Psyche's POV
"Nandito ka lang pala." Nagising ako sa pagkakatulala ko ng marinig ko ang sigaw ni Thea na ngayon ay papalapit sa akin.
"Kanina pa kita hinahanap mula nung hinila ka ni Zeke sa cafeteria."Sabay tingin ng nakakaloko sa akin. I just rolled my eyes at her at nilampasan siya. "Sya ba yung HOT GUY kagabi?" tanong niya ng makahabol siya.
Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad.
"OMG! Siya nga! Girl ang swere mo." patuloy pa din syasa pagdaldal kahit di ko siya pinapansin.
"Ano, masarap ba?" she wiggled her brows at me then smirked. Napatigil ako sa paglalakad at sa nanlalaking mata ay tiningnan ko sya.
"Althea!" I screamed in horror. "Ano ba yang pinagsasasabi mo?" I looked away because I know that I'm blushing.
"What? Nagtatanong lang naman ako ah?" She tried to sound innocent but I know she's teasing me.
"Stop it! Baka may makarinig sa'yo." saway ko sa kanya.
"Duh! As if you care naman sa sasabihin nila laban sa'yo no." Sabagay may point siya. Wala naman talaga akong pakialam sa sasabihin ng iba pagkatapos ng-- nevermind. Hindi ako dapat nag iisip ng mga walang kwentang bagay. "And he's Cloud Nashville, mind you." nagulat ako sa sinabi niya. So he's the oh so famous Nashville from the Engineering department. Well, he's hot and I'm not going to deny that.
Tumigil ako at hinarap siya. "Oh. So he's the infamous "Ice Man" from the College of Engineering." Sabi ko sa kanya habang tumatango. "He's hot but I don't care." Tuluyan ko na siyang tinalikuran at pumasok na sa kotse ko.
Napagdesisyunan kong umuwi at matulog dahil feeling ko pagod na pagod ako at sobrang sakit ng katawan ko- especially down there. Pagdating ko, nagbihis lang ako at humiga na. I drifted off to sleep with him on my mind.
Nagising ako dahil sa ingay ng doorbell ko. Inis kong tinakpan ng unan ang mukha ko at sinubukang matulog ulit. Pero dahil sa kakulitan ng kung sino mang ponsyo pilatong nasa labas at pinag titripan ang doorbell ko, wala na akong nagawa kundi bumangon.
Inis akong nag martsa at padabog na binuksan ang pintuan. Walang ano ano'y sinigawan ko ang kung sinumang nasa harapan ko. "Ano ba! Di laruan ang doorbell ko!"
"Chill baby, ang tagal mo kasing buksan ang pinto." Agad akong napatingin sa nagsalita at nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko kung sino siya. Ang kaninang busangot na mukha ko ay napalitan ng masayang ekspresiyon.
"KUYA!" Walang pagdadalawang isip ko siyang tinalunan at niyakap ng sobrang higpit. Muntik pa nga kaming matumba. Buti nlng he regained his balance at niyakap niya ako pabalik.
"Na miss kita." Parang batang sabi ko sa kanya.
"Di halata." We laughed at what he said. "Na miss din kita. Anyway, di mo ba ako papapasukin?" Tanong niya at agad naman akong bumitaw sa kanya.
"Halika, tuloy ka." Giniya ko siya papasok. Dumiretso ako sa kusina at nag hanap ng pwedeng lutuin dahil nagwawala na ang mga bulati ko sa tiyan. sa kasamaang palad wala akong stock dahil nakalimutan kong mag grocery.
Pumunta ako ng living room kung nasaan si kuya. "Uhh kuya, wala na akong stock. Pwede bang sa labas na lang tayo kumain tapos mag grocery na rin tayo pagkatapos?" Tanong ko sa kanya.
"Sure." Sagot niya at akmang tatayo na.
"Pero maliligo muna ako. Haha." Saka ko siya iniwan at pumasok sa kwarto.
After a few minutes lumabas ako mg kwarto at ready ng gumora. "Let's go Kuya." Di ko mapigilang ma excite dahil minsan lang kami mag kita dahil sa trabaho niya.
Sa Jollibee kami nagpunta dahil nag c-crave ako sa fried chicken nila.
"Ang kalat mo kumain. Tsaka ang takaw mo pa din." Nakingiting sabi ni kuya at ginulo ang buhok ko.
Tinabig ko ang kamay niya at tiningnan siya ng masama. Pinaka ayoko talaga sa lahat ay yung ginugulo ang buhok ko. "Kuya naman eh. Guluhin mo na lahat wag lang 'yong buhok ko." Nag pout ako ng tumawa lang siya.
"Bay girl." Tawag niya sa akin.
"Hmmm?" sagot ko ng hindi lumilingon sa kanya dahil masyado akong engrossed sa pagkain.
"Pwede mo ba akong samahan bukas? Birthday kasi ng isang kaibigan ko." Bigla akong napatingin sa kanya.
"Sure." Minsan lang siya magyaya kaya pinagbigyan ko na.
"Talaga? Thanks sis." Tuwang tuwang sabi niya.
"Sinong kaibigan yan? Kilala ko ba?" tanong ko sa kanya habang nilalantakan yung fries.
"Oh. Actually, schoolmate kayo. Baka nga kilala mo eh. His name is
Cloud Nashville." Nabilaukan ako ng sabihin niya ang pangalan na iyon. Dali-dali kong ininom ang cokefloat ko.
"Oh, dahan dahan kasi. Wala ka naming kaagaw." Natatawang sabi ni kuya habang hinahagod ang likod ko.
Hindi ko siya pinansin. That name. Cloud Nashville. Oh God! Of all people, why
him?