Chapter 06

45 1 0
                                    

Chapter Theme Song: Migraine by Moonstar 88 (vctto)

***

#SsDReality
  
 


  
“WHAT’S wrong? Kanina ka pa tahimik.”

Mula sa inuupuang couch ay tiningala ni Mary Ann si Zigfreid na nakatayo sa harapan niya, para lang muling mag-iwas ng tingin bago pa man masagot ang tanong nito. Sa kung anong dahilan ay hindi niya matagalang tingnan ito habang tanging boxer shorts lang ang saplot nito at nakabalandra pa sa harapan niya ang tila bato-bato nitong dibdib. Kaliligo lang kasi ng binata, ni hindi pa tapos magpatuyo ng buhok. Ang Herodes! Hindi man lang naisip na magbihis bago siya kausapin!

Sapul ng ipanganak ay ngayon lang siya naapektuhan sa ganoong pangangatawan, samantalang noo’y walang kuwenta sa kaniya ang mga ganoong bagay at madalas pang sermunan si Thea na mahilig mag-‘window shop’ ng kung sinu-sinong macho na lalaki sa internet. Sadya yatang nasosobrahan ang impluwensiya sa kaniya ng pinsan at nahahawa na siya sa mga trip nito.

“Bored lang. Medyo out-of-place din sa ibang bisita,” balewalang pagtatapat niya nang makabawi, wala sa loob magreklamo.

Sabado noon, unang araw ng two-days-two-nights trip nila sa Zambales kung saan gaganapin ang beach wedding ng kinakapatid ni Zigfreid.

Kinabukasan ng hapon ang mismong seremonya ngunit kagabi pa sila bumiyahe patungong Zambales, tulad ng iba pang imbitado. Ayon iyon sa kahilingan ng mga ikakasal, upang magkaroon pa raw ng libreng oras ang lahat para ma-enjoy ang stay sa magandang lugar na iyon at makapag-bonding bago ang selebrasyon. Sinagot ng mga ito ang lahat ng gastusin mula sa vacation rentals hanggang sa iba pang pangangailangan ng mga guest na nagmula pa sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kinuhang groomsman ng mga ikakasal si Zigfreid at s’yempre pa, dahil nakilala ng bride bilang girlfriend ng lalaki ay nadamay siya sa invitation. Kesyo raw para hindi malungkot ang boyfriend niya kapag nalayo siya ng ilang araw.

Napangiti siya. Habang tumatagal ay nagiging musika na sa kaniyang pandinig ang mga ganoong sinasabi ng mga nakapaligid sa kanila ng binata. Ngunit nang matauhan, nais naman niyang sabunutan ang sarili. Diyata’t masyado na siyang nagpapadala sa palabas na silang dalawa rin ni Zigfreid ang sumulat.

“Gano’n? Gusto mo, balik na tayo sa ‘tin? Magsabi ka lang. Nand’yan lang sa labas ang kotse ko.”

Natigil sa paglipad ang isip niya gawa ng banat nitong iyon. Kamay niya ang sunod na lumipad pahampas sa matigas nitong balikat.

“Baliw! At ano na lang ang sasabihin sa iyo ng kinakapatid mo kapag inindyan mo siya? Naturingang kasama ka sa entourage!”

“Ano naman? Hindi naman ako ang groom niya kaya matutuloy pa rin ang kasal even without me. Sasabihin ko, may emergency.”

“Ano naman iyang emergency mo, aber?”

Kumunot ang noo nito, animo may napakalaking problema. “Hindi pa ngumingiti ang sweetheart ko mula kaninang umaga. I must do something to bring her back to being cheerful, otherwise I’ll be really disheartened.”

Bigla ang pagsiksik nito sa okupado na niyang pang-isahang upuan, dahilan upang lihim siyang mapalunok. Mabuti na lang at may suot na itong damit-pang-itaas.

“Ano, tara?”

Tuluyan nang nabura ang inip niya. Nadaig iyon ng pinaghalong kakatwang bilis ng pagkabog ng kaniyang dibdib at pagkaalarma dahil mukhang seryoso ang lalaki sa pagyayayang umalis.

Sagot sa DalanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon