kama ko. Napabalikwas naman siya mula sa pagkakahiga ng marinig ang sigaw ko.

“Damn it, woman. Mabibingi ako sa’yo.” Nakasimangot na sabi niya sa akin. Lumapit ako sa kanya at pinamaywangan siya.

“Anong ginagawa mo dito? Di mo ba alam ang salitang privacy?” Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Pero hindi man lang natinag ang hudyo. Nginisihan niya lang ako.

“You really are seducing me,” Imbes na sagutin ang tanong ko ay yun ang sinabi niya. I snorted. Ang lakas talaga ng apog niya. “and you’re my girlfriend anyway so hindi na big deal kung pumasok ako sa kwarto mo.” Dagdag niya pa habang nakangisi. Tiningnan ko siya ng masama pero mas lumawak lang ang ngisi niya.

“Pwede ba, magbibihis ako kaya please lang lumabas ka na.” Naiinis na sabi ko sa kanya at tinulak tulak ko siya papuntang pinto.

“Nakita ko naman na lahat yan, bat ka pa mahihiya diba? I even kissed every part of your body.” Lumingon siya sakin at saka ako kinindatan. Juice colored. Konti na lang at masasapak ko na ito. Kahit sabihin pang ubod siya ng gwapo at mas hot pa siya kesa kay Ian Somerhalder ay hindi ako mangingiming bangasan siya pag napuno na talaga ako. And I must say that my patience is hanging by a thread now.

Breaking the RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon