Chapter 4 «Plan:STAY.AWAY.FROM.JK»

273 17 2
                                    

Update: Fixed grammatical and typographical errors





Hinding hindi na talaga ako mapakali sa kinauupuan ko. Still, kinakabahan sa mangyayari mamaya. Pang-apat na subject ko na toh at boom. Tapos na.

"Mr. Kim, any problem?" Napatingin ako kay ma'am na nakatingin din saakin. Maging ang mga kaklase ko, pati si Hoseok na nag-aalalang tingin ang ibinato saakin. "N-no po ma'am." Sagot ko at tumango tango nalang siya. Kainis!

_______________

"Pwede niya naman tayong pabayaan. Sanay na akong binubully, sinasaktan pero bakit niya yon ginagawa?" Naiiritang saad ko kay Hoseok. Ito ang unang beses na ako talaga ang nag approach na kausapin siya. "Sa tingin ko may plano siya! Ano bang sinabi niya sayo kanina?" Tanong niya. Naglalakad kami ngayon sa hall kasama ang ibang estudyante, muntik na nga akong mabaliko dahil sa paghaharang ng paa nila sa daraanan ko.

"Eh pumunta daw ako sa classroom nila." Sagot ko. "I knew it!" Masigasig na saad niya. Tinapunan ko nalang siya ng tingin at saka nag-iisip kung ano ba ang tama kong gawin. "Tulungan mo nga nalang ako." Mahinang saad ko.

"Eh kung wag ka nalang kayang pumunta? Great plan yun."

Oo, tama siya. Oo nga! Ba't di ko agad yun naisip. Agad ko siyang niyakap. "Salamat hyung." Saad ko at kumalas sa yakap. Napansin kong nagulat siya sa ginawa ko. "S-sorry." Napakamot batok nalang ako dahil nakakahiyang ginawa ko sakanya. "Uyy okay lang yun." Nakangiti niyang saad saka tinignan uli ang daraanan.

Pwede namang i-break yung rule ko diba? Yung makikipagkaibigan? Besides sa tingin ko ay mabait na tao rin tong si Hoseok.

Napatigil ako ng dadaan na kami sa classroom nila. Si Hoseok ay tumigil din sa paglalakad dahil sa ginawa ko. "Ano?" Takang tanong niya at tinignan ang tinitignan ko. "Ayy oo, gets ko na. Tara, may plano ako." Nakangiti niyang saad. Napakunot ang noo ko sa kung ano mang plano ang sinasabi niya.

__________

"That's it." Nakangiting saad niya.

"A-anoo? Pwede kang ma guidance dahil jan sa plano mo." Saad ko. "Simple lang naman kaya ang pumindot ng red button." Nakangiti niya paring saad. Napailing iling nalang ako. Balak niyang paingayin ng nakakairitang tunog ang buong campus dahil sa plano niyang pintudin ang fire alarm.


"No choice na tayo. Ang mamatay o ang mabuhay."





"M-mamatay? Anong sinasabi mo?" Nauutal na saad ko. "Diba may kumakalat na balitang siya yung pumatay kay Dexter."


Oo nga, siya nga. Ngayon, natatakot na nga ako sa gagawin namin at kung tatanggi pa ako, katapusan na ata ng buhay ng isang Kim Taehyung.

Switched || TAEKOOK ✓Where stories live. Discover now