Chapter 13

24 1 0
                                    

Chapter Theme Song: Do I Have To Cry For You by Nick Carter (vctto)

***

#SsDHalik
  
  
  
“NAND'YAN ho ba sa loob si Thea? O kahit si James?”

“Opo, Sir Zig, nasa loob sila pareho. Si Ma'am Thea, kadarating lang.”

“Puwede ho bang pakitawag? Pakisabi, nandito ako.”

“Eh, bakit hindi na lang ho kayo pumasok? Welcome naman ho kayo lagi kina Ma'am at Sir.”

“Hindi na ho. Hindi naman ako magtatagal. Importante lang.”

Hindi na nakipagdiskusyon pa ang kasambahay at sumunod na lang sa pakiusap ni Zigfreid. Siya naman ay nanatiling tahimik na nakatayo sa tapat ng pintuan ng bahay nina James habang pinipilit na alisin ang hindi maipaliwanag na tensyong nadarama. Ilang minuto siyang ganoon bago makaharap si Thea. Kabuntot nito ang asawa.

“Zig! Ayaw mo raw pumasok sabi ng maid. What’s wrong with you?”

Everything, Thea. Everything's wrong with me.

“Gaya ng sabi ko kay Manang, hindi naman ako magtatagal. Gusto ko lang sanang malaman ang bagong address ng pinsan mo,” deretsahang aniya.

He was desperate. Wala na siyang ibang maisip na paraan para matunton si Mary Ann. Umalis na ito sa dating tahanan, nagpalit ng cellphone number at i-b-in-lock siya sa social media accounts. Maging sa shop nito ay puro mga katiwala ang nararatnan niya, na sa tuwing pagtatanungan ay walang matinong maisagot sa kaniya.

Ang dalawang kaharap: ang mga ito na lang ang pag-asa niya. Sigurado siyang may alam ang mga ito kung saan nagtatago si Mary Ann.

“Bakit mo pa tinatanong? Wala na kayo, 'di ba? You're even dating another girl,” pag-iiba ni Thea ng usapan.

“Dahil hindi ako naniniwalang meron na siyang iba. Sigurado akong wala. Kaya gusto kong maintindihan mula mismo sa kaniya kung bakit siya nagsinungaling sa 'kin at ba't niya 'ko pinagtataguan.”

Nakumpirma niya iyon matapos makausap si Geoff sa telepono kanina lang. Labag man sa loob ay tinawagan niya ang lalaki para pasimpleng alamin kung nakakasama pa nito si Mary Ann o kung meron pa itong kahit na anong koneksyon sa babae. Si Geoff lang kasi ang tanging suspect niya na maging bagong karelasyon ng ex-fiancée, kung meron man.

Ngunit nang makausap niya si Geoff, tila nabaliktad ang sitwasyon. Parang ito pa ang nagtatakang hindi pa rin sila nagkakaayos at ikinakasal ni Mary Ann. May nabanggit pa itong “I thought you already know” na hindi niya naunawaan. Nang tanungin naman niya ay hindi rin nagpaliwanag. Lalo tuloy sumakit ang ulo niya.

Nakipagtitigan siya kay Thea at napahilamos ng palad sa mukha nang makitang wala pa rin itong balak magsalita. “Si Jade... tinigilan ko na siya. Nilinaw ko na sa kaniyang ibang babae talaga ang mahal ko at hindi siya. Kaya sige na, sabihin mo na sa 'kin kung nasa'n si Mary.”

Bumuka ang bibig ni Thea pero walang lumabas na salita mula roon. Sa halip ay itinikom lang iyon muli nito bago nakipagtinginan kay James.

“I'm sorry, Zig, pero hindi rin nagpaalam sa 'kin si Mary, eh. Wala akong maitutulong sa 'yo,” sa huli ay pagtanggi nito.

Sagot sa DalanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon