Chapter 05

25 1 0
                                    

#SsDSeeThrough
  
  
  
“SEE you. Mag-ingat sa pagda-drive, ha?”

Iyon na lang ang ini-reply ni Mary Ann sa huling mensaheng natanggap mula kay Zigfreid na nagsasabing magkita sila pagkaraan ng isang oras. Pagkatapos ay iniwan na niya ang cellphone sa ibabaw ng kama upang makapagsimulang gumayak. Mabuti na lang at saktong kaliligo lamang niya nang magyaya ang lalaki na lumabas. Sa gayon ay hindi siya masyadong magtatagal sa paghahanda ng sarili.

Ang orihinal niyang planong magsusuot lang ng simpleng maong pants, t-shirt at doll shoes tulad ng nakagawian ay nag-fifty-fifty nang magbukas siya ng aparador. Doon ay bumungad sa kaniya ang dilaw na casual dress na naka-hanger pa. Regalo iyon sa kaniya ni Thea noong nagdaang Pasko pa ngunit ni minsan ay hindi pa niya naisuot. Hindi siya komportableng magsuot nang ganoon lalo na kung pangkaraniwang araw.

Mataman niyang pinagmasdan ang magarang bestidang nakasampay. May kalaliman ang neckline noon ngunit takip pa rin naman ang dibdib at hindi labas ang cleavage. Ang haba ay hanggang sa itaas ng tuhod niya. De-butones ang style niyon.

Bumaling siya sa pader sa isang sulok ng kuwarto kung saan nakapaskil ang kalendaryo. Matapos pakatitigan doon ang kasalukuyang petsa ay tipid na napangiti siya. February 5 ngayon, third monthsary nila ng fake boyfriend. Bagama’t kunwarian lang at hindi naman isi-celebrate, hindi masamang idahilan iyon sa sarili upang magamit ang magandang kasuotang nasa harap niya.

Kibit-balikat na dinampot niya iyon bago pinabagsak sa sahig ang suot na bathrobe.

KUSANG gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Zigfreid pagkabasa sa reply ni Mary Ann. Simula noong unang nakipag-text siya rito hanggang ngayon ay nakasanayan na yata ng babae ang paalalahanan siya nang ganoon sa tuwing alam nitong may pupuntahan siya. Kung hindi “Ingat sa pagda-drive”,  “Don't text and drive” ang bilin nito. Nasanay na rin naman siya sa mga text nitong ganoon, kaya nga sa pagkakataong iyon ay hindi na siya nag-abala pang sabihing kanina pa siya nakarating sa meeting place nila. Ang totoo, bago pa niya yayain ang babae ay naroon na siya. Alam niyang palaging early bird ito sa mga lakad at ayaw naman niyang paghintayin pa ito.

Inilapag niya ang cellphone sa mesa bago ilibot ang paningin sa paligid. Nasa isang fast food restaurant siya.

Kung siya ang masusunod, gusto niyang sa ibang kainan dalhin si Mary Ann. Puwedeng sa Thai, Korean o Japanese restaurant. Mahilig ang babae sa maaanghang kaya tiyak na magugustuhan nito ang mga pagkain doon. Ang kaso, tuwing magyayaya siya ay nasesermunan pa nito.  Ayaw nitong gumagastos siya ng mahal para lang sa pagkain kapag sila ang magkasama. Kahit ikatuwiran niyang hindi naman ganoon kalaki ang magagastos niya ay hindi pa rin ito mapapayag.

Sa tuwina ay nagtatapos ang pagtatalo nila sa pangungulit niya ritong ipagluto na lamang siya, para lang makabawi sa pagtanggi nito. Bagay na agad naman nitong pinagbibigyan. Excelent pala ang cooking skills ng dalaga kaya ganoon na lang kung manghinayang sa perang magagamit nila sa pagkain sa labas.

May mga piling pagkakataon din namang napipilit niya itong mag-friendly date sila; kapag ganoon ay ang lugar na kinaroroonan niya ang laging destinasyon nila. Today is one of those rare occasions.

“Zig? Ikaw nga ba iyan?”

Naistorbo ang pagmumuni-muni ni Zigfreid nang isang babaeng may pamilyar na boses ang tumawag sa kaniya. He looked up just to see Ruth, his ex-girlfriend.

“Hey, Ruth!” he greeted, smiling. “Long time no see.”

“Oo nga, eh. Kumusta? What are you doing here alone?”

“Heto, maayos naman. Hinihintay ko lang 'yung...” Err... “... 'yung girlfriend ko. Magkikita kami rito.”

Mapanudyong ngumiti si Ruth, saka umupo sa katapat niyang silya. “Oh, I see. Siya ba iyong girl na madalas mong i-post sa FB? Is it because of her that your eyes smile like that?”

Sagot sa DalanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon