Chapter 11 «Gotcha»

210 8 3
                                    

"WHAT ARE YOU TALKING ABOUT HOSEOK!?" Pasigaw na tanong ni Jin.

"J-hope has mental illness, right? That's why he loves Taehyung." Mapang-asar na saad ni Jungkook na nakapag patayo saaming dalawa ni Hoseok at masama siyang tinignan. Napaismir nalang siya. Our hands ball in fist. Kahit hindi ko kayang lumaban, still Hoseok is my friend.

"Okay guys stop that childishness! Jungkook in Taehyung's body don't cause any trouble right now!" Pagsasaway ni Namjoon.

"I have many works so better to think and you fucking Taehyung! I know you like this huh?" Nakaismir na saad saakin ni Jungkook.

Hindi ko na napigilan at nasuntok ko siya at swerte dahil hindi niya iyon inaasahan. Agad namang hinawakan ni Suga ang kamay ko.

Parang nag two in two kami ngayon. Nakaharap si Suga kay Jimin at ako kaharap si Jungkook na masamang nagtitinginan.

"Hindi ko ginustong makipag palit sayo! Tandaan mo yan! Hindi ako makikipagpalit sa isang mamamatay tao!" Pasigaw na saad ko sakanya. "At kahit kelan hindi ko gugustuhing magkapalit tayo kahit mayaman ka! Kahit nasa 'yo na lahat lahat ng gusto ko! Mas mabuti na nga ang binubully ako araw-araw kesa sa..." pabalibag kong binitawan ang pagkakahawak saakin ni Suga. "Kesa makasama ko kayo, lalo na ikaw! Gulong gulo na ang buhay ko! Kung ayaw niyo akong tulungan edi okay. Mananatili kaming ganito." Mapait ko silang nginitian saka naghanap ng pagkakataong tumakbo papalabas ng mansyon.

Masyado akong sensitive. Nagi lang ako ganito dahil sa trato ng iba, at trato ni Jungkook. Para bang hayop lang ako kung pagsalitaan niya. Nakakainis!

Wala na akong pake kung ito pa ang katawan ko, I think mas mabuti na rin to saakin. Maghihinganti ako sakanya, mas papadumihin ko pa lalo ang pangalan niya. Sa sobrang dumi, hindi niya na kakayaning burahin lahat ng iyon.

"L-LOLA!?" Gulat akong mapatingin sa matandang nasa harapan ko habang iniaayos ang bag na dala-dala niya. Siya yung lola na gumawa samin nito.

Ngumiti lang ito saakin saka lumapit. "Nagulat ata kita, Taehyung?" Nakangiting saad niya. "P-pano niyo po n-nalaman..."

"Shhh, anong katanungan ang bumabagabag sayo?" Nakangiti niya paring tanong. Napalunok ako saglit at tumingin sa likod para siguraduhing hindi nakasunod ang mga kaibigan ni Jungkook.

"Lola, k-kasi po. Bakit po ganito? Aksidente lang po yun. Hindi ko tlga gusto na makipag palit k--"

"Walang aksidente, Taehyung." Mas lumapad ang ngiti niya. "Ang mangyayari ay mangyayari." Dagdag niya na ikinakunot ng noo ko.

"Pero 'la, bakit si Jungkook?" Naguguluhan ko pang tanong.

"Mag-isip ka. Bakit nga ba unang naisip mo ang lalaking iyon kesa sa iba?" Tanong niya. Nag-isip isip ako.

"Kase nung time na yun binubully niya ako!" Inis na sagot ko ng maalala ang pagmumukha niya.

"Ang gulo mag explain sa batang to." Dinig kong bulong niya saka napabuntong hininga. Nakapamewang siyang ngumiti uli.

"Bakit hindi mo kaya buksan ang mata po?"

"La, bukas na bukas ho ang mata ko. 24/7."

"Sigurado ka?"

Tumango ako. "Bakit hindi mo manlang makita-kita ang mundong kinaiikutan mo? Takot ka? Takot ka sakanila? Takot ka sa panghuhusga nila? Sa pangungutya? Saan? Anong naging sanhi para maging sarado ang mata mo para sa pagtuklas ng mga bagay? Bukas nga ba ang mata mo, iho? Bakit hindi mo makita ang nararamdaman ng taong nasa harap mo?"

Halos mapanganga ako sa dami ng tanong niya. "L-lola, hindi ko ho kayo maintindihan." Naguguluhang saad ko.

"Excactly, hindi din kita maintindihan."

Napatingin ako sa likuran ng may bumusina roon. Halos manlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang nasa loob nun. Si jungkook.

"L-lola.." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng makitang wala na siya sa harapan ko.

Kingina! Napatingin ako sa likod ng bumaba si Jungkook. Hindi ko alam pero ngayon, naistatuwa ako sa kinatatayuan ko.

Taehyung! Tumakbo ka na! Dali!

Kahit anong pilit ko ay hindi sumusunod ang paa ko.

Naistatuwa ata ako sa gwapo ng itsura ko kapag gamit ni Jungkook. Lalo na kapag wala akong salamin.

He pulled me. Halos manlaki ang mga mata ko ng ilang inches nalang ang pagitan namin.

"Gotcha."

Switched || TAEKOOK ✓Where stories live. Discover now