CHAPTER 12

266 22 1
                                    

. C H A P T E R 12 .
Stell's POV

Napangiti naman ako ng makita ang reaction ni rainne sa sinabi ko.HAY!

"for my first utos"

"first utos?"

"oo,una pa lang toh so expect more"then I flash my smile.Naningkit naman ang mga mata nito,which I find it cute

"hoy ajero!Porket utusan mo na ako ngayon di na kita lalabanan"sabay lapit sakin na nakakuyom ang kamao nito.

Rainne's POV

Lumapit ako kay stell na nakakuyom ang kamao ko,matangkad siya kaya'y nag-angat ako ng tingin.

Pinantay niya ang aming mga mata.At nakangiti sakin.

"masyado kang maliit para lumaban sakin,go find at toddler to fight with."then he pats my head,at nakapamulsang tinalikuran ako.Kaya'y tumalon ako mula sa likuran niya at pinagkukurot ang pisngi niya.

"A-ARAY!ULAN!"sigaw nito,hinila niya ako mula sa likuran dahilan upang bumagsak kami,nasa ibabaw ko na siya.

My eyes went wide open,when I could feel him breathing so near to me!Nagkatitigan kami,dahan dahan niyang inilalapit ang mukha niya.Pipikit ba ako?

Pumikit ako at ilang segundo narinig ko yung mahina niyang tawa.Napadilat ako,at yung nakakainis na pigil tawang mukha ni stell.Tinulak ko na siya patayo.

"argh!Yung likod ko"

"ang cute mo naman pagnakapikit ka"nanlaki yung mga mata ko dun,at napatingin kay stell

"compliment ba yun o panglalait?"

"ikaw bahala!"naramdaman ko namang nang-iinit ang pisngi ko nag-iwas na ako ng tingin

"bahala ka jan!"tumayo na ako,at nagpaplanong pumunta ng kwarto

"hoyst!Sa'n ka pupunta?"

"pake mo!"

"pake ko?!What about my first utos?"nakangiting tugon nito

"o-okay,so ano yun?"taas noo kong turan

"hmmm"habang kinakamot nito ang baba niya

"bilisan mo,ayaw kong mag-aksaya ng time"

"ito na,kita mo yung malunggay sa labas?"

"malamang,may mata kaya ako!!"

"gusto kong kumuha ka dun"

"yun lang?"

"dapat 'di mababali yung malunggay"ngumiti pa ito.TAEYNAH!Ang taas nung malunggay napaka imposibleeee!!Na hindi yun mababali yun!Sinamaan ko siya ng tingin bago lumabas.

Stell's POV

Nang makalabas na si rainne ay sinundan ko ito,nakapamewang lang ito na nakatingala sa mataas na malunggay.

"di 'yan gagalaw at bibigyan ka ng dahon!"pasigaw kong tugon

"'lam ko,wag kang makialam!"napakataray talaga nito!Pero bakit ako nakangiti?!

Patalon-talon ito na inaabot ang malunggay.

"HAHAHA mukha kang kuneho"

"mukha ka namang gorilla!"

Rainne's POV

Nakatingala lang ako sa mataas na malunggay na nasa harapan ko.Nakakita naman ako ng paraan upang maakyat ito.

Nagsimula na akong sumampa sa malunggay,buti na lang at nakapajama p ako.

"hoy!Ba't ka umaakyat?"

"eh di ko abot.Wag ka ng maki alam!"

Inabot ko na yung malunggay na malapit sakin,nakuha ko na ito at pababa na nang madulas ako at mahulog.Inantay ko na lang na mahulog ako,at takte ang sakit ng pwet ko!!

Nakita kong papalapit si stell na di ko mawari kung natatawa o nag-aalala.Inalalayan ako nito patayo.

"napakatigas talaga ng ulo mo!"

"rainne?"sabay kaming napalingon sa nagsalita

"a-andrew?"taka kong sambit

Lumapit ito samin.

"okay ka lang ba?Nakita kasi kitang nahulog mula sa malunggay"

"I-I'm okay"

"wala bang masakit sayo?Dalhin na kita sa center"

"wag na andrew,okay naman na ako.Tsaka mababa lang yung binagsakan ko"

"ba't mo kasi hinayaang umakyat si rainne,ba't di ikaw na lang ang gumawa nun"saad nitong nakatingin kay stell

Stell's POV

Problema nitong mapapel na lalaking toh!

"dre,do you think I intended na mahulog dun si rainne?No!Ayokong masaktan siya!Tara na rainne"

"wait,ako na ang magdadala kay rainne sa loob"mapapel talaga to!

"no I can handle it!And beside she is much safer with me"at nginitian ko lang siya

"a-aray"saad ni rainne na hinawakan ang pwet at balakang niya.

"kaya mo bang maglakad?"di ito nasagot,at mababakas mo sa mukha niya na masakit yung bagsak niya.Argh!It's my fault!!

Bigla ko siyang binuhat,bridal style.Nakita kong nagulat siya at parang namumula.Dinala ko na siya sa loob ng bahay at sinara ang pintuan.At di inalintanang may mapapel na tao sa labas.

HousematesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon