10th week of school
Thursday.
Fun Fact:
The sudden cold feeling or chills that you feel when you're nervous, excited or overwhelmed can also be called as frisson. French word for 'shiver.'
So...yun 'yong tawag sa nararamdaman ko most of the time because of...him?
Why?
Weird.
Hanggang sa napabalikwas ako ng bahagya dahil nag-vibrate ang cellphone ko.
Natawag si Red!
Pagkasagot ko, hindi agad ako nagsalita.
Two seconds. Hindi pa din sya nagsasalita. Ako din.
Five seconds. Hindi na s'ya nakatiis.
"Ano, magpapakiramdaman na lang ba tayo?" At naghalo ang nakakadalang tawa nya at ang mumunti kong tawa sa telepono. Nakakadala ba talaga yung tawa n'ya o sadyang mabilis lang ako patawanin?
"Adik. Sa'n ka?" tanong n'ya.
"Library."
"Hmm... Sige na. Ba-bye na."
"Bye."
Pagkatapos ng tawag nya ay napasubsob ako sa librong binabasa ko. Anong klaseng oagtawag yon?
Frisson attack!
Saturday.
After lunch 'yon nang lumabas ako ng bahay papunta sa pinsan kong si Al. Sinabihan n'ya ako na tulungan ko daw sila sa baby thesis ng kapartner n'ya. Dahil gusto ko namang makalabas man lang ng bahay, nagprisinta ako na ako na lang ang pupunta sa kanila imbis na sila sa amin.
Pagkadating ko ay sinalubong nila ako. Nagpahinga saglit pagkatapos ay nagsimula na rin kami sa paggawa. Inabot na kami ng gabi. Ayos naman. Bukas na lang daw ulit.
"Thank you talaga, Ate Chinna," sambit ni Al nang makalabas kami ng bahay nila.
"Oo nga po, Ate, thank you," sabi naman ni Gelo, kapartner n'ya.
Mga alas-syete na rin ata no'n. Labinglimang minuto na ata ang nakalipas pero wala pa ring tricycle na naddan para makalabas kami ng subdivision. Ang sama.
"Malayo po ba bahay n'yo rito?" tanong sakin ni Gelo.
"Hmm.. 'Di naman. Mula sa labas, mga 30 minutes."
"Sa Mark s'ya, Gel."
"Ah! Sa Paul po ako."
"Hmm.." tugon ko.
Di naman pala nagkakalayo ang mga subdivisions na tinitirahan namin. 20-30mins away halos, starting point itong kila Al ---Matthew.
"Oy, Al, tanda mo si Ate Sarah?" bumaling naman si Gelo kay Al.
"Oh?"
"Nililigawan daw ulit ni Kuya."
"Ang korni naman nila."
"Bente. Dalawang buwan."
"Bente, ano yon? Dalawang oras sa compshop? Isang buwan lang yon. Papatagalin pa?"
"De, Malaki galit ni Ate Sarah ih."
"De aba. Deal na."
"At talagang magpupustahan kayo?!" Napatawa naman ang dalawa sa nasambit ko. "Masama yan ha. Tao pa pinagpustahan nyo."
Tawa pa rin sila ng tawa. "Wala lang to, Te, katuwaan lang."
"E yun na nga ih!" sabay kunwari'y kurot ko sa tagiliran ni Al. Mga lalaki talaga, isang chismoso din ih.
"Balitaan ka namin, Ate Chinna, pag may update."
"Kulit! Itigil n'yo yan."
At nagtawanan pa lalo ang dalawa sabay high five. Typical 15-year old teenagers.
Nakasakay rin naman ako mga sampung minuto pa pagkatapos. Habang nasa daan pauwi e naalala ko bila yung pustahan nung dalawa, mga loko. Na-curious tuloy ako sa kwento.
*Susubukan ko talagang i-update ito. Wew.
BINABASA MO ANG
RED
Teen FictionAng pag-ibig na hanggang text lang, 'di dapat pinaniniwalaan. © All Rights Reserved December 2013