Chapter 11

5 1 0
                                    

“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko kay Silver nang naabotan ko siyang nasa loob ng kwarto ko. Kagagaling ko lang kasi sa labas dahil inutosan ako ni Mama na bumili.

Hindi ako nakatanggap ng tugon mula rito. Tahimik na inilibot niya ang paningin sa kabuoan ng kwarto ko. Makikita sa mga mata niya ang paghanga sa nakikita, paghanga sa mga gawa ko.

Wala sa sariling napangiti ako dahil doon at nakangiti siyang pinagmasdan.

Ang mga painting ko noon ay nakadisplay sa kwarto ko, maging ang mga sketch at drawings ko ay nakadisplay din. Kung papasok ka sa kwatro ko ay aakalain mong nasa isa kang art gallery, hindi nga lang gawa ng mga sikat na pintor. Si Tatay ang may gusto na gawin ko ’to, ang i-display ang likha ko sa kwarto ko kaya ginawa ko, ang bawat ubra ko kahit na maliit lang ’to at trip ko lang i-drawing ay nakadisplay lahat sa kwarto ko.

Tatay tell me to treasure all my art workd even the smallest. Treasure the small things.

Nilingon ako bigla ni Silver kaya agad kong na inalis ang ngiti sa labi ko, siya naman ang ngumiti, mukang nakita niya inakto ko kaya umiwas ako ng tingin.

“Ikaw ang nagpinta ng lahat ng ’to?”  mabagal ang pananalita niya, hindi maalis ang paghanga.

“Oo!” proud na usal ko.

“Wow... You have a wonderful gift.”

Tumango lang ako. He’s right, I have a wonderful gift. Namana ko ang kagalingan ko sa pagpipinta at pagmamahal ko sa sining sa Tatay ko.

Muli ay inilibot niya ang paningin sa kabuoan ng kwarto ko bago niya ituun sa akin ang paningin niyang ’yon. Nginitian ko siya.

“By the way, I want to talk to you.”

“H-Huh?” nagugulat na usal ko. Sa inasta ko kagabi ay mukang alam niya na may nasabi siya sa akin nang lasing siya. Hayst. Hindi kasi ako nag ingat sa mga salita ko kagabi.

Naglakad na siya palabas ng kwarto ko kaya naman sumunod na ako. Pumunta siya sa sala namin at naupo. Sunod sunuran naman ako sa kaniya at naupo rin gaya niya sa single sofa nga lang.

“Darren,” tawag pansin niya sa akin. Medyo nagulat pa ako sa boses niya. Hindi na ako nasanay. Ang ganda kasi ng pangalan ko kapag siya ang bumibigkas.

“Uh. A-Ano ’yon?”

Humarap siya sa akin at ngumiti. Napahawak ako sa gilid ng single sofa na kinauupuan ko upang hindi mahulog... sa kaniya at sa kinauupuan.

“I want to say thank you. I never been this happy celebrating christmas. Thank you, for making me experience this feeling.” puno ng sinseridad na sabi niya. Para bang ang puso niya na mismo ang nagsalita para sa kaniya.

Ngumiti ako at inalala ang nangyari kaninang madaling araw.

Halos hindi nawala ang ngiti sa labi niya habang nanonood kami ng palaro. Maging nang kumain kami ng noche buena at nagbatian. Halata ang galak sa muka niya ng mga oras na ’yon. Ibang iba ang ngiti niya nang oras na ’yon sa mga ngiti niya tuwing nakikita ko siyang nakangiti.

“Wala 'yon.” I uttered.

“Really, I’m very thankful. I’m glad too... that I met you.”

Pinamulan ako sa sinabi niya. Pinagdikit ko ang labi ko para pigilan ang ngiting gustong kumawala rito. Ramdam ko rin ang paglaki ng butas sa ilong ko dahil sa pagpipigil ng kilig.

Is he aware of his words? Aware ba siya na nakakakilig ang mga sinasabi niya?

“I want to know you well, so, please? Let’s be friend?” nakangiting saad niya at inilahad ang kamay niya sa harap ko.

When Fate PlayedWhere stories live. Discover now