Author's Note: Hello! ✋Third story ko na 'to sa Wattpad, omg. Hahaha. Thank you nga pala sa pag-basa ng prologue and now it's time for the 1st chap.! ❤I hope you would enjoy. Okay, simulan ang istorya.
-
Crushed
Flashback
February 14, 2014. Undas para sa mga walang love life, Ampalaya Festival naman para sa mga bitter na iniwan ng kanilang mga minamahal. Pero para sa akin? Ito na ata ang pinakamasayang araw, dahil natapatan ng Valentine's Day ang 1st ever monthsary namin ni Alexander.
Hindi kami masyadong PDA, hindi sa inutusan ko syang wag maging masyadong clingy, pero sadyang ganun lang talaga kami from the start. Hindi ko alam kung bakit, pero mas okay na iyon kaysa naman isipin ng iba na ang jeje namin.
Mahal namin ang isa't isa, ramdam ko iyon. Kontento rin ako dahil alam kong ako lang... Pwera na lang sa susunod na mga pangyayari.
Habang dumadaan sa loob ng campus, nasasaksihan ko ang ubod ng ka-sweetan na mga couple. May iilang babae rin na umiiyak sa tuwa dahil may mga nag-confess sa kanila na gusto rin nila.
Pumatungo na akong classroom, inikot ko ang tingin ko at napagtantong wala si Alexander.
"Siguro may surpresa yun," bulong ko at umupo na sa upuan ko.
Fifteen minutes later, nababagot na ako rito. I feel so lonely and alone. Napapalibutan ako ng mga may love life. May love life rin naman ako pero... Bakit parang hindi ko ramdam?
Hindi ko na natiis pa at pumunta sa may locker ni Alex, doon kasi sya lagi nakatambay. Papalakad pa lang ako papuntang dulo ng building na ito nang may narinig akong mga bulungan.
"Si Belle?" Narinig ko ang pangalan ko kaya napatigil ako. Nabosesan ko rin iyong nagsalita at si Alex pala.
Hindi ko alam kung anong dahilan, pero may nararamdaman akong masamang mangyayari, nagtago ako sa may gilid ng locker at tinignan kung saan nangagaling yung naguusap.
Napagtanto ko na si Alexander nga at... Ang isang babae. Inaakbayan nya ito at nakatitig sila sa isa't isa. Yung titig nya na... Ni minsan hindi pa nya ginagawa sa akin.
Nawindang ako. Niliitan ko ang mata ko para makita kung sino ang babaeng iyon. For Pete's sake, bakit sa lahat ng babae, best friend ko pa? Feeling ko gumuho ang mundo ko. Nalusaw ang mga buto ko. Unti-onting namuo ang luha sa mga mata ko.
At sa susunod na sinabi nya, pakiramdam ko katapusan ko na, "I don't like her anyway. She's just an option for me to be freaking honest."
Hindi ko na napigilan ang luha na bumuhos pababa sa mukha ko. Umiling ako at nagmadaling bumaba ng building palihim, ngunit dahil nga sa pagmamadali ko ay nagawa kong mahulog ang isang pencil case na nakapatong sa isang locker.
"Belle!?" Gulat na utas ni Alex. Umiling ako at nagpatuloy sa pagtakbo habang humahagulgol. Hinabol nya ako at hinawakan ang braso ko tsaka pinilit akong iharap sa kanya, "Uhm... ah..."
Pinangunahan ko na syang magsalita, "Let's end this!" Sigaw ko at padabog na tinanggal ang mahigpit na pagkakahawak nya sa kamay ko.
Tumakbo ako at sa hindi inaasahan, hindi nya ako hinabol. Tutal wala naman ng silbi ang araw na ito, umuwi na kaagad ako. Wala rin naman kasing klase, free day.
Hindi na ako nagpasundo pa at pumara na lang ng taxi. Habang nasa byahe, humagulog lang ako ng humagulgol, hanggang sa makarating na ako sa bahay. Pinunasan ko ang mga luha ko at pinilit na itono sa normal ang boses ko tsaka bumaba.
"Oh, bakit umuwi ka na?" Ani ni manang nang sinalubong ako. "Umiiyak ka ba?"
"Free day lang daw po kaya minabuti ko ng umuwi na lang," hindi ko na sinagot ang isa nya pang tanong at pumatungo sa kwarto ko. Nagkulong ako doon buong araw. Tutal wala naman sina mom and dad, malamang nasa France nanaman for business, wala rin si ate, kaya walang mangengealam kung anong mga pinag-gagawa ko.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Ficção AdolescenteAlam mo ba yung feeling na gusto mong pagselosin ang isang tao? Na balak mo syang parusahan sa ginawa nyang masakit sa'yo? Yung tipong desidido kang magsisi sya at magmamakaawang balikan ka? Pero para mangyari iyon, kailangan mo magpanggap at gamiti...