Chapter 3

27 0 0
                                    

Author's Note: Third chapter na at binabasa mo pa rin. Salamaaat ng marami! First time ko mag-favor ng ganito: pwede pa-vote? Lol ✌ Sana ineenjoy mo 'tong story. Mwaaah!

-

Admiration?

Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

Sakto naaninag ko na biglang umalis si Alex, pilit na hinila pa nga ata si Jasmine eh, kaya umayos ako ng tayo at umiwas ng tingin.

"S-sorry sa ginawa ko. Iyon nga kasi ang gusto kong sabihin sa iyo," ani ko.

"Huh? You mean gusto mong sabihin na gusto mong yakapin ako?"

Hindi ko alam kung bakit pero biglang nanginig yung boses nya at parang pinagpapawisan sabay pula ng pisngi.

Sinamaan ko sya ng tingin, "Feeler!? Ang gusto kong sabihin..."

Hinila ko sya papuntang sulok kung saan wala masyadong tao, "Kasi nga gusto kong pagselosin si Alex at... pwede bang tulungan mo akong mapagtagumpayan yun?"

Nanlaki yung mata nya at tumungo ng dahan-dahan. "Pero paano ko gagawin iyon?"

Bumuntong hininga ako, "Edi syempre mas maging clingy ka. Gusto ko iyong pagpapanggap mo iyong tipong manggagalaiti talaga si Alex at magmamakaawa syang balikan ko," utas ko at binigyan sya ng evil smile.

"Okay," aniya sabay tungo.

Tuluyan nang naputol ang masinsinan naming usapan ng paulit-ulit na tumawag si Ate Christine.

Sinagot ko ito, "Hello?"

"Where are you? Tapos na ako mamili dito. Dali, I'm getting bored!"

"Nandito kami sa F21. Pumunta ka na lang dito," tipid kong sagot at pinatay ang tawag.

Hindi ko sya ganoon tinatratong ate ko kasi 2 years lang naman ang agwat namin, 2nd year college sya at ako naman 4th year highschool. Alam ko kahit maliit lang ang age gap namin, dapat ginagalang ko pa rin sya ng lubos pero pwe, normal lang naman ang ganitong turingan sa magkakapatid.

"Ano, sampung sapatos namang binili mo mo dahil hindi mo napigilan ang tukso?" Sabat ko kay ate nang naaninag ko syang sumingit na sa tabi ko habang ako'y nagbabayad sa cashier.

"Hindi naman. Lima lang," sagot nya habang napapatingin nanaman sa mga damit. Malamang may balak nanaman 'tong bumili.

"Next time ka na nga mamili! Let's go," utas ko pagkakuha nang mga pinamili ko. Nagulat ako dahil kinuha ni Steven ang isang paper bag, dalawa kasi iyon.

"Tulungan na kita," aniya at tumalikod para maglakad paalis ng store.

Tumango ako.

"Ako, hindi mo tutulungan?" Umiiral nanaman ata ang kakapalan ng mukha ni ate.

"Hmm, sure," sabi ni Steven, pero parang napilitan lang. Ano bang nangyayari dito?

Tutal 06:30pm na, kumain na kami ng gabihan at Max's ang napili naming restaurant.

"Ma'am, sir, good evening. What are your orders?" Biglang singit nung waiter.

Sinabi na namin ang mga order namin, at pagkatapos naming kumain hiningi na ni Steven iyong bill.

"Huh? Ikaw magbabayad?" Nagtatakang utas ko.

"Oo," tumungo sya at kumuha ng pera sa wallet nya.

"Salamat," sabi ko at kinuha ang bag ko tsaka tumayo.

"Thanks. Mauna na kami?" Sabat ni ate at tumayo na rin.

"Or baka gusto nyong ihatid ko na lang kayo?"

"No thanks. May sasakyan kami," ani ni ate sabay ngiti.

Tumango sya, "Sige, sige,"

"Pa-impress yun," sabi ni ate pagkapasok na pagkapasok namin ng sasakyan nya.

"What do you mean?" Tanong ko habang nagse-seat belt.

"May gusto ba yun sayo?" Aniya.

"I dunno. Probably wala," ani ko at kinuha ang phone ko.

"Tss. Manhid ka?" Utas nya.

"Clingy lang sya. Ayoko nang umasa na may something pa... Tapos pag inasahan kong gusto nya ako, malalaman kong option lang nya pala ako? Na pinagtutuunan lang nya ako ng pansin kapag wala syang magawa?" Naalala ko bigla ang mga pinagsasabi ni Alex noong araw na naghiwalay kami.

She's just an option. Paulit-ulit iyong sinabi ng utak ko. Kahit anong gawin ko, bakit ayaw mawala ng sakit? Hay. Bahala na. Revenge ang kailangan mong gawin, Belle, revenge. Hindi ka dapat maloko nanaman nyan. It's his time to suffer this time.

"Belle Josephine Castillo, wake up!" Nagulat ako sa pagsigaw sa akin ni ate at minulat ang mga mata ko. Napagtanto ko na nasa bahay na pala kami at nakatulog pala ako sa kakaisip.

Umalis na ako ng kotse at pagkatapos kong batiin ang mga tao sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko.

This is my favorite place anyway. Pagkatapos ko kasing mapaglaruan ni Alex, nahilig ko na ang pagiging mapag-isa at itinutulog na lang ang mga problema. And it's strange for my family though. Well, pasalamat nga sila at iyon lang ang ipinagbago ko, eh yung iba nga natututo pang mag-bisyo dahil nasaktan.

"What a day," ani ko pagkapalit ko ng damit at humilata sa kama ko. Nakatingala ako, nakatingin sa kisame. Wala akong magawa at nawindang ako nang maalala ko ang mga pangyayari sa amin ni Steven buong araw.

Hindi ako mapakali kaya umupo ako at nilagay ang siko ko sa unan tapos pinatong ang baba ko sa kamay ko.

Hindi ko na napigilan pa at binuksan ang Macbook Air ko tsaka ni-research ang ibig sabihin ng nararamdaman ko.

When your heart beats faster than usual especially when you see or meet someone, it means you're in-love or you like him / her.

Like? Love? For pete's sake, a massive no!

But maybe it's just a matter of confusion, like it often happens when you got flattered and not a thing connected to admiration at all.

Nakahinga ako ng maluwag. Nah, this is normal, I'm just not used to it that's why I'm this paranoid. Oh well, buti na lang. So, safe. Very safe. We're friends, at hanggang doon lang.

Pinilit kong kumbinsehin ang sarili ko na walang kakaiba sa nararamdaman ko, at nagdesisyon na ipagpatuloy pa rin ang pagga-gamit kay Steven upang pagsisihan ng unggoy este ni Alexander ang ginawa nya sa akin.

Belle, c'mon. You don't like Steven. Oh well, you like him... but just as a person.

-

Author'sNote: Ulit. Lmao. Salamat sa pagbasa. Ang tanong nga lang... Hanggang magkaibigan nga lang ba sila o--- basahin nyo na lang para malaman kung anong susunod na mangyayari.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon