9th week of school
Tuesday.
Fun Fact:
It is said that when a person gives you a nickname, it means you are special to him/her.
Kaya?
Ang nakakatawa dito, may taong pumasok sa isip ko no'ng binabasa ko 'tong fun fact na ito. Hindi 'yon fun.
E pa'no kung trip lang pala n'ya, sige nga.
Dahil alam n'ya 'tong fun fact na 'to at para lumabas na special sa kanya itong isa e binigyan n'ya ng nickname? Cool eh. 'Di ba? Pwede namang magkunwari. Sus.
"Who lives in the pineapple under the sea?"
Bam!, pagkakita ko agad ng pangalan n'ya.
Bakit kailangan n'yang tumawag?!
"Sponge---"
Pinatahimik ko na lamang muna 'yung cellphone ko sa pagtunog, pero tuloy pa rin ang pag-ring nito dahil sa kanya. Sasagutin ko ba? Pwede rin. Pero baka sabihin n'ya ang atat ko at sagot agad ako sa tawag ny'a kaya papatagalin ko muna. Five seconds...
"Ano?" sabi ko.
"Ano?" sabi n'ya.
"Aba, ano ka?" Narinig ko naman ang tawa n'ya.
"'To naman, nagparamdam lang ako. Sige na. Byeee." Punong-puno pa ng ligaya 'yung pagkakapaalam n'ya.
"Bye," sagot ko habang nagtataka kung anong nangyayari.
Napabuga ako ng hangin pagkaputol ng tawag.
Shaks, kinabahan talaga 'ko?
Natigilan ako bigla at napakunot naman ang noo ko.
Yun na yun?
Yun na yung tawag na yun?!
Anak ng tofu, kinabahan at nagimbal ako't lahat para lang pala sa ganong kasimple at kaikling tawag?!
Seryoso?!
Wednesday.
2:00pm
Quote:
Pssst. Potchiii. I can see you. Hahaha. :P
Tahimik na lang akong natawa sa text n'yang 'yon. Wala s'ya sa likod ko sa pagkakataong ito, nando'n na naman sila ng ka-bromance n'ya sa may pinto.
"Patawa ka! Haha. :D"
Adik 'tong si Red.
Itinuloy ko na lamang ang pakikinig kay Sir Lim. Nakikinig? Oo. May naiintidihan? Wala. May naiisip kasi akong iba e...
Potchi.
Potchi.
Potchi.
Natutuwa ako kapag tinatawag ako ni Red na potchi, sa totoo lang. Ang cute kasi nung nickname...
Nickname?
Nickname.
Totoo kaya yung nabasa ko kahapon?
Sus.
Napangiwi pa ko.
Kainis.
Di ako special do'n, ano ba.
Wala lang magawa 'yon.
"Haha! Oy, bakit napapahabol tingin ka sa mga kakalampas lang?"
"Aba, at napansin pa talaga? Haha." Sabagay totoo nga. Pero mata lang naman ang gumalaw sakin no'ng tiningnan ko sila ah, napansin n'ya pa talaga?
Hmm? Natigilan na naman ako.
Tinititigan n'ya ko?
"Tinititigan" talaga?!
"Syemps. Taken na yun oy."
"Ang pagkaka-oy oh. Haha. Sinong yun? Wala naman akong masamang balak sa kahit na sino dun no. :DD"
"Hahaha! Dapat lang. Umbag ka sakin kapag nagkataon."
"Haha! Aba, at bakit? May karelasyon ka ba dun? Hahaha. Shaks."
"Shaks. Yes! Si Papa Jordan. Kaya wag na wag kang titingin ulit dun. Sasabunutan kita talaga, bruha ka!"
"HAHAHA! Oo na teh, promise. :P"
"Ako lang kasi dapat mong tinitingnan, potchi. Hihihi. :)))" At inatake na ng kulit ang magaling.
Pero wala lang 'to...
"Uwian na. Old joke na ih."
"HAHAHA! Kainis, barado. T.T Ang sama mo talaga sakin. :((("
Lakas ng loob kong mag-text sa loob ng classroom ah, wag sanang mahalata ni Sir. Adwa 'tong si Red. Napatingin lang naman ako, wala ng iba.
Naaaliw naman daw ako.
Sabagay lagi naman talaga akong aliw kapag kausap s'ya.
'Di ko alam.
Pero ayun nga, siguro wala lang s'yang magawa at ibang mapagkaabalahan...tapos nataon ay nandito ako.
Baka bored lang s'ya ganon.
----------
Ano-ano na yung mga nicknames na naibigay na sa inyo ng ilang tao sa buhay nyo? Share naman! Haha. (Level: CHISMOSA) Thank you sa pagtatyaga sa RED. Pero kahit ganito to e pinaggugulan ko naman to ng oras noon, as in. Haha. Pagdasal nyo naman akong makapagsimula na para sa book of 2014 ko, dahil wala pa kong nabubuo! Hahaha. Naging goal ko na kasi yung ganito mula noon eh: one book a year. Woho, daldal ko. :D
Salamat muli.
God bless you! :)
BINABASA MO ANG
RED
Teen FictionAng pag-ibig na hanggang text lang, 'di dapat pinaniniwalaan. © All Rights Reserved December 2013