Psyche’s POV
This is it.
Nandito kami ngayon sa bar kung saan ang venue ng birthday ni Cloud. And I was shocked ng malaman ko kasi ito yung bar kung saan kami nagkakilala.
Maingay na mga tao ang sumalubong sa amin ni kuya pagkapasok namin. Mukhang nagsimula na ang party dahil ang wa-wild na ng mga tao. Inilibot ko ang paningin sa paligid. Some are dancing their asses out while some are making out. Meron din namang mga nakaupo lang at umiinom.
“Pare, sorry na late kami.” Hindi ko namalayan na nakalapit na pala kami sa kanila.
“Ano pa bang aasahan ko sayo? Palagi ka namang late. Oh, sino pala yang kasama mo? Girlfriend?” saka sila nagtawanan. Napakamot naman ng ulo si kuya.Sht. Bigla akong kinabahan ng marinig ko ang boses niya kaya tumalikod ako.
“Gago. Nga pala, sinama ko yung sister ko.” At hinila ako ni Kuya paharap sa kanya. “Si Angela. Baby girl, si Cloud yung kaibigan ko. Siya yung may birthday ngayon.” Pagpapakilala ni kuya sa aming dalawa.
Biglang nanlaki ang mata ni Cloud ng makita niya ako. I can see the recognition in his eyes. Nang makarecover siya sa pagkagulat ay ngumisi siya. Yung tipo ng ngisi na nagsasabing may kalokohan siyang iniisip.
“Oh, hi Angela. Nice meeting you again.” Damn. Nagsisisi ako kung bakit pa ako sumama kay kuya.
“Magkakilala kayo?” may halong pagtatakang tanong ni kuya.
“NO.” “Yes.” Sabay naming sagot na dahilan ng pagkunot ng noo ni Kuya. Pinandilatan ko siya ng mata saka tumingin kay Kuya.
“A-ah, we just bumped into each other sa campus. Schoolmates kasi kami kaya ganun. S-sige kuya, kakausapin ko lang sandali si C-Cloud.” Agad ko siyang hinila patungo sa isang gilid kung saan wala masyadong tao.
“Ano ba? Bat sinabi mo yun?” Inis kong tanog sa kanya pagkatapos ko siyang bitawan.
“What? Wala namang masama dun sa sinabi ko ah.” Saka siya ngumisi at lumapit sakin.
Unti unti akong umaatras haggang sa maramdaman ko ang malamig na pader sa likod ko. Dead end. “F-ck. “ Mahina akong mapamura ng mapagtanto ko ang posisyon namin ngayon.
“Hmmm. Hot.” itinukod niya ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ko. “Ano kayang magiging reaksyon ng kuya mo pag nalaman niyang may nangyari sa atin?” Agad na nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang sinabi niya.
“You wouldn't dare tell him.” Nahihintakutang sabi ko sa kanya. The hell. Baka pag nalaman ni kuya eh ipakasal niya ako sa damuhong nasa harapan ko.
“Try me.” Hindi pa rin mawala ang ngisi sa mga labi niya. Agad akong napalunok ng mapatingin ako sa labi niya. Damn. Why does he have to be so hot? I remembered the feeling of his lips on my lips, how it hungrily kissed every part of my body. Pakiramdam ko biglang uminit ang paligid. Sht.
Mukhang ganun din ang iniisip niya habang nakatingin sa mga labi ko. I can see the desire in his eyes. Unti unti niyang nilapit ang mukha niya sakin hanggang sa halos mag kiskisan na ang mga ilong namin. Naduduling na rin ako dahil sa sobrang lapit niya.