Rule 1

205 5 1
                                    

Psyche's POV

I woke up with a thumping head. I roamed my eyes around only to find out that this isn't my room.

Where the fuck am I?

Memories of what happened last night came flashing to my mind. Damn.

Something happened between me and that guy. Naririnig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo.

Sht.

Sht.

Sht.

I need to leave now before he gets out of the shower. Dali-dali kong pinulot ang Mga damit ko at pagkatapos magbihis ay mabilis akong lumabas ng unit nya at naglakad ng walang lingon-likod. Hindi ko ininda ang sakit sa pagitan ng mga hita ko dahil sa takot na baka maabutan ako ng lalaking yun.

Nakahinga ako ng maluwag nung nakasakay na ako ng taxi pauwi.

"Anong nangyari sayo? Ba't ngayon ka lang?" yan ang bungad skin ni Althea. 

"Hang-over." tipid kong sagot sa kanya. Arrgghh! ang sakit talaga ng ulo ko idagdag pa yung nangyari kagabi. How can I be so reckless?

"Oo nga pala, anong nangyari kagabi? Sa'n ka dinala ni hot guy? Ano, may nangyari ba?" may nakakalokong ngisi sa mga labi nya habang tinatanong ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya yung nangyari o hindi. I'm sure she'll tease me nonstop once I tell her.

I rolled my eyes at her pero bago pa ako makasagot, pumasok na yung prof. namin. Buti naman at hindi ko na kailangang sagutin ang tanong niya, sa ngayon. Siguradong mangungulit yan mamaya at hindi ako titigilan hanggat hindi ko sinasabi ang totoo.

 Dali-dali akong lumabas ng classroom pagkatapos ng klase. Hindi ko na pinansin ang pagtawag ni Althea. Alam kong gusto nyang malaman kung anong nangyari kagabi. Dumiretso agad ako sa cafeteria. hindi ko na nagawang mag almusal sa sobrang pagmamadali kanina.

 Naghanap agad ako ng pwesto pagkapasok ko. Nilapag ko ang bag ko at tsaka pumila.

 "Ba't di mo ako hinintay?" tanong ni Thea na ngayo'y nasa likod ko na.

"Gutom na gutom na ako. Tsaka ang bagal mo kaya." hinintay ko muna syang makabayad at sabay kaming bumalik sa table.

"Di naman halatang gutom ka." natatawang sabi niya ng makitang sunud-sunod ang subo ko. Hindi ko sya pinansin at nag concentrate lang ako sa pagkain.

 Muntik na akong mabulunan ng walang sabi-sabing tumili ang kaharap ko. Namilog ang mga mata nya na para bang nakakita sya ng multo. And damn curiosity! Sana di nalang ako lumingon.

 Note: Pasensya na po sa errors. Hehe

Dedicated sa isa sa mga paborito kong authors dito sa wattpad.

Breaking the RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon