Chapter 2

58 2 0
                                    

Author's Note: Kamusta chapter 1? Hahahaha. Now, it's time for chapter 2. Sana basahin nyo hanggang dulo. Ily! 😘

-
Confusion

"Steven... can I ask you something?"

"Ano iyon?" Utas nya nang hindi man lang tumitingin sa akin.

"Kasi..." Papasimula pa lang ako nang biglang umepal si ate.

"Oh, Steven, andito ka pala. Gusto mo ako na mag-order sa iyo?" Aniya habang nilalapag yung in-order nya.

"Nope, hindi na. Ako na," sabi ni Steven at tumayo.

Tumango lang si ate at umupo na sa harapan ko.

"Ininvite mo sya?" Tanong ni ate habang umiinom ng coffee nya.

"Hmm..." Sumipsip muna ako sa frappe ko bago sagutin ang tanong nya.

"Hindi nya ako ininvite, ate," pinangunahan akong magsalita ni Steven, "Actually nakita ko lang sya kaya tinabihan ko. Nagulat nga ako na nandito rin kayo eh." Aniya at umupo hawak-hawak ang frappe nya sabay lapag ng tatlong Honey Glazed Doughnut.

"Wew, kaya mo yan ubusin lahat?" Natatawang tanong ni Ate Chris.

He chuckled, "Para 'yan sa ating tatlo," aniya.

"Aww thanks," sagot ni ate.

Kinuha ko na iyong akin at tumango lang kay Steven.

"You two are that sweet?" Utas ni ate nang nakitang sumandal si Steven sa balikat ko, habang tamad na tinitinidor iyong kao-order nya lang na Blueberry-licious cake.

"Nah, not sweet. He's just disgustingly clingy," biro ko.

Tumawa kaming tatlo.

"Ano nga pala yung sasabihin mo?" Ani ni Steven habang wala si ate, pumatungong rest room.

"Kasi ganito 'yan..."

"Steven, dahil tinreat mo kami, ti-treat din kita. Cinema, want?" Sabat ni ate.

Hindi ba talaga ako bibigyan ng pagkakataong masabi sa kanya yung plano ko!?

"Sure," nakangising sagot ni Steven. Tumayo na sya at kinuha ang phone nya.

Tumingala ako sa kanya at binigyan sya ng nanghihinayang na tingin, hindi ko pa nga kasi natatapos yung gusto kong sabihin.

Kumindat sya sa akin at nagpa-cute na parang pinapahiwatig na sumama na lang ako.

"Fine," tipid kong sagot at humalukipkip pag-tayo ko.

"Ano gusto nyong panuorin?" Utas ni ate habang tinitignan ang mga movie posters na nakapaskil pagka-akyat namin sa floor ng sinehan.

"Endless Love, gusto ko ng drama," suggestion ni Steven.

"Ayaw ko ng drama," sagot ko naman.

"Endless Love na rin ako," bumelat sa akin si ate.

Tumango lang ako at inirapan sya.

"Treat ko na ang popcorn and drinks," utas ko at pumatungo sa food section.

» one hour later

"Omg, nakakaiyak yung movie," sabi ni ate pagkalabas namin ng cinehan.

Tumawa si Steven, "Emotional na tao ka pala, ate?"

"Hindi naman," aniya.

"Pero mukhang relate na relate ka," sabi ko habang naglalakad sa loob ng mall, tumitingin sa mga stores na pwedeng pagbilhan.

"Ohmygod!" Naagaw ang atensyon ko nang sumigaw si ate. "Wait for me. I need to buy those."

Nakakita nanaman ata si ate ng new style ng wedge sneakers. Baliw nga rin pala yun sa mga sapatos.

Umiling ako at tumawa kami ni Steven. Pumunta muna kaming dalawa sa Forever 21 at iniwanan si ate. Di bale, itetext ko na lang sya.

"Yung kanina mong dapat sasabihin..?" Singit ni Steven habang sinasabayan ako sa paglalakad sa loob ng F21.

"Nah, never mind," utas ko habang pumipili ng damit.

I feel like hindi ko na muna iyon gagawin, or hindi na talaga iyon gawin, I should say. Wala lang, parang humiwalay sa kaluluwa ko yung masamang sapi.

"Sure?" Aniya.

I nodded as agreement, "Which suits me better?" Tanong ko sabay patong ng dalawang damit na kinuha ko.

"Both. Lahat naman sa iyo maganda eh," nag-pout ako dahil sa sinagot nya.

Tumawa kami.

Bigla na lang akong may nakitang nagpa-tanggal ng ngiti sa mukha ko at pinalitan ito ng magkahalong, galit, pagkamuhi, at pati na rin... sakit.

"Oh, why?" Napansin siguro ni Steven ang biglang pag-iba ng timpla ng mukha ko. Nilingon nya ang ulo nya, "Ooh."

"What a bad time," ani ko.

Nagkasalubong ang tingin naming dalawa ni Alexander, kaya napatingin na rin sa amin si Jasmine.

Nagulat na lang ako nang biglang inakbayan ni Alex si Jasmine. Nilandi rin naman nito si Alex at nagawa pang halikan ni Alex si Jas, sa cheeks nga lang. Pag bitch at jerk nga naman talaga oh!

"What do you want to buy, baby?" Hindi ko narinig ang sinabi ni Alex, pero nasundan ko ang galaw ng bibig nya kaya na-gets ko ang binitawan nyang mga salita.

Hindi na ako magre-revenge? No, scratch that. Dahil sa nangyari ngayon, I would probably will.

I inhaled and exhaled. "Sumunod ka lang," bulong ko kay Steven at tinitigan sya mata sa mata. Pinalapit ko rin sya sa akin at pinagtagpo ng malapitan ang mga mukha namin. Napansin kong napalunok sya dahil sa ginawa ko.

Nagkatitigan kami...

Dugdugdugdug...

Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon