Chapter 18

0 1 0
                                    


"Good morning!" masiglang bati sa akin ni Aaron nang makalabas ako ng bahay.

"Good morning!" masiglang balik bati ko, "Nakajacket na naman." I roll my eyes on him.

He shrugged. "kaniya kaniya ngang trip lang 'yan!" ayan naman uli ang naging sagot niya. "at isa pa, gwapo naman ako. Itanggi mo." hamon pa niya.

Tinignan ko naman siya. Naka-white v-neck shirt siya at black fitted pants, bumagay sa porma niya ang maong niyang jacket. Nakataas din ang buhok niya na lagi naman kaya mas maliwanag lagi ang muka niya at presko tignan, wala ring kung ano sa muka niya, makinis ito at maputi. Natural na kulay pink din ang labi niya at ang ganda niya ngumiti.

"Ang gwapo nga." sabi ko.

"Kita mo? Darren, hindi mo maitanggi! Kasi kahit anong isuot ko, gwapo talaga ako." mayabang na aniya. Umirap na lang ako dahil totoo naman ang pinagmamayabang niya.

"Hindi ka sana papasokin ng guard!"

"May ID po ako, milady," tapos ay pinakita niya ang ID niyang nakasabit sa leeg niya.

"Buong linggo kang magja-jacket? Ano bang trip mo? Ang init init ng panahon, pinagpapawisan ka pa! 'Yan tuloy ay nagkakapantal pantal ka na sa muka at leeg!" pangangaral ko sabay turo sa mga kulay pula sa muka at leeg niya. Marami ito, may maliit at malaking pantal na kulay pula.

Hinawi niya ang kamay ko, "ito? Magagamot ko naman 'to." tapos ay inakbayan niya ako't iginaya sa gilid ng kasalda at pumara ng tricycle.

"May gamot ka ba? Kung meron nasaan? Kung wala naman daan muna tayo sa drug store bago pumasok, bibili tayo ng gamot mo diyan. Gwapo ka nga, puro pantal naman leeg mo. Alam mo, muka ngang hickeys eh."

"Pero sabi mo nga, gwapo pa rin. Asus! Ang Darren na 'yan." aniya sa mapang-asar na tono.

"E! Inaalagaan mo ako e! Dapat ako rin, 'no! Aalagaan din kita."

Buong byahe ay pinapangaralan ko siya sa pagkakapantal niya dahil nakajacket siya at siya naman ay laging may pangontra at sagot sa mga sinasabi ko.

Habang nagka-klase ay napatingin ako kay Aaron nang tumayo siya at magpaalam sa guro na pupunta siya ng CR. Nagsalubong ang kilay ko nang makita ko na medyo hirap siyang humakbang pero nang tumingin siya sa akin at nakita niyang nakatingin ako sa kaniya ay ngumiti siya at naglakad nang maayos kahit na bakas naman sa muka niya ang hirap.

Ano na naman bang kalampahan ang ginawa niya at nasaktan na naman siya?

Nang magtatanghalian, akala ko sasama si Aaron sa amin para kumain pero sumama lang pala siya sa akin palabas.

"Hindi uli ako sasama sainyo ah!" sabi ni Aaron tapos ay tumingin sa akin nang nakakaloko. Inirapan ko siya.

"Again. Why?" tinagilid ni Silver ang ulo niya at nagtatakang pinagsadahan ng tingin si Aaron.

"Bakit? Bawal?"

"Just curious. Hindi ka uli sumama sa amin noong nakaraan."

"Sus! Hindi na lang niya sabihin na ayaw niyang makasama si Darren!" alam kong nagbibiro lang si Aaron nang sabihin niya 'yon pero hindi ko maiwasang mainis.

"Tara na nga Silver! Ayaw mong sumama? 'Di 'wag!" usal ko at agad na hinila si Silver palayo kay Aaron. Hindi ko na nilingon pa ang lalaki samantalang si Silver ay pilit na lumilingon pero hindi ko siya pinapayagan at hinihila ko siya.

Hindi ko alam kung saang parte ba sa sinabi niya ako nainis o baka naman wala sa sinabi niya?

Oo, minsan natutuwa ako sa ginagawa niya, 'yong hindi pagsama sa amin ni Silver pero minsan naman hindi kasi pakiramdam ko may itinatago siya sa akin, parang may ayaw siyang malaman ko pero kung tinitignan ko naman siya... wala naman akong mahagilap sa mga mata niya.

When Fate PlayedWhere stories live. Discover now