11th week of school
Tuesday.
"Ay, Cass, kamusta na pala kayo ni Ron?" tanong ni ever responsible mother Joei. I think we all have that one friend that seems like the mother of the whole circle.
"Ayun, naiinis ako sa kanya."
"Bakit?" sabay naming tugon.
"Pausong M.U. Ano ba yun."
"Ang gulo kaya no'n," sabi ko na para bang naiintindihan ko yung konsepto. Unang beses kong narinig yun e 4th year high school ako, dun sa kaklase kong babae. Kesyo MU daw kami nung classmate namin na ka-close ko. Ha? Dahil ka-close? Buti pa s'ya alam n'ya, ako walang ideya. Hanggang sa nagka-clue na lang din ako tungkol sa MU na yun kinababanggit sa mga kwentuhan, ganon.
"Sinabi mo pa! Parang ngayon. Gusto ko na pero di ko man lang s'ya ma-confront dun sa sinasabi nung kakilala ko na nililigawan daw nun na taga-ibang school."
"Ano?!" sabay kami ni inay.
"Kapal n'ya ha," ani mother.
"OO! Kaya nga 'ko naiinis. Ah, ewan! Mga lalaking epal talaga. Buti pa nung nanliligaw pa lang s'ya e ang bait-bait. Tapos nagkaaminan lang, wala na, ganyan na."
Si Cass kasi, bawal pa mag-boyfriend. Pero gusto n'ya naman ng sobra 'tong si Ron na ilang buwan na ring nanliligaw sa kanya. Sinabi n'ya na naman sa kanya na ayaw n'yang suwayin yung mga magulang nya hanggang sa nagkaaminan nga at eto, MU daw sila.
Mutual understanding. Nagkakaintindihan nga ba?
Tipong hindi daw kayo pero parang kayo na.
"Parang kayo."
Pero walang kasiguraduhan ang mga bagay-bagay.
Pero bawal magdemand.
Pero bawal magselos.
Sabi lang nila.
Seryoso, anong kasaysayan ng existence ng MU?
Well, ano bang naiintidihan ko, wala din naman.
"AYY!!"
"ANO?!" alalang-alalang tanong nila Joei at Cass. Medyo may pagka-OA talaga ko mag-react minsan.
"Nakalimutan ko, pupunta pa nga pala 'kong bangko, may inuutos si Papa," tumayo naman ako sa inuupuan ko. "Abot pa sa 4:30!"
"Oo, bilisan mo, itong si kalimot lagi ih." Nagagalit si Inay.
Nakarating ako sa bangko nang mga quarter to four na. Mabuti't nakaabot pa'ko. Nag-jeep na nga ko kahit normally, nilalakad ko lang yun. Pagkatapos ng transaction ko doon ay hindi na muna ko bumalik ng school dahil may pinabibili naman yung dormate ko sa malapit na botika. Chinna, at your service.
"CHINNA!" Biglang kumabog ang dibdib ko habang parang naghihina pati mga tuhod ko dahil kasabay ng narinig ko e ay ang naghihingalong kapit ng isang kamay sa kanang balikat ko. Si Red naman kasi nanggugulat! Napatawa s'ya bigla nang magkatinginan na kami.
"RED!"
"Ay sorry," sabay tawa pa rin. "Sorry," tawa pa rin s'ya ng tawa.
"Nakakainis naman 'to e."
"Sorry, sorry talaga. Magugulatin ka pala." Nang pagkakataong yun, bilang paggalang sa naganap, ay nagtitigil na s'ya sa pagtawa. "Sa'n ka galing at pupunta?" Natawa na naman s'ya this time, sa pagkakabuo n'ya ng tanong n'ya.
BINABASA MO ANG
RED
Teen FictionAng pag-ibig na hanggang text lang, 'di dapat pinaniniwalaan. © All Rights Reserved December 2013