Author's Note: Wahahaha, salamat sa suporta. Ayan, basahin nyo na yung chapter four.
-
Effective
Pinilit kong kumbinsehin ang sarili ko na walang kakaiba sa nararamdaman ko, at nagdesisyon na ipagpatuloy pa rin ang pagga-gamit kay Steven upang pagsisihan ng unggoy este ni Alexander ang ginawa nya sa akin.
» 3 weeks later
Pinagpatuloy namin ni Steven ang pagpapanggap, kadalasan hinala ko naaapektuhan na si Alex pero hanggang hinala nga lang.
"Good morning," bati ko nang makasalubong si Steven sa corridor ng school.
Naaninag ko si Alex na nasa may likod ko na naglalakad, malamang kapapasok lang din. Napansin din siguro ni Steven ang presensya niya kaya bigla ito naging sweet or clingy, I should say.
Pinadausdos nya ang kamay nya sa bewang ko, sabay patong ng baba nya sa balikat ko. "Mas maganda ka sa umaga, baby. Anyway, good morning din!" Aniya.
Ngumiti ako, pero hindi iyong pilit. Kusang nasiyahan ako, di ko alam kung bakit.
Sabay kaming tumalikod at lumakad na papuntang classroom. Nakita kong chill lang na naglalakad si Alexander. Bigla akong na-dissapoint. Isn't he even affected because he witnessed how Steven and I treat each other? Ah, ewan.
Nang tuluyang makalayo na si Alex sa amin, kaagad akong lumayo kay Steven and left space between the two of us. Bumuntong hininga ako at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Uy, sabay na tayo!" Utas ni Steven at hinabol ako.
Sinabayan nya ako sa pag-lakad.
"Ano bang nangyari, bakit ka biglang na-bad trip?" Tanong nya nang napansing hindi ako umiimik.
Tinignan ko sya ng matagalan. Bakit nga ba hindi na lang ikaw ang itibok ng puso ko? Ang maging laman ng utak ko? Dahil ikaw naman ang lagi kong karamay. At si Alex? Ang laging nagbabahid ng sakit sa puso ko. Bakit nga pala hindi na lang ikaw? Bakit?
"Uy," bumalik ako sa sarili ko nang hinawakan nya ako sa braso.
Mali ang iniisp mo, Belle. Mali. Mas mabuti na iyang wag kang mahulog ulit. Masama iyon, baka masaktan ka lang ulit. Wait, am I pushing myself to be a man hater?
"Oh, bakit?" Tanong ko.
"Wala lang. Para kasing wala ka talaga sa sarili mo e," aniya.
"Don't mind me," sabi ko pagkapasok namin ng room at umupo na ako.
Discuss, discuss, discuss. Puro ganoon ang ginagawa ng teachers ngayon. Malapit nanaman kasi ang exam, 2nd periodical test na. Sorry na lang, wala ako sa ulirat para makinig.
Napansin kong may kanina pang tumatagilid ang ulo sa gilid ko at tila ako ang tinitignan. Dahan-dahan akong tumingin din at nahuli si Alexander na nakatitig sa akin. Kaagad naman nyang iniba ang direksyon ng mukha nya. Ooh...
"Guys, pumunta raw sa field for P.E.," utas ng kaklase kong si Karylle Gwen Reyes, isang mabait + maganda + matalinong babae. Perfect sya noh? Marami syang manliligaw pero wala syang love life, pero may isang napaka-loyal na lalaki sa kanya since we were grade school kaya I bet magkakatuluyan din silang dalawa.
Tama na ang pantasya.
Pumunta na ako sa field, napansin kong hindi naman malapit si Alex sa akin habang naglalakad ako kaya hindi muna naming kinailangan ni Steven na magpanggap.
"Maglalaro lang tayo dito?" Tanong ng best friend kong kasama ko papuntang field.
Hindi ko pa nakukwento na may best friend ako, right? Sya si Alexie Mae Marfori, ang ganda nya noh? (picture above) She has gotten an angelic face with a humble heart. Hay. Isa pa itong perpekto eh.
Nagkibit balikat ako sa tanong nya.
"Ew!" Sigaw nung pinaka-maarte kong kaklase sabay tili ng sobrang lakas. Tinignan ko kung ano ang nangyari sa kanya at nakakita lang pala ng caterpillar.
Ano namang kasuklam suklam sa caterpillar, aber? Ang arte nya noh? Palibhasa anak ng may mang-ari ng school. Malapit na sya sa pagiging queenka, pero may mas lamang sa kanya. Maganda naman kasi sya, sexy, the typical look of a rich person. Pero dito kasi sa school na 'to, bilang lang ang mga queenka at sila ay may kakaibang katangian talaga. Should 'one of a kind' be the term? Hmm.
Nasabi ko na ba name nya? Well, kung hindi pa, then she's Yassi Francine Smith. May halong ibang lahi rin. Hindi naman kasi sa pagmamayabang, pero halos lahat kasi kami dito sa campus na 'to ay may dugong foreign, susyalin kasi e.
Tumalikod na ako at naglakad papuntang isang puno, iyong pinaka-malaking halaman sa school na 'to. Kaso biglang...
Sht.
May natapakan akong kung anong madulas kaya na-out of balance ako. Pinikit ko na ang mga mata ko dahil alam kong sesemplang ako sa grass pero biglang...
"Damn," sabi ng isang lalaki, nabosesan ko pala si Steven. Sinalo nya yung likod ko kaya napatingala ako at nagkatitigan kami, pero this time hindi scripted.
"Hooh, thanks," ani ko pagkatayo ko at huminga ng maluwag.
"No problem," aniya.
"Omfg, sweet!" Utas ni Alexie. Pfft, kahit kelan talaga pag asaran panalo 'to.
Actually wala syang alam sa plano namin ni Steven. Siguro inaakala na nyang move on na ako kay Alexander at si Steven na ang bagong nilalaman ng puso ko? Pwes, no.
Sinamaan ko sya ng tingin at pinagpag na ang damit ko. Naagaw lang ang atensyon ko nang biglang may nagdabog ng upuan. Tinignan ko kung sino yun. Nawindang ako nang nakitang nag-walk out si Alexander.
I smirked.
I knew it, he's affected.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionAlam mo ba yung feeling na gusto mong pagselosin ang isang tao? Na balak mo syang parusahan sa ginawa nyang masakit sa'yo? Yung tipong desidido kang magsisi sya at magmamakaawang balikan ka? Pero para mangyari iyon, kailangan mo magpanggap at gamiti...