Pina inom agad ako ni Aaron ng soft drinks na hawak hawak niya habang hinahagod ang likod ko. Rinig ko ang pagtawa niya pero hindi ko na 'yon pinagtuunan ng pansin.
"Nakita mo lang si Silver nabilaukan ka na." saad niya at muling tumawa.
"Manahimik ka nga!" suway ko dahil ang lalaking tukoy tukoy niya ay nasa tabi lang namin.
Natawa naman ang mga kasama niya kaya masamang tingin ang pinukol ko sa kanila kaya itinikom nila ang bibig nila.
"Okay ka na?" Aaron asked. Tumango lang ako habang masama pa rin ang tingin sa mga lalaki.
Aaron invited them, thats why they're here. Pinatulan ni Silver ang kayabangan ni Aaron na mag one versus one sila. Nakamotor silang pumunta rito.
Inaya sila ni Aaron na pumunta ng bahay nila. Hindi na sana ako sasama dahil ang ibang kasama ni Silver ay ang mga kasama niya noong hinalikan niya ako!
"Segi na! Sasabihin ko sayo password ng wifi namin!" panunuhol sa akin ni Aaron.
Nilingon ko siya sa alok niyang 'yon at malaki ang ngiting ginawad niya sa akin. Ngiting tagumpay. Alam niya na kasing papayag ako.
Pumayag naman ako. Hanggang FB10 lang ang kaya kong load at kung minsan ay naka free data lang ako. Tatanggihan ko pa ba ang alok niya? Syempre hindi.
"Good evening po." bati ko agad sa Mama ni Aaron nang makapasok kami sa bahay nila. Nginitian naman ako ng ginang.
"Good evening po Tita!" sabay sabay na bati naman nila kay Tita. Na nginitian lang din sila.
Base on Tita Von's reaction, she already know them. Hmm? Bakit ako hindi?
"Ma, naalala niyo? Nagpaalam ako sa inyo kanina," paalala ni Aaron sa ina.
"Uhm" tumango ang ginang sa anak, "segi, feel at home! Gagawan ko lang kayo ng makakain."
"Salamat po!" pasasalamat nila Silver. Ngumiti naman uli ito.
"Tulungan ko na kayo, Tita," I volunteered.
"Tara." masayang aya ng ginang sa akin at naunang mag lakad kaya sinundan ko siya patungo sa kusina nila.
Hindi ko pa rin maiwasan ang mamangha sa bahay nila Aaron, ng pamilya Mones kahit na maraming beses na akong nakapunta rito. Malaki at malawak ang dalawang palapag na bahay nila at bawat dingding dito ay napupuno ng nakasabit na mga litrato. Mga inipong litrato na may inipong alaala.
Malayong malayo sa itsura ng bahay namin, dalawang palapag din ang bahay namin ngunit hindi kasing laki at lawak ng bahay nila, simple lang ang bahay namin. May mga litrato ring nakasabit ngunit iilan lang.
"Pakikiilaman ko na po 'yong ref niyo," paalam ko.
"Feel at home, hindi ka na bago rito at sa amin, Darren," saad ni Tita Von habang inilalagay ang mga cookies sa plato.
Napangiti naman ako. Totoo naman ang sinabi nito, simula noon pa man ay pumupunta na ako rito. Halos parte na ng buhay ko ang bahay nila. Maging sila rin. Halos araw araw na nga ako rito noong bata pa ako at nakikipaglaro kay Aaron.
Minsan din kasi ay dito na kami ni Aaron gumagawa ng project tuwing kagrupo ko siya sa mga school works, dito rin kami sabay na gumagawa ng reports namin dahil may internet sila, hanggang sa paglaki ay welcome ako rito.
Mababait sila, hindi nila ako trinato na iba sa kanila, hindi ko nga alam kung kanino namana ni Aaron ang kalokohan niya.
Binuksan ko ang ref nila at kinuha ang pitsel na naglalaman ng juice. Kumuha na ako ng sapat na baso para sa aming lahat at inilagay sa tray. Una kong nilabas ang petsil at sabay naming nilabas ni Tita ang cookies at mga baso.
YOU ARE READING
When Fate Played
RomanceDilara Series One - [ONGOING] Darren Camille was peacefully walking at the street when a man named Silver Sage grab her hand and kissed her. A man that will be the bridge for her to know the truth. That all she believes was a lie. That she fell in l...