Buong araw ay maganda ang mood ko. Hindi na nga halos mawala ang ngiti sa labi ko kahit na kulang ako sa tulog at may malaki pa akong eyebags dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.
Hindi nawala sa isip ko ang nangyari kagabi. Para ’yong isang napakagandang panaginip.
I like him. It’s normal this feeling that I feel right now. I feel like I’m in cloud nine. Gusto ko siya. Normal pa naman ako? Tama?
“Good mood ka ’ata? Kanina ka pa nakangiti na parang tanga kahit na wala namang ka-ngiti ngiti.” nakatawang sabi ni Aaron habang nakatambay kami sa bahay nila. Wala kasi si Tita Von at wala siyang kasama kaya tinawag niya ako sa bahay at sinabing samahan ko muna siya sa bahay nila.
Nanood lang kami sa netflix habang kumakain nang natapos ang dalawang movie na pinanood namin ay naupo na lang kami sa sofa nila at pareho kaming nakaharap sa sarili naming cellphone.
“Huwag mo na lang pansinin baka mabago!”
“You look like you’re in love.” komento niya.
Agad na napalingon ako kay Aaron dahil sa sinabi niya. Nakatingin siya sa akin at malakas na tumawa.
“Joke lang. Manalamin ka, tignan mo muka mo.” bawi niya sa sinabi.
Pinatay ko ang phone ko at ’yon ang ginawa kong salamin.
Narinig ko na naman ang pagtawa niya. “uto uto!” sigaw niya sa akin at tumawa na naman ng malakas. Inungusan ko lang siya sa sinabi niya. Pasalamat siya at nasa magandang mood ako ngayon.
Pero lahat naman may kataposan. Walang permanenti sa mundo. May mga bagay talaga na mabilis magbago. Parang dadaanan ng hangin tangay ’yong saya, tapos mapapalitan agad ng iba.
Hindi na nagparamdam si Silver sa akin after that incident. Ni anino niya hindi ko nakita, hindi na rin siya nagpaparamdam sa chat.
Pabor na rin sa akin ’yon.
Pabor nga ba? Syempre hindi.. pero okay na siguro na hindi na siya magparamdam para hindi na lumalala ang pagkagusto ko sa kaniya. Tama na ’yong kinilig ako ng isang araw lang.
May girlfriend na siya!
Ayoko na gusto ko siya dahil may girlfriend siya, may ibang binibini na nagpapatibok ng puso niya.
Pero kahit gusto kong iwasan na siya para hindi lumalala ang nararamdaman ko sa kaniya hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na maisip siya.
Ang malungkot dahil gusto ko siya pero may girlfriend siya.
“Ang pangit ng damit mo! Palitan mo nga!” iyan agad ang salubong sa akin ni Aaron nang lumabas ako sa bahay.
Napatingin ako sa damit ko. Kulay itim na dress ito. Maikli pero sakto lang.
“Pangit?” tanong ko.
“Oo! Yuyuko ka lang makikitaan ka na tapos tignan mo naman wala pang manggas! Ang pangit! Ang pangit mo na nga, pangit pa damit mo.” kunot noong sabi niya habang dinuduro duro pa ako.
Nagsalubong agad ang kilay ko sa sinabi niya at malakas na sinipa siya sa paa.
“Anong sinabi mo!?” pagalit na sigaw ko.
“Biro lang. Okay naman ’yang damit mo pero palitan mo na lang... Please?" mahinahon nang sabi niya.
Napabuntong hininga ako. Tumango ako dahilan para ngumiti siya. Sinenyasan ko siyang maghintay at tumango naman siya. Pumasok na ako ng bahay at agad na naghanap ng ipapalit na damit.
Aaron always care about my feature, he always tell me if there’s something wrong with my clothings.
White dress ang napili ko, below the knee ’to at palobo, tinirnohan ko ng sandals kasi hindi bagay sa sapatos ko. Inaprobahan naman agad ni Aaron.
YOU ARE READING
When Fate Played
RomanceDilara Series One - [ONGOING] Darren Camille was peacefully walking at the street when a man named Silver Sage grab her hand and kissed her. A man that will be the bridge for her to know the truth. That all she believes was a lie. That she fell in l...