15th week of school
Monday.
9:20pm
"Good night potchie. Kamusta? Ingat palagi. God bless you. :))"
"Nytz potchie. See you tom. Musta ka na? God bless! ^^"
Saturday and Sunday messages n'ya.
Naisipan kong mag-unli mula nung Saturday pero 'di ko na lang tinuloy.
Sayang ipon.
Baka joke lang na nami-miss n'ya 'ko, as always.
Baka sinusubukan n'ya lang kung ano magiging reaction ko. Tapos yung sinabi pa ni Lex.
Oh well, Mr. Papel.
At least alam ko na.
Oh well.
Tuesday.
6:30am
Meron akong 5 messages received. And isa do'n, sa kanya. Kung bakit 'yun ang unang binuksan ko ay hindi ko rin alam.
Kainis.
"Goodnight suplada. Suplada na sa personal, suplada pa sa text. Epic! Haha. XDD See you tom! ^^"
Nang bubuksan ko na 'yung apat pang iba, may dumating ulit na text galing sa kanya.
"Galit ka ba sa'kin?"
"Chinna, usap naman tayo mamaya."
Medyo napataas ang kilay ko out of shock siguro.
Chinna, hindi potchie?
Walang haha?
Smiley?
Seryoso s'ya?
Hala.
"Good morning pala. Ingat ka pagpasok ah. God bless you."
Aba, may pahabol pa.
Mr. Papel, sana 'di ko s'ya makita mamaya!
As usual, 9:30am ay nasa library na ako. Ang hindi usual ay 'yung fact na hindi mawala sa isip ko 'yung 'Chinna, usap naman tayo mamaya' ni Red. Dapat pala 'di ako pumasok ng maaga, e di sana mas maliit 'yung chance na makita ko s'ya.
Hawak ko 'yung paborito kong libro pero parang wala naman talaga akong nababasa dahil sa tuwing may nararamdaman akong kaluskos, o kapag may naririnig akong boses ng lalaki, napapalingon ako sa pag-aakalang s'ya 'yun.
Pa'no kung puntahan n'ya ko dito, alam n'yang nandito ako lagi.
'Di naman siguro.
Ah.
Ano ba 'yan, Red.
10:25am
Five minutes!
Wala s'ya.
I knew it.
Medyo nakahinga ako ng maluwag kasi wala s'y---
"Red?" sabi ko sa isip ko.
Napalunok ako ng laway pagkakita ko sa kanya.
Akala ko wala s'ya.
BINABASA MO ANG
RED
Teen FictionAng pag-ibig na hanggang text lang, 'di dapat pinaniniwalaan. © All Rights Reserved December 2013