Taehyung
KASALUKUYAN akong nandito sa tapat ng bahay namin. Ang kinalakihan kong bahay. Walang kahit ano akong narinig na kakaiba, pwera nalang sa dalawang taong tumatawa sa loob. Isang barito at isang manipis na boses na sa tingin ko ay nangagaling kay mama.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Napatingin ako sa buong bahay, nag bago ang ayos at may mga bagay na nadagdag gaya ng ref, couch, flat screen tv at naka tiles na. May lamp din katabi ng isang halamang nasa mamahaling paso at mga paints na nakasabit sa dingding. Parang bagong bahay ang pinasukan ko ngayon.
Napatingin ako kay mama.... saka sa lalaking katabi niya habang nanonood ng palabas sa cable at prisentableng nakaupo sa couch. Napansin niya siguro ang presensya ko kaya napatingin silang dalawa sakin.
"Hoy! Sino ka ha!?" Sigaw na saad niya at tumayo ; pati ang lalaki. Bigla ko nanamang nakalimutan, hindi ko to katawan kaya hindi niya ako maaalala.
"K-kaklase ko po si Taehyung. K-kinakamusta ko lang ho siya." Pagkukunwari ko at bahagyang yumuko.
"Keguwapong bata mo naman! Ayy si Taehyung ba? Nakung batang yun talaga! Yung anak ko kase... ano sumakabilang bahay niya. Siguro natauhan siya na ayaw niya sakin." Saad niya ng nakangiti which made my heart ache. "Hindi ko nga alam kung anong ginawa ko para umalis siya! Sayang pa naman ang pagpapalaki ko sakanya." Dagdag niya at lumapit naman sakanya yung lalaki saka yinakap ito. Nagkukunwari siyang umiiyak. T-tama.
"A-ahh, ganun ho ba. M-matanong lang po... boyfriend niyo po ba siya?" Tanong ko. Nakangiti siyang tumingin saakin saka ibinaling sa lalaking katabi niya. Mahina siyang tumawa at kunwari ay pinupunasan ang mga luha niya.
"My future husband, Fred." Saad niya at hinalikan yung Fred. My hand ball in fist. Nakaramdam uli ako ng sama ng loob... na hindi ko dapat maramdaman dahil kahit bali-baliktarin ko ang mundo, nanay ko pa din siya. Nagawa niyang magmukmok dahil sa pagkamatay ni papa pero heto siya ngayon. Ginawa ko ang lahat para mabigyan siya ng pera... na kahit wala ako ay atleast napupunan ko ang responsibilidad ko bilang anak niya. Alam kong ang tingin niya sa'kin ay walang kwenta. P-pero eto? Makipagharutan siya sa harap ng anak niya? Imposibleng hindi ko na matiis 'to.
"You can come with us in dinner! I'm su--."
Hindi ko na siya pinapatuloy sa pagsasalita ng kusa na akong lumabas. Hindi ko na kayang panoorin si mama, na kapag iniwan uli siya ng bago niya pag dating ng panahon ay magmumukmok uli.
Naalala ko nanaman ang huling sinabi niya. 'You can come with us in dinner.' Nagawa niyang.... mag-aya ng ibang tao makasama siya sa hapunan pero kapag sariling anak niya.... Parang labag pa sa loob niyang paghainan ako ng pagkain?
Bakit ba all this time sobrang nag-aalala pa din ako sakanya kahit ginagago na ako ng mismong kadugo ko?
YOU ARE READING
Switched || TAEKOOK ✓
Random(COMPLETED)//[U N E D I T E D] A KILLER and a TARGET will met. An incident. An unexpected. Will met but in DIFFERENT BODIES. Bodies of each other. How they can easily handle it? Will they handle it? DIFFERENT LIVES. Different status. Will they learn...