Alam mo ba yung feeling na gusto mong pagselosin ang isang tao? Na balak mo syang parusahan sa ginawa nyang masakit sa'yo? Yung tipong desidido kang magsisi sya at magmamakaawang balikan ka?
May DAKILANG ex kasi ako. (Happy sarcastic day though.) Kagwapuhan, matangkad, maangas tignan, pero mukhang seryoso sa pag-ibig. Oo, 'mukha' lang, hindi sa katutohanan. Bakit? Eh kaya lang naman kami nag-kahiwalay dahil walang-awang pinagpalit nya ako sa walang pinagbasihang dahilan. Kaya ngayon, gusto ko mag-revenge.
Pero para mangyari iyon, kailangan mo pang magpanggap at gamitin ang isang tao? Kung saan nakasalalay na ang puso ng dalawang lalaking may malaking posibilidad na masugatan dahil sa iyo?
Paano ko naman kasi sya pagseselosin kung ako lang, diba? So of course, kailangan ko ng kasabwat. Yung alam nyang may gusto rin sa akin? Para sakit to the max ang mararamdaman nya.
Iyon nga pala ang plano ko. Pero sa kabila ng lahat ng kasamaang ito... Paano kung ako rin mismo ang magsisi sa huli? Masaktan? Maparusahan? Sa kadahilanang... ako rin pala ang matutuluyang mahulog?
Pero paano nga kung...
"Belle! We're getting late!" Okay, tawag na ako ng sassy sister ko.
Teka, have I introduced myself already? Hindi pa ata. Well, sabi nga ng kapatid ko, 'Belle' ang aking pangalan. I am Belle Josephine Castillo, you could call me 'Belle' as what I'm used to. Mistisa ako, may lahi kasing British ang mom ko, pero hindi naman ako mukhang ibang lahi. Pero may pagka-singkit din ang mga mata ko, (dahil may lahing Korean ang lolo ko) hindi gaano at hindi rin ganoon ka-halata. Sabi nila, matangkad daw ako pero para sa akin hindi naman, sakto lang at minsan sa tulong din ng heels.
Hindi ko pa pala natatapos yung speech ko noh? Oh sige, para mapagtanto nyo, abangan nyo na lang ang susunod na mangyayari. Kailangan ko ng umalis kasi pilit na nagyayaya pa yung ate ko na magshopping. Bye!
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionAlam mo ba yung feeling na gusto mong pagselosin ang isang tao? Na balak mo syang parusahan sa ginawa nyang masakit sa'yo? Yung tipong desidido kang magsisi sya at magmamakaawang balikan ka? Pero para mangyari iyon, kailangan mo magpanggap at gamiti...