CHAPTER 1

994 34 2
                                    

╔═══════════════╗ 
STELL AJERO as HIMSELF

RAINNE CASTRO as YOU
╚═══════════════╝

. C H A P T E R 1 .

Rainne's POV

*on phone*

[opo nay,miss na miss ko po kayo.Payakap at pahalik naman po kay leo]

[sige,sige anak miss ka rin namin.Ingat ka jan,wag mong bibigyan ng sakit ng ulo si ate tanya mo ah.Bye I love you]

[I love you din po nay]

*call ended*

So ayun na nga miss ko na yung mama ko.Bago pa man ako bahain ng mga luha ko ay kumuha na ako ng towel at nagtungo sa banyo para mag concert -_-

"burnin' up payeeerr"kanta ko with feelings at may pa piyok ng slight

Sabon dito sabon dun,takte yung mata ko nasabunan.

"ang hapdi!"pagmamaktol ko ng pumasok ang sabon sa mga mata ko.

Nasa kalagitnaan ako ng aking paghihilod nang magbukas ang pintuan ng maliit na cr na ito,at iniluwa ang isang mamang gulat sa nakita niya.

"AAAHHHHH"sabay naming sigaw,nagtakip ito ng mata at pilit sinasangga ang mga tubig na pinagbabasa ko sa kaniya.Bigla ko itong pinalo ng tabo sa ulo dahil nagtanggal ito ng takip sa mata.

Lumabas ito na hawak hawak ang ulo niya,pumunta naman ako sa pintuan at sinara

- - - - - - - -

"oh rainne anyare sayo?"takang tanong ni ate tanya ng makitang magkasalubong ang kilay ko.Umupo na ako sa dining table

"ate sino yu---"natigilan ako nang makitang umupo sa harapan ko ang lalaking napalo ko ng tabo kanina

"IKAW?!"sabay naming turan

"kilala niyo na ang isa't-isa?"

Sinamaan ko lang ng tingin yung kaharap kong lalaki.At ganun din siya.

"sino ka ba?!"pang-aangas kong sabi

"rainne this is stell a family friend.And stell this is rainne pinsan ko"

"pinsan mo yan ate tanya?"

"o-oo"

"bakit andito yan ate tanya?"taka kong tanong na nanggigilaiti sa galit na nakatingin kay stell

"pansamantala lang naman to rainne,kasi yung tinitirhan ni stell ay pinagigiba na ng may-ari.Dito na muna si stell hanggang sa makahanap siya ng malilipatan"nakangiting chika ni ate tanya

Tiningnan ko yung stell at parang nang-iinis yung mukha niya,sarap pupukin uli ng tabo.Grrr!

"nga pala rainne,dun si stell sa katabi mong kwarto"

"po?Diba kwarto niyo yun"protesta ko

"oo,pero dito na muna ako sa baba,mas malakas yung internet dito.May mga hinahabol kasi akong papel para sa trabaho ko"pagpapaliwanag nito

"thank you nga pala ate tanya sa pagpapatuloy sakin dito"sabay tingin sakin ni stell na nangiinis talaga

"ate alis na po ako,baka malate pa po ako"

"sige,sabay na lang kayo ni stell,same school lang naman kayo"

"ano?"sabay namin,schoolmates kami?

"mauna na po ako,may dadaanan pa po kasi ako"pagpapalusot ko taena ayaw ko kayang magkasabay kami.Tumayo na ako at hinablot ang bag ko at umalis

HousematesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon