CHAPTER 22

255 22 1
                                    

. C H A P T E R 22 .

Rainne's POV

Nags-scroll lang ako sa feed ko ng magpop up ang isang unknown number.

[hi sunshine,tulog ka na?]

[HOY!Sino ka?]reply ko

[kahit sa text apaka suplada mo.Ako to si stell]

[pano ka nagkaroon ng number ko?]sa pagkaka-alala ko kasi di ko siya binigyan

[I have my ways,wag ng maraming tanong]

[okay]madali lang naman akong kausap eh

[ito naman nangangamusta lang ako,how are you my love?]

[okay lang naman,pero tae my love ka jan!!!]

[asus,si ate tanya?]

[andun sa baba]

Nagulat ako ng may narinig akong kaluskos sa baba

[teka lang stell pupunta lang ako sa baba,may narinig kasi akong kaluskos]text ko uli

[wag kang matakot pusa lang yan]binalewala ko ito pero parang di na pusa eh

[titingnan ko lang sa baba,parang di na pusa eh hehehe]text ko at bumaba na

"ate"tawag ko kay ate tanya,walang sumagot kaya dumiretso na ako papuntang kwarto niya.Pero bago pa man ako makapunta ay may biglang humila sakin at tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay nito.

Stell's POV

Napataas ang kilay ko ng mabasa ang text ni ulan,parang di na pusa?Kumakabog naman ang dibdib ko,I am really worried right now.

Pinatay ko na ang phone ko,at kinuha ang jacket na nasa gilid ko.

"san ka pupunta stell?"tanong ni josh

"kay rainne"

"problema?"tugon ni pablo

"kinabahan lang ako sa text ni rainne"sabi ko at tuluyan nang umalis.Nakita ko pa silang nagsipagtayuan.

Rainne's POV

Napaawang ang bibig ko nang makita ang apat na lalaking nakamask at may hawak na patalim ang nagtali sa mga kamay ko,nakatabi ko na si ate tanya na nakatali rin ang mga kamay at may tape ang bibig.

Nanatili akong tahimik para di nila lagyan ng tape ang bibig ko.At nagtagumpay nga ako.

"pare dun ka sa taas"saad nung parang lider nila

"dun na ako sa sala"

"di ba natin e tatape ang bibig nito?"sabay turo sakin

"wag na mukhang mabait naman"at kahit medyo dim yung lights nakita ko pang kumindat pa ang wengya.Nagsikalat naman silang apat sa buong bahay.Mga magnanakaw!

Nakapa ko naman sa may pwetan ko ang cellphone ko,kagad ko ito kinuha at palihim na humingi ng saklolo.

Tinago ko ito nang marinig na pabalik na yung isa sa kanila.

Stell's POV

Tumunog bigla ang phone ko,text galing kay ulan.

[stell]

Nakaramdam ako lalo ng kaba,patakbo kung pinuntahan ang bahay ni ate tanya.Nagulat na lang ako nang makita sina jah na humahabol sakin.

"we smell trouble,kaya andito kami"si pablo na hinihingal

"tara na,parang nasa panganib sina rainne"tugon ko sa kanila at mabilis pa kami sa alas kwatro.Nakarating kami kagad sa bahay ni ate tanya.

"ba't naka dim ang lights?"nagtatakang tanong ni jah

HousematesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon