CHAPTER 15

262 24 1
                                    

. C H A P T E R 15 .
Sejun's POV

Magkakasama kami ngayong lima sa isang room.

"stell iba datingan natin,ang gwapo mo ah"si josh

"ano ba kayo,di na nasanay gwapo kaya ako lagi"pagmamayabang ni stell

"pero iba ka ngayon stell"panunukso kong saad

"oo nga po"magalang na sambit ni justin

"panong iba?"

"parang in love ka"saad ni josh na inuusisa si stell

"in love?Pano niyo nasabi?"

"ramdam at kita lang namin,so sino?"saad ko

"oo nga dre sino yan?"sabay kagat ni ken sa manok na hawak niya

"alam ko na"si jah

"sino?"sambit ni stell

"yung ni monstersit niyo dahil inutusan ka ni ate tanya.S-si rainne"pagmamayabang na turan ni jah

"I second the motion"si ken

"yun?No!"pagtanggi ni stell

"no daw!"pigil tawang turan ni josh

"sige stell maniniwala kami sayo"pang-iinis kong sabi

Rainne's POV

"so how's the date?"

"anong date belle?"

"yung nasa amusement park kayo"panunukso ni belle

"baliw!Di yun date"

"oh sige di na date,pero mukhang blooming ka ngayon?"

"diba ganun naman ako lagi"sabay flip hair ko.

"baliw,iba ka ngayon parang,parang in love ka"

"in love?No kaya"

"uy parang in love ka eh.Spill it out,dali sino yan?Si andrew ba? O baka naman si stell?"at napangiti ako ng marinig yung pangalan ni stell

"wala!"pagtanggi ko

"uy rainne"tawag pansing sambit ni daniel na papalapit samin

"uy sup!"

"si andrew asa labas,hanap ka"tumango ako at tumayo.

"uy andrew?"

"rainne okay ka na?"

"ahh oo,sorry nga pala at napagsarhan ka ng pintuan"

"oh it's okay,nag lunch ka na ba?"

"'di pa"

"tara lunch tayo"

"naku!Wag na andrew busog pa naman ako eh"pagtanggi ko

"ahh ganun ba,s-sige alis na ako.Ito nga pala para sayo."ngumiti ito at inabot sakin ang tupperware na may tatlong cupcakes

"thank you andrew"

"welcome,sige rainne alis na ako.Bye"ngumiti ito at kumaway.

Napatingin ako sa cupcakes,mukhang masarap.

"ang effort"napalingon ako kay stell na patango-tango.May hawak itong supot

"ginagawa mo dito?"

"di pa kasi ako nag la-lunch"

"tapos?"

"anong tapos.Ikaw rin kaya di pa nag la-lunch.Tara!"aya sakin

"busog pa ako"

"ayokong nalilipasan ka ng gutom"sabay hila sakin

"at sa'n moko balak dalhin?"

"sa langit"nagulat ako sa tinuran niya,ngumiti ito at patuloy akong hinihila.

HousematesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon